"Leon, anak.. Tawag ka ng Inay mo." malumanay na sambit ni Ana, lumapit naman si Leon sa kama kung nasaan si Leonor.
Nalaman ng mga espesyalista na may sakit si Leona, binigyan na ito ng palugit..
Nanghihina na at masakit ang kalamnan ni Leonor ngunit pilit niyang hinawakan ang kamay ng unico hijo niya.
"Aking munting leon... Aking panganay." aniya, pinipigilan ni Leon na maiyak sa harap ng kanyang inay.
"Inay.. Mahal kong Inay!"
"Nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal, anak ko.. Sa sandaling panahon na kapiling ko kayo ng iyong Mamá at si Isabela ay masasabi kong masaya ako."
Nakayakap si Isabela kay Ana, hindi niya matingnan ang kalagayan ng kanyang Inay.
"At masaya din akong kayo ni Mamá Theresia ang magulang ko, Inay!" marahang hinalikan ni Leon ang likod ng palad ni Leonor, napangiti ito sa kanya.
"Gusto kong tuparin mo ang lahat ng minimithi mo sa buhay, magkaroon ng pamilyang magiging lakas at sandalan mo.. Propesyon na magiging dahilan para makagawa ka ng kabutihan sa kapwa. Gusto mong mag abugado, hindi ba?"
"Opo, Inay.. Gustong-gusto ko po, hindi lang para sa titulo, kundi para maipagtanggol ang mga abá.. Dahil nakita ko sa inyo ni Mamá ang kagustuhan ninyong makatulong." nakangiting sagot ni Leon, hinaplos niya ang buhok ng kanyang inay.
"Pagbutihan mo ang pag-aaral ha, alam mo naman na ang iba ko pang paalala sa'yo na sana'y susundin mo kahit wala na ako." hinaplos ni Leonor ang mukha ni Leon, napapikit ito para damhin ang palad nito.
"Lumapit ka na, Isabela.. Sige na.." sambit ni Ana kay Isabela, tumango siya at naupo sa tabi ni Leonor.
"Isabela, aking bunso.. Napaka ganda mo."
"Ang Inay naman, parang hindi na nasanay!" biro ni Isabela, mapagtakpan lamang ang tunay niyang nararamdaman.
"Anak ko, mag aral ka ng mabuti ha.. Ang edukasyon lamang ang maipapamana ko sa inyo ng iyong hermano, sumunod sa mga bilin ng iyong Mamá Theresia ha.."
"Opo, Inay.. Pangako po iyan, magiging doktor ako, hindi lang dahil gusto ninyo, dahil gusto kong mapabuti ang kalusugan ng mga kababayan natin. Mabuti, maunawain at mapagmahal na doktor. Tatandaan ko po ang mga itinuro ninyo sa akin, nagpapasalamat ako na kayo ang naging pamilya ko. Mahal na mahal ko po kayo!" ngiting sambit ni Isabela, tumayo siya para makalapit naman ang kanilang Mamá Theresia at makapag paalam.
"Irog ko, pinakamamahal kong Leonor.." nakatitig sa mga mata ni Ana si Leonor, napangiti ito sa kanya.
Huminga ito ng malalim bago magsalita, "Ana, mahal ko.. Hindi ko na matutupad ang pangako ko sa'yo na pag ibig na habang buhay, mauuna pa ako.."
"Nagawa pa talagang magbiro nito-"
"Sandali, patapusin mo muna ako.." ika ni Leonor, "Irog, gaya nga ng paulit-ulit kong sinasambit sa iyo, kung ipapanganak ulit ako sa ibang panahon.. Ikaw pa rin ang iibigin ko, at ang mga singsing na ito ang magiging tanda na nahanap natin ang isa't isa. Iiwan ko sa'yo ang singsing ko.. Ikaw na ang bahalang magtago nito kasama ng mga sulat ko na nasa isang metal na lalagyan." aniya, hinalikan ni Ana ang kamay niya.
"Umasa kang susundin ko ang mga habilin mo, sinta. Aalagaan ko ang mga anak natin.. Hindi ko sila pababayaan."
Tumango si Leonor bilang pag sang ayon.
"Ana, nanlalabo na talaga ang aking mga mata.. Sa huling pagkakataon, hirang.. Maari mo ba akong hagkan?" mahinang sambit ni Leonor, nararamdaman na niya na nalalapit na ang kanyang pagyao.
Hinalikan ni Ana ang magkabilang pisngi ni Leonor, idinampi naman niya ng ilang segundo ang kanyang labi sa noo ng huli.
At hinalikan niya ang nakaawang na mga labi nito, marahan niyang iginalaw ang kanyang mga labi para makasunod ang kanyang irog.
Ngunit ilang segundo lang, hindi na ito humihinga. Lumuwag na rin ang hawak ni Leonor sa kamay niya, unti-unti siyang humiwalay sa mga labi nito at tinitigan ang ekspresyon ng mukha ng taong pinakamamahal niya.
Humagulgol ang magkapatid ng makitang wala nang buhay ang kanilang Inay, iniayos ni Ana ang pagkakahiga ni Leonor at pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata nito.
"Maraming salamat sa lahat, Leonor.. Hanggang sa susunod na habangbuhay, Irog ko. Hinding-hindi kita makakalimutan."
Isang linggo ang makalipas...
"Mamá, huwag po kayong magpaka pagod ha.. Babalik din po ako, aasikasuhin ko lamang ang mga papeles sa Maynila tapos pwede na tayong umuwi sa Iloilo." ika ni Leon, nag aalala siya sa kanyang Mamá Theresia dahil hindi ito kumakain sa tamang oras at laging nakatingin sa bintana.
"Ayos lamang ako, mahal ko.. Ikaw, mag ingat ka rin doon ha.. Hihintayin kita." aniya habang nakahawak sa kamay nito.
"Hermano, ako ang bahala kay Mamá. Aaliwin ko siya, maibsan man lang ang nararamdaman niyang kalungkutan." ika ni Isabela.
"O siya, hindi na ako magtatagal.. Mamá, pakiusap tatagan mo ang iyong loob."
Nagpaalam na si Leon kay Ana at Isabela, kumaway pa siya bago sumakay sa kalesa.
Lumipas ang mga linggo at buwan, hindi nalilimitan ni Ana si Leonor kahit sa maliliit na bagay na kanyang ginagawa.
Nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng kalahati ng kanyang puso, naging abala man siya sa mga negosyo ay hindi na rin kinakaya ng kanyang katawan ang trabaho. Madalas na siyang nagkakasakit, nag aalala naman sa kalagayan niya ang magkapatid at kinukumbinsi siyang sumangguni sa espesyalista ngunit ayaw niya.
Sa ikalawang taon ni Isabela sa medisina, at ikatlong taon ni Leon sa abogasya..
"Hermano.. Ang Mamá—wala na siya!" ika ni Isabela kay Leon, humahangos na nagpunta ito sa silid ng kanilang mga magulang at doon niya nakitang nakahiga si Ana, maaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito habang hawak ang rosaryo at kwintas na nakalagay ang mga singsing nila ni Leonor.
"Isang taon.. Isang taon lang ang nakalipas, hindi talaga niya kayang malayo kay Inay." aniya ng haplusin niya ang mukha ni Ana.
"Tunay nga ang pag ibig nila sa isa't isa, Hermano."
"Tutuparin natin ang mga pangarap nila sa atin, Isabela.."
"At hindi sila mabibigo, pangako iyan."
❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁
𝑭𝒐𝒓𝒅𝒂 𝒄𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒇𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒐𝒅𝒂𝒚'𝒔 𝒗𝒊𝒅𝒆𝒚𝒐𝒐𝒐𝒘!!! 😭😭😭
𝑺𝒂 𝒘𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒂𝒅𝒖𝒈𝒕𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒓𝒊𝒏, 𝒔𝒂 𝒕𝒂𝒈𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝒂𝒘𝒐𝒍 𝒌𝒐 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒔𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒖𝒍𝒊𝒕!
𝑻𝒉𝒂𝒏𝒌 𝒚𝒐𝒖 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒔𝒂 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒉𝒊𝒉𝒊, 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈 𝒋𝒖𝒎𝒑 𝒔𝒂 𝒔𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒔 𝒉𝒂! 𝒍𝒂𝒃𝒔 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒃𝒔 𝒎𝒈𝒂 𝒊𝒓𝒐𝒈! 💗💜
BINABASA MO ANG
En Otra Vida ( In Another Life )
Historical FictionA love that will cross in different timeline, will it be enough if the whole world is against them? Date published: May 25, 2022 Date completed: August 7, 2022