Sasampalin ko na sana sya ulit ng may makauna na sa akin.....
Biglang sinuntok nung lalaking nakakuha ng pansin ko kanina na si Ethan daw ata at kaya ayun tumalsik yung Allen daw ang pangalan dahil sa sobrang lakas ng pag kakasuntok.
"Wala kang karapatan na pagsabihan ng ganyan ang kung sinong babae o mapalalaki man dahil hindi mo pa naman sila buong kilala" makahulugang sabi ni Ethan.
"Fuck you bro! akala ko tropa tropa tayo?!!" malakas na sigaw nung Allen habang nakasalampak pa din sa sahig at nadugo ang ilong.
"Oo tropa tayo pero hindi na ngayon dahil sawang sawa na ako sa napakadumi nyong ugali" kalmadong sabi lang ni Ethan at tsaka humarap sa akin at nag tanong.
"Ok ka lang ba miss" nag aalalang tanong nya sa akin.
"Ah ok lang" medyo utal kong sabi. shems ang pogi boses palang!!
Tumango lang sya sa akin at muling lumingon duon sa mga kasama nya kanina kaya napatingin din ako.
"Get out, now" seryoso nyang sabi na sya namang sinunod agad nung mga tatlo nyang kasama.
"Tss yayabang at ang kakapal pa ng mga muka takot naman pala" bulong ko pero narinig ata netong Ethan daw.
"Yeah mayabang sila pero takot sila sa akin" ngingiti ngting sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at natulala nalang sa nakita ko. shems ampogi lalo pag nakangiti!!
"Staring is rude miss, alam ko namang gwapo ako" naka ngising sabi nya na nag pogi sign pa.
"Kapal" nasabi ko nalang at muling imikot nalang sa may counter.
"Walang manipis na muka, miss...." Pamimilosopo nya pa. "What's your name again miss?" Chancing na pahabol na tanong nya pa saakin.
"Bayad" Sabi ko nalang sabay lahad ng palad ko kaya naguguluhan nya akong tinignan.
"Huh Anong bayad? Nakapag bayad na Yung Kasama ko kanina a" angal nya.
"Oo nga, what I mean is bayad muna bago ko sabihin pangalan ko" nakangisi kong Sabi. "Bilis nangangalay na ako" dagdag na Sabi ko habang nakalahad pa din Ang palad ko.
Nag buntong hininga sya sabay kuha ng wallet ng Kay kapal sa kanyang bulsa at binuksan ito sa akong harap kaya Nakita ko Yung mga lilibuhin nya. pota saan galing ang makakapal na lilibuhin nya? what if galing yon sa kasamaan?!
"Ayan miss, now tell me your name" Sabi nya sa akin ng iniaabot sa akin Ang mga nasa tenthousand ata.
"Hoy ano ka ba nag bibiro lang ako" utal na Sabi ko at itinulak ng marahan pabalik sa kanya Yung inaabot nya na Pera, muka kasing sineryoso nya Yung sinabi ko.
"It's ok miss, take this if this is not enough I can add more. Maybe a million?" Kibit balikat nya na parang wala lang sa kanya iyong isang milyon.
"Hoy Hindi nga! Fine! My name is Alice Camaga!" Sabi ko nalang kase sino ba namang Tanga Ang mag sasayang ng million para lang malaman Ang pangalan mo?!
"Uhm k, so Alice can I court you?" Tatango tangong seryoso nyang Sabi.
"Loh lods Ang fast naman?!" Napasigaw Kong tanong. Like tf?! Si koyang Kasama nung nang away sa akin liligawan ako?! Ako na dyosa?! Chozzzz na totoo naman HAHHAHA.
"Lods what?" Naguguluhan nyang tanong.
"Lods? hindi mo alam yon?"
"Saang word naman galing yon? millennials?" tanong nya pa.