Chapter 4
ELIZABETH GAIL'S POV
"Tama ba talaga itong ginagawa ko Joy?" Kabadong turan ni Gail ng maharap sa computer. Nandito silang dalawa sa malapit na computer shop sa kanilang bahay. Matapos nilang mag-usap kanina ni Joy, mabilis pa sa alas-kwatro na tumungo sila sa malapit na computer shop para tignan ang sinasabi nitong Wife Corporation.
"Oo tama iyan." Bakas na ang pamamawis ng kamay ni Gail na na tumitipa sa computer. Medyo mabagal din ang pag-tipa niya dahil hindi pa naman niya gamay ang pasikot-sikot na ginagawa sa computer. Konti lamang ang kaalaman ni Gail sa computer kahit na rin sa pag hawak na cellphone wala siyang alam, dahil keypad lamang na nokia ang gamit niya, na saktong pang-text at tawag lamang. "Nalagay mo na ang mail at password mo sa computer. I-enter mo lang para maka pasok kana sa mismong site bakla!" Tinutulak pa siya ni Joy sa labis na excitement.
Kong gaano ang excitement ang nararamdanan ng kaniyang kaibigan, kabaliktran naman para naman kay Gail, dahil kanina pa talaga siya pinag- papawisan nang malagkit.
Nilunok ni Gail ang laway at kasunod na pinindot ang enter sa keyboard. Kasabay ang pag loading ng nasabing account, ganun din ang kaba at nerbyos na lumukob sa dibdib ni Gail.
Unti-unti nang nag appear sa screen ang account at kasabay ang malakas na pag tili ng kaibigan sa likuran niya. "Kayaa ayan na siya bakla!" Matinis na tili ni Joy at tinutulak na siya nito mula sa likuran. Halatang mas excited pa sakaniya ang kaibigan.
"Joy, ang inggay mo!" Sita ko sa kaibigan, na pinandilatan naman siya kaagad nito. "Pano ba gamitin ito?" Napa-kamot na sambit ni Gail dahil hindi niya talaga gamay ang sunod-sunod na gagawin.
"Ganito lang kasi iyan bakla. Galawin mo bahagya ang mouse para gumalaw ang arrow sa screen. Nakikita mo ba ang arrow na iyan na kulay puti ha?" Turo ni Joy sa monitor, na kina-tango naman ni Gail ng makita ang tinuturo nitong arrow.
"Oo, nakita ko." Sambit ko. Tumingin si Gail sa lamesa para hanapin ang mouse na sinasabi nito. Asan ba ang mouse na sinasabi niya? Bakit wala akong makita?
Lumingon si Gail sa kabilang unit ng monitor na katabi, pero wala naman silang mga hawak na daga. Asan ba kasi ang mouse na iyon? "Teka asan ang mouse Joy? Huhuli pa ba ako ng daga, para gumalaw ang arrow sa screen?" Inosenteng tinig ni Gail, na kina-tampal nama sa mukha ni Joy, sa kaniyang sagot."Ewan ko sa'yong bakla ka. Mouse okay? Hindi literal na daga talaga. Nakaka-loka ka naman!" Dismayadong tinig ni Joy. "Ang sinasabi kong mouse itong itim na ito oh. Iyan ang mouse okay?" Tinuro ni Joy ang mouse, na kinagulat naman ni Gail.
"Bakit siya tinawag na mouse, kong hindi naman talaga mukhang daga iyan?" Inosente kong tinig, na umasim ang mukha nang kaibigan sa sinabi ko.
"Shhh! Enap- enap okay?" Pag-susuko ng kaibigan na animo'y napapagod na itong sagutin ang mga katanungan ko. "Jusko bakla, maubos na ang limang peso na binayad ko dahil sa rami ng mga katanungan mo, nakakaloka ka naman!" Napa-nguso na lang si Gail sa naging inakto nito, na halatang badtrip na pero hindi pa rin magawang tiisin ako. "Ako na nga lang ang titingin." Inagaw na ni Joy ang mouse at ito na ang bahalang gumalaw at nag- check isa-isa ang laman ng sites.
Wife Corporation: "Hire a wife, but don't fall in love."
The wife corporation is a business where you will find on a website where an unmarried man or single father can hire a wife depending on their purpose of hiring them. The single or married man can choose the type of wife they want once they see all the employee's files and the credibility as a wife that fits in the role.
BINABASA MO ANG
WIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail Sandoval [ON-GOING]
RomanceWIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail ( A collab series with my other co-writers) Blurb: Elizabeth met Leon sa isang Wife Corporation. Dahil sa isang incident at kailangan niya ng pera. She accept the contract as wife ng isang mayamang single Dad. Bi...