Chapter 1: "Hello"

14 4 0
                                        

Contains words not for kids !!

Rainah's POV

"Rai! Dito, Rai!" Sigaw ni Sam habang nakataas ang kanang kamay at kumakaway.

Lumapit din agad ako sa table kung nasaan siya. Napansin kong may dalawang lalaking nakaupo dito na 'di ko namumukaan, maliban pa kay Daisy, hindi naman siya nagsabi na may kasama pala kaming iba.

Ung isang guy, itim at medium-length ang buhok, na makapal ang kilay. May hikaw din siya, dalawa, isa sa kaliwa at isa sa kanan. Naka-oversized white sweater at itim na slacks siya. Yung mukha at aura niya.... Hmmm, a cool and intimidating looking person.

Ung isa naman, may brown short hair at singkit. Isang tenga lang ang may hikaw, yung kaliwa. Naka-brown t-shirt at denim pants naman siya. Mas mukha siyang mabait.

Umupo ako sa kaliwa ni Daisy, nasa kanan niya si Sam. Yung dalawang lalaki naman, naka-upo sa harapan namin.

"Ele, Ren, this is Rainah. Rainah, this is Noele and Ren." pagpapakilala ni Sam habang isa-isa kaming tinuturo base sa pangalan ng tinutukoy niya.

So, Ren ang pangalan ng naka-sweater na guy, at yung isa naman ay si Noele.

"Hello..." nahihiya kong itinaas at  bahagyang kinaway ang kanang kamay ko.

"Hi." bahagyang tumango si Ren sa 'kin. Mukha siyang walang gana at pakielam.

"Hello!" sabi rin ni Noele habang kinakaway ang kanang kamay, mas mukha talaga siyang friendly.

Tinawag ni Sam yung waiter, humingi siya ng isang baso ng beer para sa 'kin. Alas siyete pa lang naman ng gabi, kaya ayos lang na uminom ako.

"Oh my god, teh! Ang ga-gwapo nila, noh?!" Pabulong na sigaw sa 'kin ni Daisy habang nakasandal sa 'kin ng kunti at nakatingin sa direksyon nila Ren.

"Mmm..." pagsang-ayon ko.

"Pero natatakot ako kay Ren... Ang intimidating niya..." bulong ko.

"Yun mas nagpapa-gwapo sa kanya, teh!" bulong ulit ni Daisy.

"Mabait yang si Ren, siraulo nga eh. Shy lang siya kasi 1st meeting nyo palang, eh." 

Napalingon kami kay Sam, narinig ata niya yung usapan namin ni Daisy.

Tumingin ako sa mukha ni Ren.

Sabagay... 

HALA!

Agad akong napa-iwas ng tingin nung tumingin din siya sa 'kin. Hindi ko namalayang tinititigan ko na pala siya. Nahalata niya ba yung titig ko?! Nakita niya kaya?! Nakakahiya!

Sakto namang dumating yung waiter.

Buti nalang.

"Salamat po."
Kinuha ko agad yung beer at ininom ito.

"Kanta lang ako."
Napatingin ako kay Ren na tumayo at pumunta ng stage.

Singer pala siya?

Habang naakyat siya ng stage, sumisigaw ng malakas yung mga tao. Inabutan din siya ng isang lalaki ng gitara, kulay pale brown ito na may nakapalibot na chocolate-y brown or dark brown. 'Di ko sure kung tama ba yung pangalan ng mga kulay na binibigay ko. Basta, shades siya ng brown.

Umupo na siya sa upuan sa gitna ng stage, may isang mic stand doon na abot sa bibig niya.

Nagsimula na siyang tumugtog, ngayon ko lang na-realize na may mga singsing pala siya. Dalawang itim, tig-isa sa bawat hintuturo niya. Malapit lang kasi ang table namin sa stage, kaya kita ko.

(Honesty by Pink Sweat$)
Napakaganda ng mga tunog na nagagawa niya sa gitara, lahat kami tahimik para lang marinig ng mabuti ang pagtugtog niya...

"She said 'Baby, I'm afraid to fall in love'...'"

Yun pa lang ang kinakanta niya, napakaliit na bahagi, pero nakaramdam na agad ako ng mga bagay-bagay na 'di ko alam kung ano at kung pano ipaliwanag.

Napakaganda ng boses niya, damang-dama ko ang bawat emosyon! Medyo may nginig ito na kontrolado niya. Basta, napakahirap i-explain! Pero sure ako, para akong pinapalibutan ng milyon-milyong paro-paro sa ganda ng boses niya.

"I told her 'Don't rush, girl. Don't rush'~"

Parang nabasbasan ang mga tainga ko sa linis at ganda ng boses niya.

"She said 'What if I dive deep?'"

Wala na 'kong naisip pang iba, nakapokus lang ako sa kanya at sa boses niya.



Hindi ko namalayang tapos na pala yung kanta. At kahit tapos na, nakatitig pa rin ako sa kanya. Para akong si Daisy kung makatitig, sinusundan ko ang bawat kilos niya! Grabe talaga! Yung mga high parts, parang wala man lang kahit kaunting effort!

"Huy, Rai! Huy! Hello?!"

Unti-unting naging malinaw ang boses ni Sam, naramdaman ko rin ang dalawang kamay niya sa mga braso ko na yumuyugyog sa 'kin.

Nakaupo na pala si Ren sa table namin!

"Baka matunaw naman siya sa titig mo!" sabi ni Noele habang tumatawa.

Hala, nakakahiya! Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Ren.

Napaayos agad ako ng upo.

"Sorry, Ren! Sorry! Ang ganda kasi ng boses mo, eh!" Bulalas ko habang nakakuyom ang mga kamay sa pantalon.

Lahat sila napatigil.

Hala! Mas napalala ko pa ata yung sitwasyon!



"Pfft, HAHAHA!"

Nagulat ako sa biglang pagtawa ni Ren. Tumaas at bahagyang nagsalubong ang gitnang bahagi ng makakapal niyang kilay, na kanina ay nakakatakot tingnan. Nakita ko rin ang mga ngipin niya na mukhang perpekto, habang ang kanyang mga mata naman ay nagpormang gasuklay na buwan. Siya na ata ang pinakabagay na halimbawa sa "nagni-ningning na mukha". 

Mas gwapo pala siya kapag nakangiti, mas mukha rin siyang approachable.

Nakisabay din sa tawa sila Sam at kahit na saglit lang tumawa si Ren, napatigil pa rin ako.

Naiwan nalang ang matipid na ngiti sa mga labi niya.

"Thanks, Rainah. I appreciate it." Sabi niya sa 'kin bago ngumiti ng walang nakikitang mga ngipin.

Nginitian ko rin siya as a sign of "you're welcome" at relief. 

Bituin UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon