KABANATA 12

90 6 0
                                    

Ginoong Cyrex's POV

Ang takipsilim ay dumadatal (dumarating) na ngunit si binibini ay hindi ko pa rin nasisilayan.

"Saan ka ba napaparoon binibini? Ako ay nalulumbay na rito," wika ko sa aking isipan habang nakaupo lamang sa kaniyang malambot at mahabang silya.

Hindi ako pamilyar sa mga bagay-bagay sa kaniyang tahanan kaya't naglakad-lakad lamang ako sa loob nito. Habang naglalakad ay napansin ko ang isang litrato kung nasaan si binibini at ang iba, pakiwari ko ay ito ang kaniyang pamilya, ngunit nasaan sila?

Matapos kong maglakad ay pumasok sa aking isipan na silipin ang mga bagay-bagay na nasa labas ng kaniyang munting tahanan.

"Hi kuyang pogi," isang tinig ng dalagitang babae ang aking narinig kaya't ibinaling ko kung saan-saan ang aking ulo at paningin.

"Nandito po ako sa katabing gate kuya, lingon ka po rito," hiyaw nito at agad ko namang sinundan ang kaniyang tinig at ito ay aking nakita.

"Hi kuya bakit ang pogi mo?" bigkas muli ng dalagitang may malaking ngiti sa kaniyang labi.

"Pogi?" takang tanong ko rito.

"Pogi, gwapo, may magandang hitsura, may girlfriend ka na po?"

"Girlfriend?" muling tanong ko.

"Kasintahan po ganuon,"

"Wala ija, sapagkat hindi ko pa rin lubos maalala ang aking nakaraan," tugon ko.

"Ako po pala si Yna, ikaw po anong pangalan mo?"

"Ako naman si Ginoong Cyrex," wika ko at binigyan din ito ng isang malaki at matamis na ngiti.

"Kinagagalak ko po kayong makilala,"

"Yna, kakain na anak!" bulyaw ng isang tinig pa ng babae.

"Paalam na po muna, tinatawag na po ako ng aking ina," saad nito at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Hanggang sa muli," bulong ko habang pinagmamasdan ang pag alis nito. Matapos noon ay umupo lamang ako sa damo sa labas ng munting tahanan ni binibini habang pinagmamasdan ang takipsilim at mga lumilitaw ng mga bituin sa langit.

"Cyrex bakit ka nakalupagi sa damuhan?" sambit ng isamg tinig na siyang naging dahilan ng pagtayo ko agad-agad.

"Binibini ikaw ay narito na," abot-tainga ang aking ngiti na ito ay sinalubong.

"Mabuti nga maagap ako pinauwi ngayon at kaarawan ko," tugon nito.

"Kaarawan mo binibini?" tumango naman siya bilang sagot. Nang makita ko ang mga supot na hawak nito ay agad ko itong kinuha sa kaniya at binitbit habang kami ay papasok sa kaniyang bahay.

"Oo kaarawan ko ngayon pero parang normal na araw lang naman ito para sa akin," saad nito habang binubuksan ang pintuan.

Nang makapasok kami ay agad naman niyang inihain ang mga nasa supot na dala nito.

"Mukhang malinamnam ang mga pagkain na dala mo binibini,"

"Tawagin mo nalang akong Janella," saad nito.

"Oo masarap ito, nagpa buffet kasi 'yong boss ko tapos naalala kita kaya ipinagdala na rin kita, kain na tayo,"

Matapos mag hain ay nagsimula na rin kaming kumain ni Janella. Tahimik lamang kaming kumakain at mababakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

"Pakiwari ko'y may dinadamdam ka Janella, maari ko bang malaman?"

"Nalulungkot lamang ako sapagkat wala ang mga mahal ko sa buhay ngayong kaarawan ko, pero huwag mo ako pansinin, sanay na ako," tugon nito at pilit na inilabas ang kaniyang mga ngiti.

Matapos namin kumain sa hapag ay inimis na rin niya ang mga pinagkainan.

"Binibining Janella maari ba akong makahiram ng tinta at pluma?" wika ko na siyang ikina kunot-noo nito.

"Tinta at pluma? Ah gets ko na, panulat at susulatan?" pagka-klaro nito, tumango na lamang ako at ngumiti bilang tugon.

Bago ito maglinis ng mga plato ay inabutan ako nito ng tinta at pluma. Habang naglilinis siya sa batalan (lababo) ay pumasok sa aking isipan na handugan siya ng tula sapagkat kaarawan niya rin ngayon.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin siya sa kaniyang ginagawa at ganuon din ako.

"Ano 'yang sinusulat mo Cyrex?" takang tanong nito habang nagpupunas ng kamay sa puting bimpo.

"Sana magustuhan mo binibini ang munting handog kong tula para sa iyong kaarawan,"

"Marunong ka pala gumawa ng tula? Maaari mo bang bigkasin na sa akin ang iyong ginawa?"

"Oo binibini, maikli man ngunit sana ay maibigan mo,"

"Oo naman, tagahanga ako ng mga manunula ngunit hindi ko kayang gumawa kaya paborito ko nalang makinig sa mga tulang gawa ng ibang tao, simulan mo na,"

Binibini,

Busilak ang iyong kalooban tulad ng isang sampaguita at rosal na humahalimuyak sa hardin ng iyong inay

Ang iyong ganda ay katumbas ng iyong kabutihan
Wala ni isang bituin ang maihahalintulad sayo
Sapagkat isa kang buwan na nag iisa sa paningin naming tagarito

Pasasalamat ko ay kaylanman ay 'di masusukat
At kung ito'y akin mang mabigkas
Hanggang kabilang buhay ito'y mananatiling wagas
Sapagkat ang isang tunay na pasasalamat ay hindi kumukupas

Salamat po sa mga nagbabasa. Votes and comments are highly appreciated guys.

His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon