Chapter 5

58 4 1
                                    

Chapter 5

ELIZABETH GAIL'S POV

"Good morning Mam." Salubong na bati ng katulong kay Gail ng pag baba ko pa lang. Naka-suot ito ng uniforme at kay tamis na ngiti ang gumuhit sa labi nito.

"Good morning din." Alanganin kong tinig.

"Halika na po Mam, at naka-handa na po ang pag-kain sa dining." Nauna na itong mag lakad at sumunod na si Gail sa katulong hanggang sa dinala niya ako sa napaka-lawak na dining area.
Lalo pa tuloy si Gail namangha sa laki at lawak no'n. Bawat gamit na naroon pawang mamahalin at may halaga.
Para akong dinala sa paraiso dahil lamang sa lawak at ganda ng bahay lamang ni Leon.

Gitna nandong ang napaka-laking lamesa na tantya ko kayang pumuno ng dose na tao na sabay-sabay na kumain at sa itaas nama ang mamahalin na chandelier na mag paagaw pa nang atensyon sa akin. Sa gilid ng dining malaya kong napag-mamasdan ang napaka-laking bintana na gawa mismo sa salamin, at sa labas naroon ang napaka-gandang harden.

Napaka-sarap siguro na kumain kong ganito kaganda ang aking nakikita tuwing umaga.

"Umupo na po kayo Mam." Tinig ng katulong at pinag-hila pa ako nito nang upuan.

Malayang umupo si Gail sa bakanteng upuan at namilog ang aking mga mata ng masaksihan ang masasarap at magarbong pag-kain na ngayon pa lang nakita ni Gail. "Kain po kayo ng marami Mam." Magalang na tinig nito.

"Sandali, ako lang kakain?"

"Yes po Mam."

"Hindi niyo ako sasabayan kumain?"

"Po?" Nabigla ito sa aking sinabi. Doon na lang napag-tanto ni Gail ang aking sinabi. Sanay kasi akong may kasabay na kumain lalo't kasama si Itang at si Joy.

"Ah eh, ang ibig kong sabihin kong kumain na ba kayo? Hindi ko kasi kayang maubos ito lahat eh." Ngumiti na lang ito nang ubod ng kay tamis sa akin.

"Mamaya pa po kami kakain Mam. Para sainyo po talaga iyan na almusal na hinanda namin para sainyo, gaya po ng pinag- uutos ni Sir Leon." Bawat salita at hinhin nito, manghang-mangha si Gail. Ibang-iba sa nakagisnan ko doon sa skwater area, na ang mga tao na naroon mainggay.

Nalula na si Gail dahil hindi ko alam kong papaano ko uubusin ang mga pag-kain sa lamesa. Hindi na mabilang sa aking kamay ang ilang putahe na naroon na lahat naman masasarap talaga.

"Kong wala na po kayong kailangan Mam, aalis na po ako." Nag vow ito sa aking harapan at nag lakad na ito paalis.

Naiwan na lang si Gail mag-isa sa dining at sinimulang kumain. Nang matapos kong mag-almusal ay nilibot naman kaagad ako ni Manang Maria sa loob ng Mansyon. Siya pala ang Mayordoma dito sa Mansyon at ilang taon na nag sisilbihan dito.

Mabait naman ito, at napaka- well train na bawat kilos at pananalita nito, na pang-mayaman talaga ang datingan. Sa totoo lang pinag-aaralan pa ni Gail ang tamang kilos at pananalita para lamang hindi ako pumalpak sa aking mission.

Sa unang palapag matatagpuan mo ang malawak na living area, dining area, maids quarter, study room ni Leon, malawak na kusina at laundry area. Sa panagalawang palapag naman naroon ang master bedroom kong saan kami natutulog ni Leon, silid ni Anna, theater room na pwede kang manuod at dalawang bakanteng silid para sa mga guest na gustong mag sleep over at sa huling room naroon ang Storage room. Sa unahan naroon ang napaka-gandang garden na pwede ka talagang mag habulan dahil sa napaka-lawak at sari-saring mga bulaklak. Pang ibang bansa rin talaga ang landscape no'n. At ganun rin sa likurang bahagi ng Mansyon matatagpuan mo rin ang malawak na harden ulit, at napaka-laking pool at sa isang tabi pwede ka mag grill kong gusto mo talaga.
Napapalibutan rin ng mataas na bakod ang Mansyon at nag kalap ang cctv sa paligid.

WIFE CORPORATION #2: Elizabeth Gail Sandoval [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon