Future 6

4 0 0
                                        

HINDI ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin. Pero isa lang ang sigurado, namumugto na ang mga mata ko. Iniiyak ko lang naman nang iniiyak lahat ng nangyayari. Still, I can't give up on Joseph.

Pinulot ko ang red lipstick na nasa harapan ko at mariing ipinahid sa aking labi. I even used it to put blush on my cheeks. Ilang araw na ring parang pinapatay ang aking puso sa tuwing nakikita ko ang sweetness nina Joseph at Kristina. Hindi ko na kinakaya.

Tumayo ako at sandaling pinasadahan muli ang aking buong repleksiyon sa salamin. Nakasuot ako ng itim na pantalon at itim na blusa. Naglakad ako palabas ng kuwarto at saka ako naupo sa sofa sa sala. It was dark. I don't have a plan to open the light. Tutal naman ay napakadilim na rin ng mga nangyayari sa akin. Gusto ko lang munang magmukmok. I was with them tonight and they drove me home after I told them I'm not feeling well. Sobrang sakit na kasi sa puso. Alam ko namang kasalanan ko ito, pero hindi na ba talaga puwedeng bawiin? Bakit noong nasa kasalukuyan ako puwedeng baguhin tapos kung kailan nasa past ako, iyon pa ang hindi na puwedeng bawiin?

Mula sa kanang kamay ko ay pinagmasdan ko ang relong dahilan ng lahat ng ito. Malungkot kong iniikot-ikot ang hour hand ng relo. Ganito ako nakarating sa nakaraang ito. Sana makabalik ako sa kasalukuyan sa pag-iikot din nito...

I chuckled. Alam ko na ngang malabo umaasa pa ako. Kusang pumatak ang mga luha ko dahil sa bigat ng dibdib ko.

But then...

There was a light. Kasabay ng pagapatak ng luha ko ay ang paglitaw ng liwanag mula sa relo. I was stunned. I don't know but this is a good sign!

"Come on... Come on..." parang baliw na paulit-ulit kong bigkas. Umaasang maglalaho na ako rito at makakabalik sa bahay namin ni Joseph.

Then there it was... Unti-unti kong naramdaman ang tila paglamon sa akin ng liwanag. Pero bago ako tuluyang maglaho ay namataan ko ang babaeng nagbigay sa akin ng relo. Ngunit hindi siya nag-iisa. Mayroon siyang kasama na kamukhang-kamukha niya... Seryoso ang mukha ng kasama niya habang siya naman ay may lungkot na mababanaag sa kaniyang mga mata.

"Salamat!" nagawa kong isigaw sa kabila ng confusion na nararamdaman ko.

Hindi ko na kailangan pa sigurong intindihin ang lungkot sa mga mata niya at kung sino iyong kasama niyang kamukhang-kamukha niya. What's important is... I can go back to my old life. Mayayakap at mahahagkan ko na ulit si Joseph. Mapagsasaluhan na naming muli ang kare-kareng paborito niya. Sa mundong iyon ay wala siyang allergy sa peanut butter at gustong-gusto niya ang mga horror stories ko. Hindi ko na kailangang guluhin pa ang utak ko at ipinapangako kong mas magiging mabuting asawa pa ako sa kaniya...

SOBRANG sakit ng ulo ko. Para itong mabibiyak sabayan pa ng pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha mula sa bukas na bukas na bintana.

"N-nandito na ba ako?" unti-unti akong bumangon at saka napangiti sa sarili nang masilayan ko na ang pamilyar na kuwarto namin ni Joseph.

So, I did get back to my married life! My old life! I'm gonna make sure to make it up with him...

"Joseph!" nagmamadali akong bumangon. Sabik na sabik na akong mayakap siya. Gustong-gusto ko ng sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Hindi ko sasayangin ang pagkakabalik ko rito. What happened to me in the past will stay as one of my nightmares.

Pagbaba ko sa hagdanan ay napakunot-noo ako. Ang kalat ng sala. Akala mo ay dinaanan ng bagyo. Pagpunta ko naman sa kusina ay ganoon din. Mayroon din akong naaamoy na hindi nagugustuhan ng aking ilong. Then I spotted an ashtray.

"Ashtray?" nagtataka kong bigkas.

Mayamaya ay bumukas ang backdoor at bumungad si Joseph.

"Joseph!" humahangos ko siyang niyakap at halos mapaiyak ako sa sobrang sayang nararamdaman.

"What is it?" dinig kong tanong niya.

Tama ba ang naaamoy ko? Amoy alak?

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at kunot-noo ko siyang tiningnan.

"A-are y-you d-drunk?" taka kong tanong.

"Ano na naman bang nangyayari sa 'yo? May fictional character ka na naman bang sumanib sa 'yo?" masungit niyang saad at saka niya ako marahang itinulak palayo sa kaniya.

Natigilan ako. Hindi ko maintindihan.

Nang sundan ko siya ng tingin ay naupo siya sa upuan ng dining table kung saan ko nakita ang ashtray. My eyes widen whe he opened a cigarette!

Kailan pa siya natutong magsigarilyo?!

"What are you doing?" nagtataka kong bigkas. Kaya pala may naaamoy akong kakaiba kanina. Alak at sigarilyo pala.

"Will you please stop your act? It's so annoying," asik niya sa akin bago siya tumayo at iwan ako roon.

"I-I d-don't u-understand... W-what is happening?" nanghihina akong napaupo sa upuang inalisan ni Joseph.

Mayamaya ay narinig ko ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan. Dali-dali akong tumakbo at lumabas at nakita ko si Joseph na nakasakay sa sasakyan.

"Where are you going?!" malakas kong sabi pero tila inis lang siyang tumingin sa akin. Hindi ko na nga siya nagawang habulin dahil sa mabilis niyang pag-alis.

Dali-dali akong tumakbo papasok at umakyat sa kuwarto namin. I need the watch. I need an answer to this. Nakabalik nga ako pero may mali na sa binalikan ko.

"Nasaan na ba iyon?!" napapasabunot pa ako sa aking buhok habang mabaliw-baliw sa paghahalungkat. I can't let it go this way. Hindi puwedeng wala akong alam at higit sa lahat, hindi puwedeng ganito ang Joseph na dinatnan ko.

"Where are you! Magpakita ka sa akin! Ipaliwanang mo ito! Ano bang nangyayari!" sunod-sunod kong sigaw mag-isa rito sa kuwarto. I was hoping for the lady to come out. She needs to explain this. Hindi ako magical lady na kagaya niya na basta na lang maipapaliwanag ang nangyayari.

Pero walang lumitaw. Maging ang relo ay wala. So, I've made a decision. Dali-dali akong nagbihis. Nagpasya akong magpunta na lamang sa lugar kung saan ko unang nakilala ang babae. Kung saan niya ako inakit sa relong paninda niya kuno...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday's FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon