~CHAPTER 5~

143 8 9
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago gawin ang naplano ko kani kanina lang sa isip ko. evil laugh sa isip pa rin*

Bigla kong pinalis yung kamay nyang nahimas parin sa likod ko kahit hindi na ako inuubo. Nakita ko ang pagkagulat at pagkalito sa kanyang muka pero ako ay pinanatiling seryoso at mataray ang ekspresyon.

"What's wrong?" agarang tanong nya pero hindi ko nalang sya kinibo at iniwas nalang ang aking tingin.

"Hey, did i do something wrong?" malambing na tanong nya pa sa akin.

Pero pinigilan kong mapangiti kahit sa loob loob ko ay kilig na kilig na ako!!

"Wag mo akong kausapin, umalis kana, bumalik ka na sa babae mo" nakita ko pa ang pagawang ng bibig nya dahil sa sinabi kong iyon.

"Wait, what?" naguguluhan at nakakunot na noong tanong nya.

"Maang maangan ka pa! tsupi umalis kana bumalik kana doon at baka hinahanap ka na non!" pagtataboy ko pa sa kanya habang tinutulak ko yung kamay nyang pilit na hinahawakan ako.

taena ka Ethan pag ikaw umalis talaga magsama na talaga kayo ng babae mo!

"Hey, what are you saying? babae? i have a babae? girl? Woman?"

"Oo malamang babae edi girl at woman!" medyo pasigaw kong sabat. subukan mo talagang umoo na meron kang babae paguumpugin ko kayo!!

"Ahh hmmk" tatango tangong nakangiting sabi nya na ikinainis ko.

"Anong ok?! edi meron ka ngang babae?! taena ka! nanliligaw ka palang sa akin may babae kana!" sigaw ko sa kanyan na sobrang inis na inis na pero sya ayun nakangiti pa rin na parang inlove na inlove sya doon sa babae nya.

"Nginingiti ngiti mo dyan?!!! tsupi! umalis kana dito! dun kana sa babae mo!! mukang masaya ka naman at heto ka nga oh nakangiting abot langit!! alis!!" pagtataboy ko sa kanya habnag tinutulak tulak pa sya habang nakaupo pa rin sa kama pero walang talab parang hindi sya naalis sa pwesto nya.

"Hey Alice stop, listen to me first will you? Hmm?" mahinahon nya sabi sa akin, kaya itinigil ko ang pagtulak sa kanya pero lukot pa rin sa inis ang muka ko.

"Listen, listen umalis ka nalang!! balikan mo na yung babae mo-!" natigil ako sa pagsigaw ng bigla syang sumabat.

"Sinong babalikan ko eh kung nandito na sa harap ko ang nagiisang babae ko? You are my only woman Alice. Ikaw lang, at wala ng magiging iba pa. Ikaw lang ang babaeng nagpapa ngiting abot langit sa akin. Ikaw lang." nakangiti at malambing syang sabi sa akin habang hawak ang muka ko at hinihimas ng thumb finger nya ang pisngi ko.

"Talaga?" parang batang tanong ko. shet talaga Alice bawas angas ang rupok mo.

"Ay hindi" pagbibiro nya kaya hinampas ko ang braso nya at sabay kaming napatawa.

Niyakap nya ako at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. Habang yakap nya ako ay hinihimas nya ang buhok ko. Nang bumitiw sya sa pagkakayakap ay pinaupo ko muna sya sa tabi ko at tsaka tinanong.

"E sino yung sinabi ng nurse na may kasama ka daw babae na umalis kaya ipinadala mo nalang sa nurse yung pagkain ko?" agarang tanong ko kaya napakunot ang noo nya.

"Shit that nurse sabi ko ay wag sabihin" iiling iling na sabi nya.

"Edi may babae ka nga?! at ayaw mo pa ipasabi hah?!"

"Tss, silly it's my cousin. She said dad want to see me for business matter" kibit balikat nya at tinap nya pa yung ulo ko. hmp ginawa pa akong aso!

At LastWhere stories live. Discover now