Chapter 6

50 6 0
                                    

Chapter 6

ELIZABETH GAIL'S POV

Tahimik lamang na umiinom ng tubig si Gail sa kusina at nakikipag-kwentuhan na rin ako sa mga katulong. Not bad dahil mababait naman sila na madali ko lang naka-sundo.

Napaka-daldal at sarap pala nilang kasama at ka-kwentuhan, na nawiwili talaga akong tumambay doon. Sa totoo talaga nababagot ako dito sa napaka-lawak na Mansyon na hindi man lang nag-uusap ang mga tao. Si Leon naman abala sa business, aalis ito ng umaga at darating naman pag sapit nang gabi. Samantala naman si Anna?

Ayun nag kukulong lang ang batang iyon sa silid. Sinusubukan ko naman na lumapit kay Anna pero iwas pa din ang bata sa akin, na parati akong sinusunggitan.

"May alam ba kayo kong paano ko magiging close si Anna?" Tanong ko na matigilan sila.

"Huh? Si Mam Anna talaga po?" Takang tinig ni Clarity na kasalukuyang nag pupunas ng plato. Ang ibang mga katulong abala din sa kani-kanilang naka-assign na trabaho.

"Oo gusto kong mapalapit sakaniya. Ilang beses ko na tinangkang kausapin at lapitan ito, pero parati niya lang ako sinu-sungitan."

"Mukhang malabo atang mangyari ang bagay na iyan Mam Gail." Luisa, na parang sanay na sanay na ito sa presinsiya nang bata.

"Oo Mam." pag sasang-ayon naman ni Clarity.  "Kami nga na ilang buwan na nag aalaga at nag babantay kay Mam Anna, pero ayaw niya pa din sa amin. Tinataboy niya lahat ang lumalapit sa kaniya na mga katulong at mga taong ayaw niya..Siguro kapag kayo Mam Gail gumawa, mahihirapan lamang kayo dahil napaka-hilig gumawa nang prank at kong ano-anong mga kalokohan si Mam Anna. Siya din nga ang may gawa nito sa akin eh." Tinaas bahagya ni Clarity ang suot nitong sleeves at tumambad kay Gail ang sugat at pasa na natamo lamang nito kay Anna.. "Kaya ilan dito sa amin doble ingat na lang kapag lumalapit sakaniya dahil nag wawala talaga siya sa galit... Kahit nga si Sir Leon, hindi iniintindi ni Mam Anna at hinahabaan niya na lang ang pasensiya sa anak, kahit napaka-sama ang ugali." Walang prenong tukoy nito na sinita naman kaagad ito ni Luisa.

"Huwag ka ngang maingay diyan Clarity at baka may maka-rinig sa'yong ibang tao at mapagalitan ka."

Pinanlakihan naman ito ng mata ni Clarity na walang paki-alam. "Eh bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah?"  Bumaling naman kaagad ang tingin sa akin ni Clarity at ngumiti ng ubod ng kay tamis. "Pero sa lahat si Sir Leon ang may mabuting puso kahit medyo masungit. Si Sir Leon ang bahala sa ilang gamot at medical na rin, kapag nakakatamo kami ng sugat mula kay Anna." Anito. "Kong gusto niyo po Mam mapa-lapit kay Anna tulungan po namin kayo, pero habaan mo na lang po ang pasensiya mo sakaniya kapag nag simula na siya mag- sungit. Hehe."

"Talaga ba? Tutulungan niyo ako?" Saad ko at matamis na ngiti ang sinukli nito. "Maraming salamat talaga."

Kahit tutulungan nila ako kong paano mapalapit kay Anna, kailangan ko ring gumawa ng hakbang para sa sarili ko. Alam kong medyo mahirap-hirap itong trabaho na pinasok ko, pero kakayanin ko ito para lamang kay Itang.

Kaya't no'ng gabing iyon naka-tatak na talaga sa isipan ni Gail ang gumawa ng paraan para kunin ang loob ni Anna kahit ilap pa din ito sa akin. Sisimulan ni Gail sa paraan na kaya kong gawin at iyon ang mag hahanda ng masarap na almusal para sa mag-ama.

Sinikap ni Gail na maagang gumising para lamang ipag-luto ng masarap na almusal. Hindi naman ako nahirapan dahil nariyan rin ang mga katulong para mag assist sa aking mga gagawin.

WIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail Sandoval [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon