Ang sarap sa pakiramdam na hindi na ako iyong Iris na malungkot o mas tamang sabihing malulungkot sa future. Araw ng Linggo ngayon at feel na feel ko ang paghilata rito sa aking kama. Bukas ay ang unang araw namin ni Farrah sa kolehiyo. Sa pagkakataong ito ay pareho kami ng kurso at tiniyak din naming magiging magkaklase kami. Mayamaya ay bigla akong bumangon at binuksan ang aking drawer. Inilabas ko ang may kakapalan kong notebook kung saan ko isinusulat ang outline ko sa bawat kuwentong naiisip ko. Walang pagdadalawang isip na kinuha ko iyon at pumunta ako sa likod-bahay upang sunugin ito. Paninindigan ko ang bagong kuwentong gusto ko para sa aking sarili. It already started when I avoided Joseph. And there's no turning back.
Nagliyab kaagad ang notebook nang ihagis ko ang palito ng posporong may apoy na sa notebook kong nabuhusan ko na ng gas. I feel free. I smell success for my future. Goodbye, yesterday.
"Iris."
Nagdudumali akong bumalik sa loob ng bahay nang marinig ko ang boses ni mama.
"Ano itong nalaman ko kay Farrah na hindi na raw Journalism ang kukunin mo?" salubong ni mama sa akin.
At naunahan pa nga ako ni Farrah.
"Yes, 'ma... Parang nagkainteres na rin po kasi ako sa Nursing. Don't worry 'ma, ikaka-proud niyo po ito," mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at tumakbo na ako paakyat sa aking kuwarto upang hindi na siya mag-usisa pa.
Natulog ako nang gabing iyon na panatag na panatag. Iyong feeling ko, wala akong pagsisisihan sa desisyong ito...
****
Parang kaybilis lumipas ng panahon, enjoy na enjoy ako sa bagong buhay na pinasok ko. I'm happy being with Farrah. Ngunit nakalimutan ko kaagad ang sakunang nakatakda... Ang unang dagok na nalampasan ko naman dahil kay Farrah."I-Iris..." pinangingilidan ng luha si Farrah nang lumapit siya sa akin nang umagang iyon.
Biglang namanhid ang aking katawan. I already know what she's about to say because I already experienced it before. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman kung anong nangyari dahil nga nangyari na talaga iyon. Nasa nakaraan ako at alam ko kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Hindi pala kasama sa mababago ang pagkasawi ng mga magulang ko... Ang tungkol lang talaga sa amin ni Joseph ang mababago...
Yes, my parents died in a car accident. And not soon after, Farrah will die too. At kailangan kong panindigan ang pangako kong hindi ako magpapakita kay Joseph. Iiwasan kong magkakilala kami dahil iyon talaga ang dahilan kung bakit nagpasya akong bumalik sa nakaraan. But the thing is, iyong mga panahong namatay ang mga magulang ko, si Farrah ang nanatili sa tabi ko. Pero nang si Farrah na rin ang namatay, si Joseph ang naging sandalan ko. Siya ang nagpasaya sa akin. Siya ang muling nagbigay kulay sa mundo kong nawalan ng buhay. At ngayon, tinatanggal ko na ang papel niya sa buhay ko...
"Farrah, puwede bang magstay na lang tayo sa bahay niyo after this?" untag ko kay Farrah habang tinatapos namin ang aming project dito sa classroom.
It's been a year since my parents died. Iyong sakit na naramdaman ko noon ay walang pinagkaiba noong maulit ang pangyayaring iyon. Para ngang mas dumoble pa ang sakit dahil nakasama ko ulit sila knowing na patay na talaga sila sa dati kong mundo.
"Why? I thought pupunta tayong mall para bumili ng mga gagamitin—"
"Puwede namang bukas na lang. Nahihilo kasi ako bigla," putol ko sa kaniya.
But the truth is, Farrah's death is today. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero hindi ko magawa. Anong sasabihin ko kapag nagtanong siya? Na umiiyak ako dahil mamamatay na siya? Pero inaaya ko siyang magstay na lang sa bahay nila. Baka lang naman kapag hindi kami pumunta sa mall, maiiwasan iyong trahedya na kikitil sa buhay niya. I'm not really sure but I need to try.

BINABASA MO ANG
Yesterday's Future
FantasyIsang magandang babae ang nakilala ko... She gave me a watch-a watch that can bring me back to past. I grabbed the opportunity despite fear. Mula sa edad kong 35 years old, nakabalik ako sa 16-year-old self ko. I wanted to change everything. I avoid...