Future 2

4 0 0
                                        

Mahihinang yugyog sa balikat ko ang gumising sa akin. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko.

"Joseph!" napasinghap ako nang mapagtanto kong nakatulog pala ako rito sa upuan sa labas ng ospital habang hinihintay ko siya.

"Sweetheart, what's the problem?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

"Joseph, I really need to talk to you..." mahina kong sabi.

"Halika," inalalayan niya akong tumayo at alam kong sa opisina niya kami pupunta.

Habang naglalakad kami ay napapalibot ako ng tingin sa paligid. Hindi ko alam kung ka-praningan na bang masasabi dahil naiisip kong baka biglang lumitaw iyong babae rito mismo.

"Good evening, doc," nakangiting bati ng isang nars na nakasalubong namin at nginitian niya rin ako.

Alam naman halos dito na asawa ako ng isang Joseph Alesandrini. Sa tagal dito ni Joseph ay natural na makilala na rin ko ng lahat.

"Sweetheart?" untag ni Joseph sa akin. Nandito na pala kami sa harapan ng opisina niya.

Sa tagal naming mag-asawa, kahit pa noong magkasintahan pa lang kami ay siya lang ang tumatawag sa akin ng sweetheart. Wala rin namang problema sa kaniya ang pagtawag ko sa pangalan niya lang. Basta't ang sabi niya ay hayaan ko lang daw siyang tawagin akong sweetheart.

"May masama bang nangyari sa bahay, sweetheart?" tanong na kaagad niya sa akin nang maisara niya ang pinto.

Bumuntonghininga muna ako. Alam kong hindi madaling tanggapin ang mga sasabihin ko sa kaniya. Posible ring hindi siya maniwala kaagad, o baka hindi talaga kahit kailan.

"T-there's a w-woman..." umpisa ko.

"Bothering you? Who's this woman? Kilala ko ba siya? Kilala natin?" tanong kaagad niya.

"Uhm..." I cleared my throat. Honestly, hindi ko talaga alam kung paano uumpisang ipaliwanag sa kaniya.

"S-she's a weird woman..."

"Okay," tuluyan na siyang umupo sa kaniyang swivel chair at kita kong gustong-gusto na niyang marinig ang mga sasabihin ko.

"There's a watch... She gave it to me," saka ko napagtantong suot ko pa nga pala ang pulang relo.

Tinanggal ko ang relo at dahan-dahan ko itong inilapag sa mesa niya. Nagpapalit-palit naman ang tingin niya sa akin at sa relo.

"Continue," aniya sa anyong tila nawiwirduhan na sa akin.

"I-I d-don't know, Joseph... But she keeps on telling me that I need to go back in the past," napabuga ako nang malakas dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya.

Ilang sandali ang lumipas na nakatitig lang siya sa akin.

"Are you sick, sweetheart?" pagkuwa'y may pag-aalala niyang tanong sa akin.

Napabuga akong muli ng hangin. Sinasabi ko na nga ba at magiging mahirap ito.

"Joseph, she came from nowhere. But I can't show her to you kasi bigla-bigla lang siyang lumilitaw at naglalaho. At sinasabi niyang... A-ako raw ang tumawag sa kaniya," napahilamos na ako sa sarili kong mukha.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa akin.

"Sweetheart, baka may sakit ka lang at baka kung ano-ano lang ang naiisip mo. I know, palagi kang mag-isa sa bahay at tuwing uuwi ako ay matutulog na lang ang gagawin ko. Alam kong may pagkukulang din ko at babawi ako... But right now, I think you need to rest," saad niya at hinawakan ako sa magkabilaang balikat.

Yesterday's FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon