𝑰𝒌𝒂𝒘 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒐 ( Special chapter )

538 21 8
                                    

Nagising si Leonor na hindi niya katabi si Ana, agad siyang bumangon at nagpunta sa banyo para maghilamos.

Nang siya ay nakapag ayos ay bumaba siya sa hagdan, naabutan niyang naglalaro ang mga bata sa sala. Si Leon ay pitong taong gulang na, habang si Isabela ay dalawang taong gulang.

"Hijo, ang iyong Mamá nakita mo ba?" agad niyang tanong dito,

"Hindi ko po alam, Inay.." sagot ni Leon, agad naman nitong itinuon ang atensyon sa laruan at kay Isabela.

Naglakad siya sa kusina ngunit wala si Ana doon, napakamot siya ng sentido at hindi niya talaga mahanap ang kanyang sinta.

Bumalik siya sa sala at pinanood na lamang ang mga bata.

Galing sa pamilihan si Ana, kasama sina Julieta at Nita.

"O, Irog.. Para ka namang pinagsakluban ng langit diyan? Kumain na ba kayo ng mga bata?" wika ni Ana, hindi siya pinansin ni Leonor at nagpunta na lang sa silid.

"Mamá, hindi po kasi kayo nakita ni Inay kaya po naiinis siya.. At saka po, kumain na po kami!" sambit ni Leon.

"Sige, susuyuin ko lang muna ang Inay.
Si Isabela ha, paki bantayan muna." hinalikan ni Ana ang noo ni Leon at Isabela bago magpunta sa silid.

"Irog, bakit ka nagmumukmok diyan? May binili pala akong suman, baka gusto mo." ika ni Ana, nakahiga si Leonor at nakatalikod sa kanya, huminga lamang ito ng malalim.

Tumabi siya kay Leonor, ipinulupot niya ang kanyang braso sa baywang nito at panaka-nakang hinalikan ang leeg ng huli.

"Hmm.. Ano baa.."

"Hindi mo lang ako nakita pag gising mo, nagtampo ka na riyan. Paano pa kaya kung ilang araw tayong hindi magkasama?"

Napalingon si Leonor ng marinig iyon, kumunot ang noo niya, "Saan ka naman pupunta, hindi matahimik ang mga paa mo!" asik niya, natawa naman si Ana.

"Sa Iloilo, Irog.. Pero ano muna ang dahilan ng tampo mo at gagawan natin ng paraan?" tanong niya, hindi na naman siya sinagot ni Leonor.

Sumuko na lang sa panunuyo si Ana at agad na bumangon sa higaan, walang lingunan siyang bumaba sa hagdan.

Hindi nagkibuan ang dalawa maghapon, kahit magkasama sila ay parang hindi naman ramdam.

Dumalaw sa kanilang bahay si Francisco para kumustahin sila at ang mga bata, tuwang-tuwa ito ng makita ang kanyang mga pamangkin.

Ngunit pansin niya ang panlalamig ni Leonor kay Ana, kaya binulungan niya si Leon, "Anong nangyayari sa mga magulang mo, bakit sila ganyan?"

"Tío, hindi ko po alam. Nagtanong lang naman po ang Inay kanina kung nasaan si Mamá, tapos ayun na po hindi sila nag usap." sagot ni Leon.

Kadarating lang ni Leonor na may dalang meryenda at nakita ang mag tiyo na nagbubulungan, "Nako, Francisco akala mo hindi ko rinig sa kusina ang sinabi ni Leon? Iyan pa, napaka lakas ng boses!" inilapag niya ang suman na binili ni Ana.

"Ano ba kasing dahilan, Leonor?" direktang tanong ni Francisco, naupo si Leonor sa tapat niya.

"Hindi ko masabi pero nanibugho ako.. Dahil sa Juan Miguel na 'yon." aniya, napahilot siya sa kanyang sentido.

Hindi naman sadya pero narinig ni Ana iyon, nagtago lang siya para mas marinig pa si Leonor.

"Yung taga Iloilo rin na may gusto kay Ana, hindi ba't alam niyang nagsasama kayo.. Bakit hindi niya tinitigilan si Ana?"

"Dahil naiisip niyang mas lalago ang negosyo niya kapag naging magkasintahan sila ni Ana.. Hindi naman kami kasal, iyon nga ang pinangangambahan ko." sagot ni Leonor, "Sigurado akong hindi niya ako iiwan pero paano kung.. Ayokong mangyari yung pagkakamaling nagawa ko, ang sakit din na maiwan." dagdag niya.

En Otra Vida ( In Another Life ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon