𝐗𝐈𝐈𝐈

572 24 40
                                    

𝗟𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Nagising ako sa isang napaka gandang panaginip, pag tingin ko sa bandang kaliwa ng aking kama'y nakita ko si Ana na mahimbing na natutulog.

Pareho kaming hubo't hubad matapos naming iparamdam sa isa't isa ang aming pag ibig.

Niyakap ko siya mula sa kanyang likod at hinalikan ang kanyang balikat,

"Irog, magandang umaga.. Tara na't mag bihis, hindi ba't mag pupunta tayo sa pamilihan para bumili ng iluluto sa pananghalian at hapunan mamaya.."

"Hapung-hapo pa ako, maaari bang mamaya na lang? Ikaw naman kasi, nanibugho ka sa kausap kong wala naman ginagawa."

Inirapan lang ako ni Ana, at oo nag selos talaga ako sa kausap niya kagabi..

Makisig lalaki na sinasabi niyang "kaibigan" ngunit hindi naman mapagkakatiwalaan ang mukha!

Ginawa ko, nilapitan ko sila.. Ipinaalam ko si Ana na kakausapin din pero iniakyat ko siya sa silid ko at doon ko ipinakita ang bangis ko.

Para saan ba't LEONor ang ngalan ko.

Nalaman kong kaya niya ng apat kaya pinagod ko siya, syempre nasiyahan ako.

Kinurot niya ang kamay kong nakalapat sa dibdib niya na siyang nagpabalik sa ulirat ko,

"Napaka pilya ng kamay na iyan.. Sabi na hapo pa ako eh!"

"Patawarin mo na ako, aking hirang..
Mahal na mahal kita, alam mo namang hindi ko nanaising makita kang masaya sa iba." sabi ko, nilingon niya ako at hinagkan ang mga labi ko.

"Hindi naman ako nagagalit, pero hindi naman tama na basta ko iwan ang kausap ko..
Tiwala ka naman sa akin, hindi ba?" aniya, habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sa iyo, tiwala ako.. Pero sa mga lalaking iyon, hindi."

"Maria Leonor.."

"Susubukan ko.. Nako, kapag gumawa sila ng hindi maganda, makakapanakit ako!"

Natawa siya sa akin, totoo naman kaya ko siyang ipagtanggol kung kailangan.

Tinuruan kaya ako ng Papá na humawak ng gulok at riple na binili pa niya sa Inglatera.

Nauna akong nag hilamos at mag bihis, bumangon na rin si Ana at isinuot ang kanyang camisa.

"Te quiero mucho, Ana. solo tu, nadie mas."

[ pinakamamahal kita, Ana. Ikaw lang walang iba. ]

sambit ko, pinalapit niya ako sa kanya.

"Y yo soy igual contigo, solo tú y nadie más. hasta la muerte, mi corazón es tu yo."

[ At gayon din ako sa'yo, ikaw lang at walang iba. Hanggang kamatayan, puso ko'y iyo. ]

niyakap niya ako ng mahigpit, nagtagal kami ng ilang minuto bago niya ako bitiwan at hagkan.

Matapos noo'y nag almusal na kaming dalawa, kakausapin ko na sina Mamá at Papá tungkol sa nais kong gawin..

Hindi ko na hahayaang may makapigil pa sa pag iibigan namin ni Ana, pumayag man sila o hindi, buo na ang desisyon ko.

Magsasama kami sa iisang bubong.

"Masarap ba ang iyong tulog, Ana?" biglang tanong ni Papá, nagtinginan lang kami,

"Opo, Señor.. Mahangin kasi sa silid ni Maria kaya maayos ang tulog ko." sagot niya,

"Ano 'yung mga ingay na naririnig namin kagabi.. Parang naghahabulang mga--ay huwag na nga." segunda ni Mamá, gusto ko talagang lumubog sa kinauupuan ko ngayon.

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon