Janella's POV
Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang napaka lakas na tunog ng aking alarm clock.
"Hindi maaari!" dinig kong sigaw mula sa labas ng aking kwarto na siyang ikinabalikwas ko. Agad akong bumangon, isinuot ang aking tsinelas at dali-daling lumabas.
"Hindi!" muling sigaw ni Ginoo.
Umupo ako sa sofa kung nasaan nakahiga si Ginoo at ginising ito.
"Hindi!"
"Ginoo, binabangungot ka, gising ginoo," sambit ko rito habang tinatapik tapik ang kaniyang balikat.
Gumaan ang aking paghinga nang makita itong iminulat ang kaniyang mga mata.
Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawang pagbangon nito.
"Anong nangyari?" agad na tanong ko.
"Digmaan! Isang digmaan ang aking napanaginipan binibini, maraming nagbuwis ng buhay at isa na ako doon binibini," naghahabol hiningang saad nito.
"Panaginip lang 'yon okay? Huwag mo ng isipin," pagpapakalma ko rito.
"Diyan ka lang, ikukuha lamang kita ng tubig na maiinom para naman mahimasmasan ka," saad ko at naglakad na papunta sa aking munting kusina.
Agad naman nitong nilagok ng sunod-sunod ang ibinigay kong tubig.
Matapos noon ay hinayaan ko muna siyang magpahinga sa sofa at nagluto naman ako ng almusal namin.
Matapos noon ay muli ko siyang iniwan sa bahay upang magtrabaho.
*Sa Opisina*
"Hoy babae!" agaw pansin sa akin ni Ruth.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko rito sapagkat ang tingin nito sa mukha ko ay hindi matinag-tinag.
"Anong sekreto mo?" tanong nito na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Agad na pumasok sa aking isipan ay ang tinatago kong si Ginoo sa apartment.
"Ah eh," panimula ko, nagsisimula na ring mag init ang mukha ko sapagkat baka nalaman niya na may kasama akong lalaki sa aking apartment.
"I-share mo naman secret mo kung bakit ang blooming mo today at noong mga nakaraang araw," tila nabunutan ako ng tinik ng mga panahon na 'yon ng marinig ang katangang 'yon.
"Anong blooming pinagsasabi mo, mag trabaho ka na at baka mahuli na naman tayo ni boss naku! Magagalitan na naman tayo noon," saway ko rito.
"Alam ko na, umiibig ka ano?" Pang a-asar nito.
"At kanino naman ha?" Tugon ko ngunit mas lalong umaakyat sa mukha ko ang init na aking nararamdaman.
"Naku, nagde-deny ka pa ha!"
"Wala nga, diyan ka na nga at ako'y magta-trabaho na ako ng mabuti," sagot kong muli at nag pukos na sa computer.
Makalipas ang maghapon...
"Oh my!" Saad ko habang inu-unat ko ang aking mga braso. Ginalaw-galaw ko rin ang aking wrist upang maalis ang ngalay nito sapagkat maghapon akong nag encode.
Nabaling naman ang atensiyon sa kalapit ko na bag nang marinig na nagba-vibrate ito.
Papa's calling...
"Hello pa," mahinang sagot ko sapagkat baka mahuli na naman kami ni boss at magalitan na naman.
"Anak! Nasaan ka?" bungad na tanong ni papa.
"Nasa trabaho po, bakit papa?"
"Umuwi ka agad dito sa apartment mo, mag u-usap tayo!" tugon nito na may mataas na tuno.
"Nasa apartment ko po kayo ngayon?" Paglilinaw ko.
"Oo, umuwi ka at tayo'y mag u-usap okay?" mariing saad nito.
Sandali, nasa apartment ko si papa? Hala! Nandoon si ginoo.
"O---opo papa," utal-utal kong saad.
Agad kong inilagay ang aking cellphone at ibang gamit na nasa desk atsaka nagpaalam kay Ruth.
"Hoy babae may isang oras pa bago ang uwi natin," sigaw nito.
"Sabihin mo nalang kay boss may emergency lang, thanks!" sambit ko rito habang kumakaway at nagmamadaling maglakad palabas ng opisina.
Thank you guys, sana magpatuloy pa rin kayo hanggang dulo.
Votes and comments are highly appreciated.
BINABASA MO ANG
His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)
FantasyFANTASY COLLABORATION SERIES Under PaperInk Publishing House Isang lalaking katipunero ang nagngangalang Agripino ang mapupunta sa hinaharap mula sa nakaraan upang tuparin ang kaniyang ipinangako sa kaniyang babaeng pinaka minamahal na si Florencia...