Rai's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nagulat talaga ako kay Ren kanina, 'di kasi ako nag-expect ng bisita...
Ang dilim at ang lamig ng paligid kahit kakataas lang nung araw.
Ilang araw na rin akong 'di makatulog ng maayos simula nung namatay si Niko...
Ok naman siya nung linggo, pero kinabukasan... Nakita ko nalang siyang walang buhay sa tabi ko. Siya yung pinakamatalik kong kaibigan, mas matalik pa kaysa kila Sam. Napulot ko siya sa tabi ng basurahan nung bata pa lang ako, naaalala kong baby pa lang siya nun. Kaya ang hirap kahit alam kong mamamatay na din siya dahil sa katandaan niya. Prinepare ko na yung sarili ko pero masakit pa rin.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising akong bigla, kahit na walang dahilan.
Ilang araw na kong ganto, bigla bigla nalang akong nagigising. Siguro dahil sanay akong katabi si Niko.
Nasilaw ako sa araw kaya tumingin ako sa bintana habang bahagyang tinatakpan ang mga mata.
Mas malakas na yung sikat nito, anong oras na kaya? Nandiyan pa kaya si Ren?
Bigat na bigat akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto, 'di ko na sinara pa yung pinto.
Naglakad ako papuntang sala pero napatigil ako nung nakita kong naka-upo ng tahimik sa sofa sila Ren, Sam, at Daisy.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"Hi..." nakangiti kong bati kila Sam.
Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ko.
'Di ko na napigilan yung mga luha ko, unti-unti silang bumagsak kaya tinakpan ko yung mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Sila talaga ang kailangan ko ngayon.
Nakaramdam ako ng mahihigpit na yakap, alam kong sila Sam at Day yun.
Lalong lumakas ang pagbuhos ng mga luha ko kaya 'di ko na napigilang humikbi ng malakas.
"Wala na si Niko..." nagawa kong sabihin sa gitna ng mga hikbi ko.
"Shhh... Okay lang 'yan..." sabi ni Sam habang tinatapik-tapik yung likod ko.
"Tama siya, Rai... Nandito lang kami..." sabi rin ni Day habang hinahaplos ang likod ng ulo ko.
Mas lumakas pa yung mga hikbi ko at bigla nalang kumalas ang mga tuhod ko, kaya napaupo rin sila Sam sa sahig kasama ko.
Kumalma na rin ako pagkatapos ng mahabang oras ng pag-iyak ko. Naka-upo kami ngayong lahat sa sofa habang nakahiga ang ulo ko sa balikat ni Day at hinahaplos naman ni Sam ang likod ko.
"'Di ko kayang maging vet kung wala siya." mahina kong sabi na nagsira ng katahimikan.
Walang nagsalita pero niyakap ako ni Sam sa kaliwang gilid ko.
"Ang sakit sa puso..." sabi ko habang pinupunasan ang mga mata kong naglabas ng kaunting luha.
"Matanda na siya, Rai. Mas mabuting namahinga na siya, kaysa mahirapan pa..." pag-comfort sa 'kin ni Day.
"Hmmm..." pagsang-ayon ko.
Pero masakit pa 'rin.
"Kumakain ka ba? Namayat ka, oh." sabi ni Sam.
"Hindi... 'Di rin ako naliligo..." sagot ko habang bahagyang natawa.
Inamoy ni Day ang ulo ko na nakahiga sa balikat niya.
"Hmmm! Mag sweet and shower ka muna habang nagluluto kami para makakain ka." sabi ni Day na nandidiri ang mukha.
Bahagya akong natawa. Baliw talaga 'to...
"Lugaw lang niluto ni Day, baka mabigla yung tiyan mo eh." sabi ni Sam pagkahain niya.
Nginitian ko siya at nagsimula na kaming kumain.
Ang sarap talaga ng luto ni Day, lasang lutong bahay talaga.
Sobrang nakaka-comfort.
"Ay, Ren!" biglang sabi ni Sam na parang may naalala.
"Oh?" tanong ni Ren habang sumusubo ng lugaw.
"Free ka buong araw?"
"Oo, bakit?" sabi ni Ren habang nakataas ang parehong kilay.
"May pupuntahan tayo." nakangiting sabi ni Sam na parang may binabalak.
BINABASA MO ANG
Bituin Us
RomanceLove grows gradually. From stranger to friends, and friends to lovers... Si Kim ay isang singer-songwriter na nangangarap maging isang sikat na singer. Intimidating siya at mukhang uninterested, most of the time. Pero, he's actually a very nice guy...