Future 1

33 2 0
                                    

KANINANG umaga pa ako tumitipa at nakakaramdam na ng pangangalay ang mga daliri ko. It's already twelve in the afternoon pero hindi pa rin ako nagugutom. Isa akong manunulat ng mga kuwentong pag-ibig at pumapatok ng mga akda ko sa madla. I am one of the best-selling author and I'm really proud of that.

Napabuntonghininga ako at naglakad papunta sa bintana ng kuwartong ito. Bahagya kong inililis ang kurtina at sumilip sa labas. I am waiting for someone—Dr. Joseph Alesandrini—my husband. Sanay naman na akong late siya nakakauwi dahil sa trabaho niya at sa edad kong thirty-five, hindi na dapat ako nagse-self pity. Ang kaso anong gagawin ko? Pakiramdam ko ay wala akong nagawang exciting sa buhay ko lalo na ng mag-asawa na ako. Wala rin naman kaming anak dahil walang kakayanan ang asawa kong mabigyan ako niyon. I accepted it a long time ago, but I just couldn't help myself... What if may anak ako? Hindi siguro ako malulungkot kahit pa naiiwan ako rito sa bahay at least may bata akong inaalagaan...

"Charice, come here na! Your mom is angry na!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Mula rito sa bintana sa itaas, kita ko sa baba sa labas ang isang babaeng nakasuot ng pangkatulong habang pilit na tinatawag ang isang batang babaeng tantiya ko ay nasa limang taong gulang. Kapitbahay namin ito at katapatan lang nitong townhouse unit namin.

'Napakasuwerte at mayroon silang anak pero ipinauubaya naman sa katulong nila... If I am her mother, I will take care of her everyday...'

Minsan pa akong napabuntonghininga bago ako umalis sa bintana. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Kagaya pa rin ng dati, I'll just cook something for my brunch. Hindi ko na kasi talaga idinadamay sa pagkain si Joseph dahil tiyak na nakakain na ito bago umuwi. He's always like that so he can sleep already kapag nandito na siya. Actually, sanay na sanay na ako. Ang mahalaga naman kasi ay hindi niya ako niloloko, 'di ba? He's loyal and I know that he loves me. But why do I feel like his love is not enough anymore? Why do I feel like I'm not happy anymore?

Pabagsak kong binitiwan ang sandok. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga iniisip ko. I feel guilty. Pakiramdam ko kasi ay pagtataksil din sa asawa ang ganitong itinatakbo ng isipan ko. I need to breath.

Dali-dali akong umakyat at bumalik sa aming kuwarto upang magbihis. Lalabas muna ako. Baka kailangan ko lang ng hangin. Baka mamaya ay okay na ulit ako. Baka pagod lang ako. O kaya baka inaantok lang ako. Joseph is a good husband, and nothing's wrong with him. I must put this on my mind...

I found myself walking in a park where kids are running and playing... Parang ang sarap bumalik sa pagkabata. Iyong kagaya lang nila, laughing to each other at walang mga problemang iniisip. Kapag napagod sila, makakatulog lang sila nang maaga pagkauwi at gigising muli sa isang panibagong bukas na walang ibang iniisip kundi ang maglaro o makipaglaro muli sa ibang mga bata. Hindi kagaya sa adults... Iyong tipong kahit anong pagod mo ay hindi ka pa rin makatulog kaagad dahil sa mga problema o lungkot na dala-dala mo.

"Paglaki natin papakasalan mo ako!"

Napahinto ako sa paglalakad at napangiti sa sinabing iyon ng isang batang lalaki na nasa sampung taong gulang.

"Ano 'yun?" tanong naman ng batang babaeng sinabihan kaya mas lalo naman akong napangiti. Tila naengganyo akong pakinggan silang dalawa.

"Magiging asawa mo ako!" parang wala lang na sagot ng batang lalaki.

They're really entertaining. Mga bata pa sila at alam kong dapat ay hindi muna nila iyon pinag-uusapan. Pero hindi ko naman maiwasang hindi katuwaan ang mga reaksiyon nila sa isa't-isa.

"Asawa? Ayoko nga! Mas masaya walang asawa!" sagot ng batang babae at tumakbo na ito palayo sa batang lalaki.

Ang ngiti kanina sa mga labi ko ay unti-unting nawala. The girl's last words were like a sharp object that targeted my heart. Napaisip ako, paano nga kaya kung hindi ako nag-asawa? O paano kung hindi si Joseph ang napangasawa ko? Ano kayang buhay ko ngayon?

Yesterday's FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon