Chapter 2: "Talkative"

9 0 0
                                        

Rainah's POV:

"Isa pa! Isa pa!" Lasing na lasing na sabi ni Sam habang hawak-hawak ng kanang kamay ang baso niyang walang laman at nakataas sa ere.

Naglalaban kasi sila ni Daisy kung sino ang mas mataas ang alcohol tolerance.

"Wala na, teh. Nasa 'kin na ang korona."  Sabi naman ni Daisy habang nakapatong ang dalawang kamay sa ulonan. Lasing din siya pero mas lasing si Sam.

Inis na inis si Sam habang nakaupo sa sahig, parang bata na nagtatampo kasi 'di binilhan ng tsokolate. 

"Rai, oh! Inaaway ako!" Sumbong niya sa 'kin habang nakaturo kay Daisy na nakangisi sa kanya.

"Daisy, tama na 'yan." Saway ko habang inaalalayan patayo si Sam.

"What? Wala 'kong ginagawa." sagot naman ni Daisy na nagkukunyaring 'di nang-iinis.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko habang pasan si Sam, alas nuebe na pala.

"Ah, iuuwi ko na sila." Pagpapaalam ko sa guys.

"Hatid ko na kayo, lasing na din 'tong isa." tumayo si Ren habang inaalalayan si Noele.

Pumunta kami sa Parking Lot pagkatapos mag-bayad, pera ni Ren yung ginamit namin.

"This girl is on fire!" Nagulat ako sa biglang pagkanta ni Daisy.

"This girl is on fi eh-eh-eh-eh-er, er!" kanta ni Sam habang pagewang-gewang na nasayaw pagkatapos humiwalay sa yakap ko.

"Oh, matumba ka!" lumapit ako kay Sam habang nakahawak pa rin ng mahigpit kay Daisy.

Tumigil kami sa gilid ng itim na kotse. Maganda 'to, mukhang mahal at makintab siya.

"Stay still!" suway ni Ren kay Noele habang kinukuha ang susi ng sasakyan sa kanang bulsa ng slacks niya. Pumipiglas kasi si Noele, eh.

Finally, nakuha niya na yung susi. 'Di ko alam yung mismong tawag dun pero may pinindot siya para bumukas ung lock.

Binuksan ni Ren yung pintuan ng passenger's seat at pinaupo dun si Noele.

"Tulungan na kita." Pinasakay niya si Daisy sa back seat, right side.

Umikot ako habang pasan si Sam para sa left side siya maka-upo.

"Dahan-dahan, mauntog ka." Pag-alalay ko kay Sam habang tinatakpan ang tuktok ng ulo niya para 'di masakit kapag nauntog siya.

Umupo na rin ako sa gitna pagkatapos niyang umupo. Lagi akong umuupo sa pagitan nila kapag lasing sila, bigla-bigla nalang kasi silang nagsasabunutan.

"ARGH!" 

Tingnan mo, kaka-upo ko palang inabot na ni Daisy yung buhok si Sam. Si Sam naman, ayaw paawat, inabot din ung buhok ni Daisy.

"Tama na." sinubukan kong hawakan at takpan ang mga kamay nila pero ako naman ang nasabunot.

"TAMA NA!" inis  kong sigaw. 

"AH! ANONG NANGYARI?!" narinig kong sumigaw si Noele kaya napatingin agad ako sa harap. 

Kita ko na naalimpungatan si Noele habang lumilingon kung saan-saan. Tumingin ako sa salamin, nakita ko ang tingin sa 'kin ni Ren na medyo gulat.

"Sorry, sorry..." nahihiya kong sambit. 

Binalikan naman ako ni Ren ng matipid niyang ngiti.

Nakakahiya talaga, pero at least tumigil na sila Daisy.

Pareho nilang sinandal ang likod nila sa upuan habang naka-kross ang mga braso.

"Hmmp!" Sabay nilang sabi bago biglaang lumingon sa mga bintana nila.

Napabuntong hininga ako habang inaayos ang buhok ko.

"Rainah?"

Tumingin ako kay Ren, "Hmm?" nagtatakang tanong ko pabalik.

"Anong address niyo ni Daisy? Alam ko na yung kay Sam."

Sinabi ko rin agad yung address namin.



Nakatulog na silang pareho habang nakasandal sa mga balikat ko kaya kinuha ko yung make-up remover sa bag ko.

Hindi ako pwedeng magtagal ng kahit saglit sa mga bahay nila, kailangan kong umuwi agad, kaya dito ko nalang tatanggalin yung mga make-up nila. Sanay naman na 'kong tanggalin yun para sa kanila, ako kasi lagi ang 'di lasing tuwing may inuman.

Inuna ko si Sam na nasa kaliwa ko, buti at 'di siya nagising. Pero nung tinatanggal ko na yung make-up ni Daisy, nagising siya.

"Bahouse na ba me?" antok niyang tanong. 

"Wala pa, mga 5 minutes pa. Tulog ka muna." Inalalayan ko pabalik sa balikat ko ang ulo niya at nagpatuloy sa pagtanggal ng make-up. 


Una naming pinauwi si Daisy kasi sa kanya ang mas malapit, sunod naman si Noele. Nasa bahay na kami ni Sam ngayon.

"Sam, gising na. Nandito na tayo." Tinapik ko ng marahan ang pisngi niya.

"Hmmm." 

Lumabas si Ren at pumunta sa side ni Sam. Binuksan niya yung pintuan at inalalayan palabas si Sam habang inaalalayan ko rin siya sa loob.

Lumabas na 'ko agad ng sasakyan, pagkalabas na pagkalabas ni Sam. Kinuha ko ang bag niya para hanapin yung susi niya habang pasan-pasan siya ni Ren. Nung nahanap ko na, nagmadali ako sa pintuan ng bahay niya para buksan ito. 

Tinulungan ko si Ren na alalayan si Sam pa-akyat ng kwarto niya. 

Tinanggal ko yung kumot niya sa kama bago ipinahiga si Sam. Kinuha ko yung stuffed toy niya at pinayakap ito sa kanya, kinumutan ko rin siya.

 Bumaba na kami at lumabas ng bahay ni Sam. Ni-lock ko muna sa loob yung pinto bago ito isara.

Nang makarating na kami sa sasakyan, nag-salita si Ren.

"Sa harap ka na umupo, feeling ko kasi taxi driver ako kung nasa likod ka haha."

"Ay sige, kunin ko lang bag ko sa likod." 

Kinuha ko yung bag ko bago umupo sa harap. 

"Uhmm, seatbelt." tinuro ni Ren yung seatbelt ko bilang paalala.

"Ah, oo nga pala." Hinila ko yun at ni-lock.


Nakikinig lang kami sa mga kanta habang nasa byahe, ayokong matulog kasi baka ma-bored siya.

"So... Do you like this song?" tanong sa 'kin ni Ren.

"Ah, oo. Maganda." 

Halatang nag-sisimula siya ng usapan. Hay, salamat naman. 'Di kasi ako magaling sa mga ganto saka para naman 'di kami awkward at maging close na rin, tutal kaibigan siya ni Sam.

"Ikaw yung mom of the group, 'no?" 

"Ah, oo. Madalas din akong tawagin niyan ng mga ibang kaibigan namin. Para kasing mga bata sila Sam eh, laging nag-aaway." Nakangiti kong sabi habang iniisip ang pagi-inisan nila Sam at Daisy.


Nag-tanong pa siya ng ibang mga tanong, katulad ng kung gusto ko ba yung genre nung kantang pinapatugtog niya at kung sino yung paborito kong singer. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko sa kanya dahil sa pag-uusap namin. Mas humaba na yung mga sagot ko at tinatanong ko rin siya pabalik. 

"Okay, we're here." tinigil niya yung sasakyan sa harap ng dorm ko.

"Salamat, Ren. Ingat ka pauwi." sabi ko pagkatapos kong tanggalin yung seatbelt ko.

"Thanks, It was really nice to talk to you." Sabi niya habang nakangiti.

Nginitian ko siya pabalik at bumaba na. Hinintay ko siyang maka-alis bago umakyat. 

Alam niyo na, manners.




Bituin UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon