Chapter 3
ELIZABETH GAIL'S POV
Hindi paman nakaka rating si Elizabeth sa Hospital, hindi na mapigilan ng dalaga na mapa-iyak, sa labis na takot at pangamba na sinapit ng kaniyang Itang. Sakay sila sa jeep, at kahit mabilis naman ang pag papatakbo no'n, gusto pa din ni Elizabeth, na mas bilisan pa nito ang pag papatakbo, na mabilis kaagad na maka punta sa naturang Hospital.
Ramdam ni Elizabeth na may humawak sa kaniyang kamay, at ang kaibigan lamang niya na si Joy iyon. Ngumiti ng mapait ang kaibigan at nag papahiwatig na kailangan niyang maging matatag at maging handa kong ano man ang posibleng mangyari.
Nilibang na lang ng dalaga ang pag mamasid sa bintana ng jeep at nag dadasal na maging maayos lamang ang kalagayan ng kaniyang Itang.
Mga ilang segundo pa, at narating na sila sa naturang Hospital, at hinahanap kaagad nila kong asan ang Itang niya.
"Itang! Itang!" Matinis niyang sigaw ng makita ang Itang na naka upo sa hospital bed at may benda ang kaniyang ulo. Niyakap niya ito, at ako na ang unang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa. Hindi mapigilan ni Gail na maging emosyonal na pag masdan ang Itang, na may galos at ibang natamo nitong sugat. "Pinag alala mo ako ng husto. Akala ko, may nangyaring masama sa'yo." Naiiyak niyang sambit. Hindi niya ata makakaya kapag napahamak at may nangyaring masama sa kaniyang Itang. Si Itang na lamang ang mayron ako, at ayaw ko na pati siya mawala din sa'kin.
"Pasensiya na Gail, kong pinag alala kita.." anito. Napansin ko rin sa gilid namin ang iilan na pasyente na naroon, na mukhang kasamahan ni Itang ng sila maaksidente.."Naaksidente kasi ang sinasakyan namin kanina na Jeep, at nawalan ng preno kaya't bumangga yong sinasakyan namin sa maliit na tindahan." Salaysay nito. Iilan din ang ibang pasyente na, natamo din ng malala at iba pang sugat sa kanilang katawan.
"Kahit na, mag-ingat ka sa sunod kasi. Mamatay ako sa pag aalala sa'yo."
"Haha, oo na. Hindi na kita pag pag papaalalahanin pa." Hinawakan nito ang aking ulo. Bumaling ng tingin si Itang sa aking kaibigan, na naka tayo lamang sa gilid namin. "Nandito ka pala Joy."
"Hello po Itang. Mahal na mahal ka ni Gail, umiiyak siya sa labis na pag aalala sa'yo." Pag susumbong nito.
"Huwag mo na ako pakabahin ng ganun Itang ha?" Napa-nguso niyang sambit, na kina ngiti naman ng kaniyang Itang.
"Hindi na. Tara uuwi na tayo? Para makapag pahingga na rin ako sa bahay." Tumikhim ito saglit at umalis na sa pag kakaupo sa Hospital Bed.
"Pwede na tayo umuwi? Eh pano ang sugat mo Itang?" Naka-alalay ako sa kamay nito.
"Ayos lang ito, malayo ito sa bituka." Paika-ikang nag lakad ang Itang niya, na may iniindang sakit sa parte ng paa, na hindi maayos na maiapak ang mga iyon sa sahig.
"Kailangan natin ipatignan ang paa niyo Itang... Baka mapapano pa kayo." Suhesyon ko dito, at hinawakan lang nito ang kamay ko.
"Huwag na Gail, dadami lang ang gastusin sa Hospital, wala pa naman tayong pera pang bayad." Anito. "Kaya na ito, magiging maayos din ang pag lakad ko, kapag ininuman ko ng gamot... Tara na." Aya nito at wala akong nagawa kundi sumunod sa kagustuhan nito.
Sabay na silang umuwi at nauna nang mag paalam ang kaibigan niyang si Joy, at kasama ni Gail ang kaniyang Itang na tinahak ang eskinita papunta sa kanilang pinapaupahang bahay.
BINABASA MO ANG
WIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail Sandoval [ON-GOING]
RomanceWIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail ( A collab series with my other co-writers) Blurb: Elizabeth met Leon sa isang Wife Corporation. Dahil sa isang incident at kailangan niya ng pera. She accept the contract as wife ng isang mayamang single Dad. Bi...