Chapter 8
ELIZABETH GAIL'S POV
"What is this huh?!"Leon's look is so scary that you don't want anyone to see his eyes glinting with anger.
"Damit?" Leon closed his eyes to control his emotions and anger at what I said.
"Didn't I tell you not to ruin my clothes?! If I had known this thing would happen, I would not have washed my clothes with you."
"Sorry na, hindi ko naman sinasadya na mag kaganiyan ang damit mo. Promise okay naman iyan kanina, no'ng iniwan ko. Umalis lang ako saglit dahil nauuhaw ako tapos pag balik ko sa laundry nag kaganiyan na ang itsura at hindi ko alam kong bakit nag kaganiyan na iyan." Sa puntong ito kinagat ko na ang ibabang labi. Hinanda ko na rin ang sarili ko na mapagalitan nang bongang-bonga ni Leon dahil na rin sa katangahan na ginawa ko. Palasipan pa rin sa akin kong bakit nag kagano'n ang damit niya. Wala naman akong ibang sisisihin talaga kundi ang aking sarili, dahil sa una pa lang, ako naman talaga ang nag pumilit na mag laba nang damit nito.
"So you're making jokes now huh?" Pagak itong tumawa at hinakbang ni Leon ang paa palapit sa akin. Ilang pulgada na lang ang lapit nang aming katawan, ng sandaling iyon damang-dama ko ang takot na lumukob sa dibdib ko sa paraan ng titig nito sa akin. "So let's assume what you say is right. You left for a while to drink water in the kitchen and when you left, my clothes got up on their own in the laundry and my clothes dipped in the bleach, that's why my clothes are like this.. So ganun ba iyon huh??"
"O-Oo ganun nga tama k--- Sandali Hindi gano'n Leon." Pinang-hinaan na ako ng loob sa sinabi nito. Leche naman oh.
Leon just let out a deep sigh and his jaw clenched in anger. Irritably, he took his cell phone from his pocket and called a number. "Find me some clothes now. Hurry up!" pinutol ni Leon ang pakikipag-usap sa kabilang linya, at nanuyuan ako nang laway sa lalamunan ng mag tama ang tingin naming dalawa.
"Leon, gusto ko talagang huminggi nang tawad, hindi ko talaga sinasadya. Hayaan mo babawi ako sa'yo at aayusin ko ang trabaho k---"
"Just leave Gail!" Asik nito at hindi na ako nakipag-talo at lumabas na ako sa silid naming dalawa.
Natagpuan na lang ni Gail ang sarili sa likurang bahagi nang mansyon ni Leon. Napapalibutan ng magagandang bulaklak, landscape at makukulay na mga chrimstmas light ang paligid. Mayron din nag kikislapang mga ilaw na mag bigay ilaw at ganda ang paligid.
Nag pakawala na lang si Gail nang malalim na buntong-hiningga, at dumadapo sa aking laman ang malamig na simo'y na hangin, na niyakap ko ang aking sarili. Hindi na malaman ni Gail kong ilang minuto na ba ako doon sa likurang bahagi ng Mansyon, wala pa ako sa mood bumalik sa loob dahil ayaw kong salubongin ang galit ni Leon.
Iniiwasan ko pa rin ang binata dahil hanggang ngayon masama pa rin ang loob sa akin dahil sa ginawa ko sa damit nito. Iiwasan ko muna na makita o maka-salubong ito ngayon at baka mawalan pa ako kaagad nang trabaho.
Mahirap na, at kailangan ko talaga ng pera para maka-bayad sa utang ni Itang.Sinapo ko ang mukha ko, at namula ang mukha ni Gail sa labis na inis sa paraang sagutan nila ni Leon kanina.
Aba hindi ko naman sinasadya, bakit sinisisi niya ako?
"Kainis talaga, siya pa talaga ang may karapatan magalit. Paano naman ang galit ko aber?" Himutok ko dahil napaka- ng loob ko sa parang pag sigaw-sigaw nito sa akin kanina. "Walang utang na loob, napaka-sama talaga nang ugali ughh! Hindi man lang siya nag pasalamat na nilabhan ko ang damit niya?" Pabalik-balik lamang ang aking nilalakaran. Gusto ko lang ilabas ang galit at sama nang loob ko dito sa likurang bahagi, dahil hindi ko naman kayang sagutin pabalik si Leon
"Ayos lang po kayo Mam Gail?" Kulang na lang mapa-lundag ako sa gulat ng marinig ang boses sa likuran ko.
"Ay pepe mo!" Sapo ko ng aking dibdib, at pakiramdam ko aatakehin ako sa puso dahil sa biglang pag-sulpot lamang nito sa likuran ko. "O-Oh nandiyan ka pala. Bakit?" Inayos ko ang sarili ko at bahid naman ng pag-tataka akong tinignan ni Clarity.
Pansin ko ang palihim nitong pag-silip sa paligid na animo'y may hinahanap ito. Ilang segundo siyang ganun at pag-katapos humarap sa akin ni Clarity.
"Hinahanap ko lang kong sino ang kausap niyo Mam, daanan lang sana ako pero natigilan ako nang makita kita dito sa likurang bahagi na parang may kausap ka p-po." Napa-ngiwi na lang ako sa sinabi nito.
"Ah iyo ba? Pinapagalitan ko lang naman ang sarili ko hihi."
"Dahil pa ba ito sa nangyari mo sa damit ni Sir Leon?" Pag-uusisa nito.
"Oo, nakakainis talaga. Gusto ko siyang tirisin parang kuto ughh!. Sigurado ka bang hindi niya ako papalayasin sa pag-sira ko nang damit niya?" Ito rin ang gusto kong malaman. Natatakot ako na baka mamaya pag dating na lang ni Leon, galing sa pinuntahan nito, wala na akong babalikan na trabaho.
Tumawa na lang ito bilang sagot. Aba mukhang ito ata ang may tama. "Haha, hindi kana man po niya palalayasin Mam. Ganiyan po talaga si Sir Leon kapag nagagalit. Hayaan mo at huhupa din ang galit no'n kumbaga sa bagyo lumilipas lamang ang galit no'n at maya-maya okay na rin iyon. Panigurado kausapin ka ni Sir mamaya pag dating niya mamaya."Alangan na lang akong ngumiti. Sana nga lang talaga.
"Sumunod na po kayo sa akin Mam Gail, at para na rin makakain na po kayo nang hapunan. Bilin po sa akin ni Sir Leon bago umalis, na pakainin ko daw ho kayo para maka-pag pahingga sa iyong silid." Paalala nito."Sige maraming salamat, susunod na lang ako sa'yo." Nag vow na lamang ito at nauna nang mag lakad paalis at naiwan na lang akong mag-isa sa likurang bahagi..
Nanatili pa ako doon ng ilang minuto dahil hindi pa naman ako lubusang nagugutom. Pinag-masdan ko ang napaka-gandang bituin sa kalangitan at ang maliwanag na buwan, na mapa-ngiti na lang ako. "Miss na kita Itang." Mapait kong turan at nag lakad na ako papanhik sa loob para maka-kain na rin.
Sa kalagitnaan nang aking pag-lalakad napa-hinto na lang ako ng may naka-salubong akong bulto ng tao patungo sa direksyon ko.
Mabilis ko naman nakilala ito.
"Anna!" Kumaway ako sa bata para mapansin niya ako. Awtomatiko naman ang mukha nang bata napalitan ng sindak at tumigil sa pag-lalakad ng mapansin ang presinsiya ko.. "Kumain kana ba? Tara na't sabay na tayong kumain na dalaw----" hindi ko na natapos kong ano man ang sasabihin ko ng mapa-dako ang tingin ko sa itsura ni Anna.
Naka-suot ito ng puting dress at may bahid ng mantya ang damit nito at ang kamay. May hawak itong parang marker na hindi ko mahulaan kong ano. Parang liquid tint iyon na kulay blue.
Ngumisi na lang si Anna at nanlaki ang mga mata ko nang nahulaan kong ano ang hawak ng bata. "You!" Duro ko dito na kina-lawak nang ngiti nito. Para itong maliit na devil, na naka-ngisi sa harapan ko. "Ikaw? Ikaw ang sumira ng damit ni Leo----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mamadaling tumakbo palayo si Anna, na para bang naka-gawa iyon ng malaking kasalanan.
Kinuyom ko ang kamao ko at pigil nang aking pag-hingga sa aking mga nalaman.
Just inhale!
Exhale Gail.
Kalmahin mo lang ang sarili mo.
Huwag mong patulan!Sorry talaga Lord
Hindi ko talaga kaya!Anna!" Malakas kong sigaw at nag tumakbo na ako para tirisin ang bata.
Hindi para kausapin pala ang bata. Hehe.
BINABASA MO ANG
WIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail Sandoval [ON-GOING]
RomanceWIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail ( A collab series with my other co-writers) Blurb: Elizabeth met Leon sa isang Wife Corporation. Dahil sa isang incident at kailangan niya ng pera. She accept the contract as wife ng isang mayamang single Dad. Bi...