Jaxon's POV
Naglalakad-lakad lamang ako sa daan at hindi alam kung saan tutungo, nais ko lamang ay makalanghap ng sariwang hangin sapagkat ilang buwan din ata akong commatose sa hospital.
Habang naglalakad-lakad ay napahinto ako saglit malapit sa tulay kung saan ay may ilog sa ilalim sapagkat may nagba-vibrate sa suot kong pants.
"Bro's Calling...,"
"Hello," panimulang sambit ko.
"Dude, where are you? Kanina ka pa hinahanap nina tita, tumakas ka raw sa hospital?" sunod-sunod na saad nito.
Sasagot na sana ako nang mabaling ang akong atensiyon sa isang babaeng nakapikit sa may tulay at tila bumabagsak ang kaniyang mga luha.
Nais ko siyang puntahan ngunit nagdalawamg isip ako baka tumalon pa siya sa ilog sa takot kapag nakita ako. Pinagmamasdan ko lamang ito habang humihikbi.
"Hey, dude are you there? Lagot ka ni tita pagbalik mo,"
"Sabihin mo kung nasaan ka at susunduin kita, ako ang ginagalitan na ni tita, pasaway ka talaga," pagrereklamo ng best friend ko.
"Uuwi rin ako," tugon ko habang patuloy na nakatitig sa babae.
"Sabihin mo lang kung nasaan ka at pupuntahan na kita," pangungulit nito.
"I can manage do not worry dude okay?"
"You can manage your face! Mister Jaxon! Don't be so impulsive okay? You're not that fine, umayos ka," pagbabanta nito.
"Yes boss, uuwi akong ligtas," tugon ko sa best friend kong parang kapatid ko na rin kung ituring.
"Okay good!" saad nito at ibanaba na ang tawag.
Inilagay ko lamang sa aking bulsa ang aking cellular phone at muling tumingin sa direksiyon kung nasaan ang babae na kanina'y walang tigil sa pagluha, ngunit wala na ito doon. Marahil ay umuwi na siya, kaya't muli akong naglakad-lakad.
Ilang minuto din akong nanatili malapit sa tulay bago ko mapag desisyunan na bumalik sa hospital.
*Hospital*
"My son! Are you okay? Saan ka ba galing anak? Pasensya na, na-late si mommy ng dating sa paggising mo, kinailangan ni mommy pumuntang business trip eh," paliwanag nito.
"I'm fine mom, don't worry, sanay na rin naman akong naiiwanan kahit noong mga bata pa lamang ako," tugon ko at naupo na sa hospital bed.
"Do you need anything?" muling tanong ni mommy.
"No mom, I'm good don't bother,"
"Sinong nurse ang pumayag na palabasin ka at isusumbong ko ss management, hindi ka pa ganuon kalakas anak tapos hinayaan ka lang nila lumabas, how irresponsible they are? Paano kung naaksidente ka na naman hindi ba?" Inis na saad nito.
"Don't do that mom, thankful ako sa kanila sapagkat nakahinga ako ng maluwag noong makalabas ako rito, atsaka ako ang nakiusap sa kanila kaya ako ang dapat sisihin sakaling may mangyaring masama sa akin,"
Paliwanag ko."I want orange mom," pag i-iba ko ng topic upang humupa ang inis nito at pag aalala.
"Okay sige, ipagbabalat kita son," tugon nito.
"Thanks mom,"
"You need to rest, baka bukas na raw makapunta ang best friend mo, masyado lang daw siyang maraming tinatapos, kaya ako muna magbaba gay sa inyo.
"No need mom, I'm okay, kaya ko po,"
"Hindi pwede, kailangan kong bantayan at alagaan ang nag iisang anak at tagapag mana ko,"
Hinayaan ko lamang si mom na bantayan ako at sinikap na ring magpahinga.
BINABASA MO ANG
His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)
FantasyFANTASY COLLABORATION SERIES Under PaperInk Publishing House Isang lalaking katipunero ang nagngangalang Agripino ang mapupunta sa hinaharap mula sa nakaraan upang tuparin ang kaniyang ipinangako sa kaniyang babaeng pinaka minamahal na si Florencia...