~CHAPTER 7~

69 6 0
                                    

Nasa may hagdan palang kami ni Neah ay may naririnig na akong natatawanan sa ibaba kaya kinabahan ako. shit baka matataray ang angkan nila! ok shush kalma Alice matapang at mataray ka diba? kaya mo toh! nakaya mo nang mabuhay mag isa e! hooo!


"Wag kang kabahan ikaw, ako, si Ethan, si ate Lexi at yung mom and dad lang naman nila Ethan ang nandito. Easy ka lang hindi sila nangangagat"pagbibiro nya pero hindi ako natawa kase kinakabahan talaga ako.


Pagbaba namin first floor ay dumeretso na kami sa hapagkainan. Doon ay naabutan namin ang tatlong taong nagtatawanan ang nasa pinaka dulong gitna ay  may lalaking naka upo na mga nasa mid 40's siguro na syang dad malamang ni Ethan, si Mr. Varldemar. Ang nasa kanang gilid naman ni Mr. Valdemar ay babaeng mga nasa mid 40's rin na syang mom malamang ni Ethan. At ang isang babae namang naka upo sa kaliwa ni Mr. Valdemar ay sa tingin ko ay mga nasa 27 years old na ay siya malamang din na nakatatandang kapatid o ate ni Ethan.


Natigil sila sa pagku kwentuhan at pagtatawanan nila ng tumikhim si Neah na syang nasa aking gilid, kaya mas lalo akong kinabahan.


"Oh Neah, yung babae bang laging bukang bibig ni Ethan iyang kasama mo?" nakangiting tanong ni Mrs. Valdemar kaya medyo nabawasan super konti lang ang kaba ko.


"Ahh opo Tita, Si Alice nga po pala" sabi ni Neah sabay hatak sa akin papalapit sa kanila.


"Uhh Alice Camaga po" magalang at nahihiyang sabi ko tsaka ako nagmano sa mom ni Ethan.


"Nice to meet to iha" nakangiting ani ni Mrs. Valdemar kaya half na gumaan yung pakiramdam ko. Pero nang lumingin ako kay Mr. Valdemar ay nawala ang gaan ng loob at napalitan itong muli ng kaba dahil sa seryoso nyang muka. 


sheshh parang si Ethan pag nagse seryoso. nasabi ko nalang sa isipan ko.


Nawala ang atensyon ko kay Mr. Valdemar nang magsalita ang ate ni Ethan at magiliw na nagpakilala.


"Hi! I'm Lexi Valdemar, Ethan's older sister! i'm 26!" nakangiting pagpapakilala ng ate ni Ethan at tsaka tumayo at lumapit sa kanya para makipag kamay.


"Have a sit!" dagdag pa nya at hinila ako patabi sa inuupuan nya at umupo na rin. Inshort katabi ko yung ate ni Ethan at nasa harap ko si Neah na kauupo lamang.


"Finally Ethan has a girlfriend na rin! you can call me ate na rin!" nakangiting daldal nya nanaman.


"Uh nililigawan palang po ako ni Ethan" awkward na sabi ko.


"It's ok you can call me ate pa rin kahit nililigawan ka palang ni Ethan, dun na rin naman papunta yon!" she said in a very happy tone kaya napangiti nalang din ako pero muling nawala ang ngiti ko at napalitan ng ngiwi nang makita ko na seryoso pa rin na nakatingin sa akin ang dad nila Ethan.


"Dad you're scaring her!" sigaw ni Ethan na kapapasok lamang ng hapag kaya napalingon kaming lahat sa kanya.


"I'm not scaring her son, im just remembering that i think i saw her somewhere else?" tatawa tawang saad ni Mr. Valdemar.

At LastWhere stories live. Discover now