Ala sais palang ng Umaga ay maaga ng nagising si Alice Camaga, 22 years old at naka tira sa Marinig Cabuyao Laguna.
"Good morning SUNSHINE!!" Masaya at masiglang bati nya sa sarili habang nag uunat sya dahil nga at kagigising nya lamang.
Inismis nya Muna Ang kanyang hinigaan at lumabas na sa kwarto nya.
Oo may sarili syang Bahay. Pamana ng mga namayapang mga magulang nya. In that case yes mag Isa nalang syang namumuhay. Kumukuha sya ng mga pambayad sa tubig, kuryente at mga pangkain nya sa trabaho nya sa 7/11 which is located lang din sa Village na tinitirahan nya.
Hindi na sya naka pagtapos ng highschool nya hanggang 4th year lang dahil nga nawala na Ang mga magulang nya kaya nga medyo nasayangan din sya nuon dahil kung kailan graduating na sya tsaka pa sya napatigil ng pag aaral.
Mag Isa lang syang anak at Wala syang ibang kapamilya dahil parehas na solong anak lang din Ang nanay at tatay nya at pati ang lola at lolo nya plus Wala syang nagiging kaibigan dahil Kung may magiging kaibigan man sya ay Hindi tumatagal ng 3 araw dahil naboboringan Ang mga ito sa kanya. Dahil Hindi sya nakakasama sa mga gala's at outings ng mga ito dahil priority nya ang sarili nya at Ang pag babasa ng libro.
***
Pag labas ni Alice sa nagiisang kwarto ng Bahay nya which is yung kwarto nya nga ay dumeretso agad sya sa kusina at nagtingin tingin sa fridge nya Kung may mga Tira tarang pagkain pa ba duon para magawan nya ng paraan upang Hindi masayang. May Nakita syang natirang kanin duon, tubig na nasa 1.5 na botelya, isang itlog at isang natirang corn beef lang na natira kagabi Ang Nakita nya pag bukas nya ng ref kaya kinuha nya na ito lahat at hinugot Ang saksak ng ref dahil Wala na rin namang laman dagdag pa sa bayarin.
Pumunta na sa harap ng lutuan si Alice at nag simula nang mag luto ng kanyang Umagahan habang nag papatugtog sa kanyang mumurahing Oppo na cellphone ng Peaches by Justin Bieber na syang paborito nya. Sinangag nya nalamang ang kaning bahaw at nag prito ng itlog na may cornbeef.
Nang matapos syang magluto ay nag hain na sya sa lamesa, nagdasal muna sya bago kumain habang nag iimagine na ito ay ang uri ng pangmayamang pagkain na katulad ng fried chicken ng Mcdonalds na isang beses nya palang nalasahan sa tanang buhay nya.
Pag tapos nyang kumain ay hinugasan nya ang mga nagamit nya at tsak dumeretso sa banyo upang maligo dahil papasok pa sya sa kanyang trabaho.
***
Nakapwesto na si Alice sa cashier ng 7/11 dahil yung kanyang trabaho magmula palang ng unang trabaho nya dito nung highschool pa lamaang sya.
"Ate ice cream nga po" sabi ng estudyanteng babae na nasa tingin nya ay nasa eleven years old pa lamang.
"Sige ilan?" tanong nya sa estudyante.
"Dalawa po ate tig isa po tayo, libre ko na po kayo since suki nyo naman po ako dito at mabait din po kayo" nakangiting sabi saakin ng estudyante.
"Nako wag na ipinin mo nalang yan para sa pag aaral mo dahil baka dumating ang araw na wala kang pagkukunan ng para sa pag aral mo" mahabang saad nya sa bata.
"Ok lang po ate may kaya naman po kami e" nakangiting pamimilit pa ng bata.
"Wag na ok lang ako, at ipunin mo nalang nga kahit may kaya kayo mag ipon ka para hindi ka lagi naasa lang sa mga magulang mo, tsaka ka na manglibre pag galing na sa paghihirap mo ang ipanglilibre mo" naka ngiting mahabang sabi nya habang nag lalagay na ng ice cream sa apa at ibinigay ito sa bata.
"Sige po ate basta pag nagta trabaho na po ako ate ililibre po kita!" nakangiting sabi ng batang babae habang kinuha sa kamay ko yung ice cream na binili nya at nag bayad.