Kanina pa akong nakatayo habang nakatingin sa mga writers na nasa harapan. Book signing event ngayon ng isang publishing company at ilang mga manunulat ang nandito. Sa dati kong nakaraan, kasama ako rito. Nagpunta lang naman ako ngayon dito upang hanapin si Joseph. Hindi ako ganoon kasigurado kung nandito rin ba siya. Ang tanging alam ko lang, ngayong araw dito sa book signing event na ito ko nakilala si Joseph. Avid reader ko siya sa mga horror na sinusulat ko noon. Nagkakilala kami rito nang magpapirma siya sa akin ng libro kong nabili niya. Kaya nga dito ako sa horror writer nag-abang dahil baka dito ngayon magpapapirma si Joseph.
"Hey."
Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko ngunit kaagad din akong napangiti. Si Joseph. I wanted to believe that this is destiny. Same day, same place. Pero sinadya ko ang araw na ito dahil alam ko.
"Hi," mabilis kong tugon. Marahil ay dito na siya magpapakilala.
"I-I'm sorry for approaching you... F-familiar ka lang kasi. Nursing ka rin, 'di ba?" ang cute niya pa ring magsalita. Ganitong-ganito tuwing magpapapirma siya sa akin noon.
"Yes. Nakikita na rin kita sa school," pagpapacute ko rin nang kaunti.
"I'm Joseph Alesandrini," lahad niya ng kamay.
Bumalik ang kilig na naramdaman ko sa kaniya noon. This was like our first time again. Mukhang magtatagumpay naman akong mabawi siya rito.
"Iris. Iris Hernandez," nakangiti kong tinanggap ang malambot niyang palad.
"What are you doing here, by the way?" sunod na tanong niya matapos kaming magkamay.
"Ah... Bibili lang ng libro at magpapapirma na rin kay risingservant," si risingservant ay isang horror writer at siya ang naisip kong sabihin sa kaniya. Tingin ko ay mas okay na malaman niyang pareho kami ng interes hindi man ako naging writer hindi gaya sa dati naming nakaraan.
Tumango-tango naman siya.
"Book din ba ni risingservant ang bibilhin mo? Sabay na tayo. Sabay na rin tayong magpapirma," masaya kong wika sa kaniya.
Napakunot-noo naman siya. Mukha yatang mali ako ng sinabing writer. Baka hindi si risingservant ang favorite writer niya sa panahong ito.
"Oh, sorry. Hindi ba siya ang favorite author mo?" pagtanong ko kasabay ng paglingon ko sa kinauupuan ni risingservant na busy sa mga fans nitong nagpapapicture rito.
"Ah, no..." pag-iling ni Joseph.
"Eh, sino pa lang idol mo?" sayang hindi si risingservant, nagkamali ako ng ginamit. Pero ayos lang.
"You must be mistaken," bahagyang pagtawa niya. "I'm not here for that thing. O mean, hindi ako mahilig magbasa," aniyang ikinagulat ko.
"H-ha? W-what do you mean? M-mahilig kang magbasa, 'di ba?" medyo kumabog pa ang dibdib ko nang tanungin ko siya. Paano mangyayaring hindi siya nandito para sa libro?
"No, I only read Medicine Books as an early preparation," sagot niya. Alam ko iyon. Bukod sa mga libro ko noon ay mahilig na nga siyang magbasa ng tungkol sa mga librong pang Medicine kasi nga after nursing ay magte-take naman siya ng Medicine course at saka siya magiging matagumpay na doktor.
"Y-yes, I know," nalilito kong sagot.
Muli siyang napakunot noo, "You know?" parang nawiwirduhan niya pang tanong.
Nakalimutan kong dapat pala ay wala pa akong alam tungkol sa kaniya.
"Anyway, hindi mo yata kasama si Kristina? Hindi ba kayo parehong nagpunta rito?" pagtatanong niya sa kabila ng pagkatulala ko.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Future
FantasyIsang magandang babae ang nakilala ko... She gave me a watch-a watch that can bring me back to past. I grabbed the opportunity despite fear. Mula sa edad kong 35 years old, nakabalik ako sa 16-year-old self ko. I wanted to change everything. I avoid...