Hindi ko na matandaan kung paano akong nakauwi mula sa dinner namin ni Joseph na ang totoo pala, ay para dapat kay Kristina.
After he told me about Kristina, tila gumuho ang mundo ko sa ikalawang pagkakataon. Pakiramdam ko ay pinarusahan ako sa inayawan kong kasalukuyan ko. Akala ko magiging okay na ako na nakabalik ako sa nakaraan. Nabago ko nga ang kapalaran ko, pero mas masakit pa pala ito...
Sinabi ko kay Joseph kanina na hindi ko siya matutulungan pagdating kay Kristina. Hindi naman na siya nagtanong kung bakit pero ramdam ko ang pagkadismaya niya. Pagkatapos niyon ay nagsabi na nga ako sa kaniya na uuwi na ako. Hindi ko alam kung nahalata ba niyang disappointment ko sa sinabi niya o kung nahalata man lang ba niyang gusto ko siya... Na gusto ko siyang balikan, pero siyempre, hindi niya naman alam ang salitang balikan tungkol sa aming dalawa dahil hindi niya naman alam na naging mag-asawa na kami sa iniwanan kong kasalukuyan na hindi ko na mababalikan...
"Please, magpakita ka!" mangiyak-ngiyak kong sigaw dito sa loob ng bahay pagkarating ko.
I know, she can hear me. Maaari siyang magpakita sa akin.
Hindi nga ako nagkamali dahil biglang nagliwanag sa harapan ko at lumitaw siya.
"Bakit ka lumuluha, Iris? May kahalagahan ka bang nakita na naiwan mo na sa dati mong kasalukuyan?"
Umasim bigla ang mukha ko. Para bang may halong paninisi ang tono niya. Alam ko namang alam na niya kung anong nangyayari sa akin. Pero kailangan kong magpakumbaba sa kaniya imbes na galit ang ipakita.
"Tell me how to go back. I will do everything or anything. Ibalik mo lang ako, parang awa mo na," kasabay niyon ay ang pagluhod ko sa harapan niya.
Ngunit umiling siya. "Tumayo ka, Iris. Hindi ako ang iyong Diyos. Isa lamang akong nilalang na nagbigay katuparan sa hiling ng iyong mahinang puso..."
Doon na ako napatayo sa galit. "Anong sabi mo?" pinaningkitan ko siya ng mga mata, "mahinang puso? Hindi ako lumapit sa 'yo at sinabing mahina ang puso ko. Ikaw ang nagpumilit sa akin sa pangit mong relo!"
Ngunit walang silbi ang pagbulyaw ko sa kaniya dahil bigla na lamang siyang naglaho. She just left.
Napahagulgol na lamang ako sa magkakahalong emosyon. Ang hirap ng wala kang magawa.
"Mahina ang puso mo, Iris... Tandaan mo, mahinang puso at relo..."
Umalingawngaw ang boses na iyon ng babae pero hindi ko naman na siya makita kahit saan.
Paulit-ulit niya lang yatang sinasabi sa akin ang mga katagang mahinang puso upang ipamukha na ginusto ko ito. Na kasalanan ko!
Dahil doon ay tumayo ako at pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Matapang akong naglakad papunta sa aking kuwarto at humarap sa salamin.
"I don't have a weak heart..." anas ko habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin.
I have a plan. A plan for a strong heart.
*****
I plastered a smile while looking at him. It's Joseph, he's walking towards me. I texted him last night saying I'll help him about Kristina. Sa sobrang tuwa nga niya ay hindi na matapos-tapos ang pasasalamat niya kagabi."Hey," he greeted as he approached me.
"Looking good, huh," nakangiti kong ani sa kaniya.
"Because of you," ganti niya namang ngiti sa akin. Napakaguwapo.
"So, what made you change your mind?" tanong niya bago siya naupo sa silyang nasa harapan ko.
Nagkita kami rito sa isa sa puntahing parke. Siya ang nag-suggest nito at hindi naman na ako umangal pa. Namili na lang ako ng puwestong hindi masyadong maingay kahit matao na rin talaga.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Future
FantasyIsang magandang babae ang nakilala ko... She gave me a watch-a watch that can bring me back to past. I grabbed the opportunity despite fear. Mula sa edad kong 35 years old, nakabalik ako sa 16-year-old self ko. I wanted to change everything. I avoid...