Napalingon ako sa may bahagi ng CR nang bumukas ang pinto nito. Bumungad sa akin si Ethan na halatang medyo maliit sa kanya ng damit ko at ang pinaka maluwag na pants ko ay parang medyo baggy pants lang sa kanya!
"Go on Love maligo kana. Baka magkasakit ka pa. Bakit pa kasi ako yung pinauna mo e" nakangusong ani ni Ethan.
"Ikaw ang baka magkasakit! nabanggit kaya sa akin ng mama mo na sakitin ka!" nakangiwing saad ko.
"OK lang magkasakit ako basta ikaw hindi" nakangising banat nya.
"Tss! malakas kaya ako! healthy living ako noh!" L
Pagkasabi ko non ay nilagpasan ko sya at dere deretsong pumasok nalang sa CR. Pag pasok ko sa banyo ay sumandal ako sa may pinto at kinapa ang sa may bandang dibdib ko.
gaga ka Alice!
Naligo nalang agad ako nang mabilis dahil malamig ang tubig. Nang makalabas ako ng CR ay naabutan kong nag luluto si Ethan.
Dumeretso ako nang upo sa hapag kainan at tsaka nagsalita "Marunong ka palang magluto?" pang aagaw ko ng atensyon nya.
"Ofcourse" saad nya nang hindi tumitingin sa akin.
"Eh ano naman yang niluluto mo?" muling pangaagaw ko nang atensyon nya.
"Itlog" maikling aniya dahil muka talagang tutok sya sa ginagawa nya ay sumagot nanaman sya nang hindi nakatingin sa akin.
"Pff akala ko naman ay kung anong niluluto mo at tutok na tutok ka dyan! itlog lang pala!" hagalpak ko ng tawa.
"Stop laughing. Eto nalang kasi ang stock mo sa fridge mo" mataray na saad niya.
Kaya napatigil ako sa pag tawa ko. "Taray ha? pero sigurado ka yan nalang stock ko?" paninigurado ko.
"Kung ayaw mo maniwala, go on see it your self"
Napangiwi ako dahil doon at tsaka nakangusong lumapit at binuksan ang aking ref at BOOMM!!!! totoo nga!!!! tatatlong pirasong itlog nalang nga ang nasa ref ko.
"Dapat nilahat mo na! mamimili nalang ako bukas" nakanguso akong bumalik sa kinauupuan ko kanina.
"Nagtira ako para may pangumagahan ka pa bukas." aniya habang kasalukuyang inihahanda ang plato sa lamesa.
Kukuhanin ko na sana ang pansandok ng kanin sa kamay nya ng ilayo nya iyon. "Kaya ko naman pag sandukan ang sarili ko" nakangiwing ani ko.
"Just let me" maikling saad nya kaya nagkibit balikat nalang ako. Nilagyan nya ng kanin at ulam ang plato ko tsaka kami tahimik na nagsimula kumain.
KATAHIMIKAN yan yan ang namayagi sa pagitan namin habang nakain. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig kulang na nga lang ay marinig na rin ang tibok ng puso ko na syang sobrang lakas.