~CHAPTER 10~

59 9 10
                                    

Nakahiga, nakatulala sa kisame at nag mumuni muni.

Yan ang kalagayan ko ngayon. Alas onse na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Bakit? well dahil lang naman doon sa sinabi ni Ethan kanina. Kahit nung kumain ako kanina ay iniisip ko iyon.

"Haysstt ano ba kasing nangyayari sa puso ko?" naguguluhan na tanong ko sa sarili habang sapo sapo ang dibdib at pinapakiramdaman ang tibok ng puso at habang bagot na napapakamot na sa aking ulo hanggang sa hindi nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa aking trabaho nang may biglang kumulbit sa akin kaya gulat akong napatingin.

"Ay ice cream!" hiyaw ko pero nang lumingon ako ay tatawa tawang batang babae lang ang nadatnan ko sa likod ko. Si MAE!!!!

"Ate solid po yung gulat nyo!" hagikhik nya.

"Nako kang bata ka! mamamatay agad ako ng maaga sayo e!"

"Grabe ka naman ate! iiinvite mo pa ako sa kasal mo e!" nakangusong sabi nya.

"Tigil tigilan mo ako sa kasal na yan bata! pero bakit ka nandito? lunes ngayon ah edi may pasok ka!" gulat kong tanong.

"Tignan nyo po yung damit ko ate" sabi nya kaya tinignan ko yung damit nya. Naka color black sya. 

Nang hindi ko ma gets ang kanyang ibig sabihin ay tinaasn ko sya ng kilay na syang nakapag pabuntong hininga sa kanya at nawala ang kanyang magagandang ngiti.

"Namatay po kasi si Lolo" malungkot na saad nya na syang nagpalaki ng aking mga mata.

"Condolence, pero bakit ka nandito? diba dapat nandun ka sa lolo mo?"

"Kalilibing nya lang po kanina nung makalawa pa po sya namatay"

"Ah, o eh bakit ka nandito? baka hinahanap a ng mama o papa mo?"

"Tumakas po ako" simpleng kibit balikat nya.

"Ha!?!" OA na sabi ko.

"Harurut, hinarurut kita bhie" nakangiting pambabara ng bata sa akin.

Napakunot ang aking noo ng dahil sa sinabi nyang iyon. pota- hindi kaya si Mae ang sinasabi ni Ethan na nagturo sa kanya non?! Parehas na parehas, walang labis walang kulang. gago tong batang to a. saad ko sa isip ko.

"Hays bahala ka nga dyan!" tatalikuran ko na sana ang bata ng umuna sya sa akin at humarang sa aking daraanan.

"Joke lang naman ate. Pero sabi ko nga ay tumakas ako edi malamang po ay hahanapin ako nila mama ko." nakangiwing saad nya pero ako ay napatitig lang sa kanyang mga mata. Napakaganda ng mga mata nya color Hazel brown iyon.

'Parang may kaparehas yung mata nya pero hindi ko maalala kung kanino ko nakita iyon. Kung kanina ko man iyon nakita baka nagkataon lang na magkaparehas sila dahil hindi naman iisa ang ganyang kulay ng mga mata' sabi ko sa aking isipan.

"Umiyak ka ba?" kuryosong tanong ko.

"Malamang po ate namatay po lolo ko e" pilosopong sabi nanaman nya na syang nakapag pairap sa akin.

"San ba punta mo?"paiibang topic ko.

"Sa pinagta trabahuhan nyo po!" naka labing sabi ng bata.

"Aano ka naman don?" naka cross arms na tanong ko.

"Papalibre po ng ice cream sa inyo!" Masayang hiyaw nya.

At LastWhere stories live. Discover now