Run Forest Run

1K 17 1
                                    

"Waaaaaaaaaah!!"

Parang mababaliw kong sigaw habang bigay todo sa pagtakbo.

Walang lingon-lingon. Diretso lang tingin ko. Pilit kong chini-cheer ang sarili kong mas bilisan pa ang pagtakbo dahil oras na maabutan ako ng mga humahabol sakin. Happy meal ang kalalabasan ko! Alam kong yummy ako pero di ko pinangarap na maging handa sa isang piestahan!

"Putang ina, putang ina, putang inaaa!" Sigaw ko dahil sa frustration.

Wrong move!!

Dahil sa ingay ng pagsigaw ko. Yung tatlong humahabol sakin. Nadagdagan na ngayon ng dalawa pa!!!

Buset na buhay to!!!

Gusto ko lang naman makapagsuot ng designer na shoes kahit minsan sa buong buhay ko ng di ko yun binabayaran!

Kaso dahil sa sobrang excitement ko. Nakalimutan kong wag gumawa ng ingay at nagtatalon bahang pumapalakpak pa dahil saktong sakto sa paa ko yung napili kong design.

Ending? Heto ako ngayon kumakaripas ng takbo suot sa isang paa yung bagong labas na Nike Jordan habang yung isang paa ko naman ay nakayapak lang.

At kung minamalas ka nga naman. Yung paa ko pang walang sapatos ang naitapak ko ata sa bubog dahil ramdam ko yung pagguhit ng balat saka nasundan ng sakit at hapdi sa talampakan ko.

"Graaaawwwwlll"

Lalong naulol sa amoy ng dugo ko mula sa sugat ang mga humahabol sakin. Mas naging diterminado na ngayon ang mga ito sa paghabol sakin.

"Mamaaaaaa!! Huhuhuhu!" Naiiyak kong sigaw habang hindi na iniinda ang sakit sa talampakan ko at mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Run Forest Run!!

Tang ina, nababaliw na nga ata ako kung pati ba naman yung linyang yun sa pelikula ni Tom Hanks eh bigla pang pumasok sa isip ko. And the irony? Talagang todo takbo ako.

Sa pagliko ko sa kanan. Parang bumukas ang kalangitan at nagkantahan ang mga angel dahil sa liwanag na galing sa nakabukas na pinto. Malapit na pala ako sa labasang pinasukan namin kanila.

Thank you Lord!

Mangiyak-ngiyak kong dasal. Sargo na ang uhog ko sa ilong at luha sa pisngi dahil sa wakas, makakatakas na ako sa mga humahabol sakin. Proud na proud ako sa sarili kong nakangiting tagumpay na akala mo athlete na nauna sa finish line kung di lang...

Di ko alam kung sadyang malas lang ako or talagang engot-engot. Sinong tao ba ang mapapatid sa sariling mga paa habang tumatakbo ng mabilis? Wala diba?! Pero ako yun!

Parang biglang nag slow motion ang buong paligid ko habang yung sigaw na galing sa bibig ko ay lumalim sa pandinig ko habang unti-unti kong naramdaman ang pag forward ng kalahati ng katawan ko.

Tanging pagharang na lang ng mga braso ko sa mukha ko ang nagawa ko bago ko naramdaman ang pagbulusok ng katawan ko pasub-sob sa konkretong sahig ng parking lot ng Mall na iyon.

Makailang ulit din ako nagpagulong-gulong bago huminto. Nang tanggalin ko ang nakaharang kong mga braso sa mukha ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil isa-isa ng naglalabasan sa pintong nilabasan ko ang mga humahabol sakin.

Katapusan ko na. Goodbye world!. Tang ina naman. Mamamatay pa akong virgin!

Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang nakamasid sa slow motion pa ring pagtakbo ng mga humahabol saking mga zombie.

Oo zombie! Mga buhay na patay! Zombie as in yung sa The Walking Dead! Day of the Dead at lahat ng pelikulang may "Dead" sa pamagat.

Nanlilisik ang mga mata ng mga iyon habang nasa akin lang atensyon nila. Parang pinagtatawanan pa nga ako dahil sa katangahan ko, makakakain na sila.

LAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon