Nang makalabas si Janella ay siya namang pagkakaroon ng malay ni Jaxon.
"What happened?" kunot-noong tanong nito nang magkaroon ito ng malay.
"Inatake ka na naman ng panic attack bro, mabuti at nagkamalay ka na ulit, pinag alala mo kami," saad ng boss ni Janella.
"Sorry bro, hindi ko alam ngunit parang totoong totoo 'yong mga gumugulo sa isipan ko, sinasaktan ako ng mga Kastila, parang totoong totoo talaga siya, may isang naka Filipiñanang babae rin ang sa aki'y nagpapagkita, nais ko siyang mahanap bro tulungan mo ako, pakiramdam ko malapit lang siya sa akin,"
"Magpahinga ka na muna bro, you need more rest para makauwi ka na rin, marami na rin sa ating kababayan ang nag aalala sa kalusugan mo, malapit na ulit ang election kaya't kailangan mong maging maayos upang hindi gamitin ng kalaban ang iyong kalagayan,"
"I will, thanks bro, sandali nasaan 'yong babae kanina?" takang tanong ni Jaxon habang lumilingon-lingon sa kaniyang hospital room.
"Pinauwi ko na muna bro,"
"Ah ganuon ba, pamilyar siya sa akin,"
"Baka nakita mo siya noong minsa'y bumisita ka sa aking company, isa siya sa mga trusted and awardee employee ko, si Janella," paliwanag nito.
"Janella pala ang kaniyang ngalan," sambit naman ni Jaxon at tumingin sa labas ng bintana.
"Kumain ka muna, sina tita raw ay malapit na ring dumating, nasa airport na sila dito sa Pilipinas, kagabi pa iyak ng iyak sa tuwa dahil nagkamalay ka na nga, pasensya na raw at nasa business trip siya nang magkaroon ka ng malay,"
"Okay lang bro, naiintindihan ko naman,"
Matapos kumain ng mga prutas si Jaxon ay muli itong nahiga at tumulala sa kisame ng hospital room.
"Sino ba kayo? Sino rin ang babaeng palaging nagpapakita sa aking panaginip noong mga panahong wala akong malay?" mga tanong nito sa kaniyang isipan habang nakatulala.
"Tila kalahating parte na siya ng aking buhay, gustong-gusto ko siyang makita at makilala, sana dalhin siya ng tadhana sa akin,"
Ilang oras ang makalipas na pagmu-muni muni ni Jaxon ay nakaramdam ito ng pagbigat ng kaniyang talukap ng kaniyang mata at dahan-dahang ipinikit ang kaniyang mga mata at tuluyan ng nakatulog.
Habang nagpapahinga si Jaxon sa hospital, si Janella naman ay walang pahinga ang isipan sa kakaisip sa mga bagay-bagay na nangyayari.
"Girl are you okay?" tanong dito ni Ruth sapagkat pagkarating ni Janella sa opisina ay tila wala ito sa sarili.
"Girl, mali na 'yong nai-encode mo," paalala muli ni Ruth kay Janella.
"Sorry," saad nito at mabilis na inayos ang upo at sinampal-sampal ang mukha.
"Focus Janella," bulong nito sa sarili at muling humarap ng maayos sa computer.
"Masama ba pakiramdam mo? May masakit ba?" sunod-sunod na tanong ni Ruth.
Doon ay nagsimulang tumulo ang luha ni Janella. Agad na lumapit si Ruth dito at umakbay, agad namang niyakap ni Janella si Ruth.
"Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan," panimula nito habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha nito.
Tinapik-tapik naman ni Ruth ang likod ni Janella habang pinakikinggan ang kaibigang naghihinagpis.
Salamat sa patuloy na pagbabasa ginoo't binibini.
BINABASA MO ANG
His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)
FantasyFANTASY COLLABORATION SERIES Under PaperInk Publishing House Isang lalaking katipunero ang nagngangalang Agripino ang mapupunta sa hinaharap mula sa nakaraan upang tuparin ang kaniyang ipinangako sa kaniyang babaeng pinaka minamahal na si Florencia...