Chapter 4: Worried

4 0 0
                                    

Ren's POV

I woke up from my phone ringing so loud. Hindi pa nga sumisikat yung araw! Sino ba yung natawag?

I sat up and grabbed my phone. What the heck?

10 missed calls, lahat galing kay Sam.

Tinawagan ko siya agad.

"Hello? Ang aga-aga, Sam." sabi ko habang humihikab pa.

"Sorry, Ren. Importante lang kasi, kelan mo last nakausap si Rai?" mabilis niyang tanong, para siyang kinakabahan.

"Last sunday pa, why?" Tanong ko.

"Hindi kasi siya nagpaparamdam sa 'min si Day eh, triny din naming tawag, hindi nasagot. Last na paramdam niya sa 'min nung sun din, which is 5 days ago." Nagaalala niyang paliwanag.

I fell silent. It's impossible na napahamak siya, hinatid ko siya eh. And she also replied nung tinext ko yung number ni Noele sa kanya.

"Pwede mo ba siyang puntahan? Check mo naman siya, oh. Please... Mamaya pa kami makakauwi ni Daisy, eh. Tapos si Ele naman 'di nasagot. Nag-aalala talaga kami..." pakiusap niya.

"Ok, punta na ko ngayon." sabi ko habang bumabangon sa kama ko.

"Thank you, Ren. Balitaan mo nalang kami, ingat ka." Sam said bago niya i-end yung call.

I looked at my phone, 4am pa lang. Gising na kaya siya?

Tinext ko siya, sabi ko pupuntahan ko siya. Pero, 'di niya ko nireply-an.

I grabbed my car keys and went out without changing, I looked presentable naman. Naka-gray sweatpants and white shirt ako.

Malapit lang naman yung dorm ni Rainah sa bahay ko, kaya mabilis lang yung biyahe.

After parking somewhere, lumapit ako sa gate kung san siya laging nababa.

Good thing, bukas yung ilaw nila sa labas, kaya 'di masyadong madilim.
Hinanap ko yung doorbell tapos pinindot yun.

I waited for a few minutes pero wala pa ring nalabas, so I pressed it again.

And again...

And again...

"ANO BA?!" nagulat ako sa sigaw ng isang old lady, siya ata yung landlord.

"ANG AGA-AGA, ANG INGAY-INGAY MO!" sigaw niya sa 'kin.

"Sorry po. Iche-check ko lang po sana yung friend ko, nag-aalala na po kasi kami sa kanya. 'Di po kasi nagpaparamdam..."  sabi ko habang kinakamot yung gilid ng leeg ko.

"TSK! AKINA I.D. MO! MALAY KO BA KUNG SINO KA!" sigaw niya ulit.

Binigay ko naman ito through the gaps ng gate, mukha namang naniniwala siya sa 'kin kaya binalik niya din.

"PASOK!" Utos niya pagkatapos buksan yung gate, tapos sinara niya ulit pagka-pasok ko.

"SUMUNOD KA SA 'KIN!" Utos niya ulit, kaya sinundan ko siya.

When we went inside the building, I saw a staircase and an elevator beside a room, dun ata yung kwarto nung landlord.

"Alam mo ba kung san kwarto ng kaibigan mo?" tanong nung landlord habang nakakunot ang noo.

"Hindi po eh.." sagot ko.

"Ano bang pangalan?" she asked, annoyed.

"Rainah po, hindi ko lang po alam yung surname niya." sagot ko.

"Magkaibigan ba talaga kayo? Tsk. Tsk." reklamo niya bago pumasok sa elevator.

Napatawa na lang ako ng kaunti bgo pumasok sa elevator.

Nakita kong yung button for the second floor.


We reached the 2nd floor shortly. Pumunta siya sa kanan after exiting the elevator, kaya sinundan ko ulit siya.

Tumigil kami sa tapat ng isang pinto.

"Dito na yun, bumaba ka nalang mag-isa pag-tapos mo." Naiirita pa ring sabi ng landlord.

"Thank you, po..." tinalikuran niya na 'ko bago ko pa natapos yung sinasabi ko.

I was offended pero kasalanan ko din naman. Sino ba namang 'di magagalit kung ang aga-aga, may nambulabog sa 'yo?

I just shrugged it off and softly knocked at the door.

Wala akong narinig kaya kumatok ulit ako.

Tapos kumatok ulit ako...

Katok ulit...

Looks like she's not home. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa, ite-text ko na sana si Sam na wala ata si Rai sa dorm niya pero biglang bumukas yung pinto.

I looked up from my phone to see Rainah. Magulo yung buhok niya tapos namamaga yung mga mata niyang gulat.

Ano kayang nangyari?

"Morning, Rai." I greeted habang nakangiti.

"Morning, anong ginagawa mo rito?" Tanong niya, obviously shocked.

"Tinawagan kasi ako ni Sam, 'di ka daw nagpaparamdam. You're not answering their calls." Tinuro ko ung phone ko sa kanya.

"Ah...... Sorry naabala ka pa... Pasok ka muna." Mas binuksan niya pa yung pinto.

Pumasok ako and saw her place. It's very clean but a bit too clean. Parang 'di ginalaw. Ganto yung itsura ng bahay pag-uwi mo galing sa bakasyon.

"Upo ka muna, sandali lang." tinuro niya yung sofa bago umalis.

Bumalik siyang may dala-dalang tubig. Binigay niya sa 'kin yun, bago umupo sa tabi ko.

"Sorry talaga, naabala kita. Ok lang ako, pakisabihan nalang din sila Sam. Lowbat kasi yung cellphone ko eh..." she said while looking down and fidgeting with her fingers.

"It's okay. Can I stay here hanggang sa makarating na dito sila Sam?" I asked her worriedly.

"Ok, sige. Sa kwarto lang ako, katok ka lang 'pag may kailangan ka." she said while smiling.

Tapos tumayo na sya at pumunta sa kwarto niya. I wanted to ask her what happened, pero mukhang wala siyang sasabihin kaya 'di ko na tinanong. 'Di rin naman kami ganung ka-close.

I texted Sam na ok lang si Rai at kung anong itsura. I also told her that I'm staying until she gets here.

After a few minutes, Sam texted back. She just said 'thanks'.



Bituin UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon