𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Isang araw matapos naming dumalaw kay Guillermo, napag pasyahan namin na mamasyal sa Pueblo. Gaya ng sa Maynila, mayabong din ang komersyo dito. Malaki ang daungan, tamang-tama lang din na kapag natuloy ang pag lipat ng mga tauhan ni Leonor sa lugar na ito ay doble ang kita ng mga mangangalakal.
"Mamá, magsisimba po ba tayo?" tanong ni Leon sa akin,
"Nais mo bang magdasal, mahal ko?"
"Opo, magpunta na po tayo sa loob!"
Hinila ako ni Leon sa simbahan, agad naman kami nagtanda ng krus at naupo sa mahabang silya. Lumuhod naman ang aking anak sa harapan ng altar at taimtim na nagdasal.
Kung ano ang ikinapilyo nito, mas nananaig ang pagiging mabait at paladasal niya. Napangiti ako ng maalalang gusto niyang maging sakristan, ngunit hindi pa naayon sa edad niya.
Matapos noo'y tumayo siya lumapit siya sa kinauupuan ko, "Mamá, makinig po muna tayo ng misa bago umuwi!"
Hindi ko naman matanggihan ang batang ito, kaya nagtagal pa kami doon.
"Maayos ba ang pagpunta ninyo sa Pueblo?"
"Maayos naman, irog ko. Nakapag simba pa kami ni Leon bago umuwi."
Hinila ako ni Leonor palapit sa kanya, halos maglapit na nga ang aming mga mukha.
Ang irog ko, napakapusok!
"Inay, magdadasal na naman kayo ni Mamá? Nanggaling na po kami sa simbahan!" sambit ni Leon,
"Itong bata na 'to, ang dami talagang nalalaman.." bulong sa akin ni Leonor,
"Ikaw ang nagluwal niyan, sa'yo nagmana ang bata. Mamaya na, kapag tulog na siya.."
Ngunit hindi talaga magpapatalo ang Ina, bigla ba naman akong nakawan ng halik!
Nakita kong masama ang tingin ni Leon sa kanya, nako ang dalawang ito..
"Maigi pa mananghalian na tayo, halika na." sabi ko,
Nagpahinga kami ni Leonor sa isang malaking puno sa labas ng bahay, mahangin kaya presko sa pakiramdam.
Nakalatag ang tela sa damuhan, pareho kaming nakahiga. Nakayakap ako kay Leonor habang nakapikit ang aking mga mata.
"Ano kaya kung mag ampon tayo ng sanggol, irog?" tanong sa akin ni Leonor, napamulat ako at tinitigan siya,
"Ha, bakit naman.. Ayaw mo ba na mismong galing sa iyo?"
"Hindi na, alam mo bang nagsisisi ako na pinagtaksilan kita.. Ang sakit sa damdamin ko na iwan ka ng nag iisa, kahit na naging mabuti sa akin si Guillermo at ang pamilya niya. Natuto na ako, hindi ko talaga kayang malayo sa iyo." aniya, marinig ang mga katagang iyon sa kanya ay nakakagulat pa rin sa akin.
"At kahit naman may nagtangkang hingin ang kamay ko, ikaw pa rin ang gusto ko.
Sa iyo naman talaga ako mula pa noong una, naalala mo pa ba ang unang pagkakataon na ipinakilala ka sa akin ni Francisco sa isang piging?Hindi na maalis sa isip ko ang mga nangungusap mong mga mata, at yung unang pagkakataong hinagkan ko ang mga labi mo sa ilalim ng puno ng mangga..
Sabi mo nalilito ka pa sa nararamdaman mo, ngunit gumanti ka ng halik!"
Napangiti siya ng maalala ang mga tagpong iyon, inaamin ko namang ako ang nauna magtapat sa kanya at mas naging maligaya ako na ganoon din ang nararamdaman niya sa akin.
"At yung unang nag niig tayo sa batis at sa sarili kong kwarto.. Iyon isa sa pinaka espesyal na alala sa akin."
"Kasi mapusok ka, hindi ko akalain na mahilig ka.. Kaya nauulit!"
BINABASA MO ANG
En Otra Vida ( In Another Life )
Historical FictionA love that will cross in different timeline, will it be enough if the whole world is against them? Date published: May 25, 2022 Date completed: August 7, 2022