Yung Totoo!!?

285 16 1
                                    

"Huy Suarez! Hanggang kelan mo balak magkulong dyan!"

Bakas na ang pagkairita sa boses ni Felix habang panay ang katok nito for the third time sa panibagong cubicle na pinagtataguan ko. Paano. Kitang kita at nagkalat ang bakas ko sa crime scene na iniwan ko don sa unang cubicle ko kanina. At sa kamalas malasan ko pa. Ayaw gumana ng flush sa lechecng inidoro na yun. May bidet nga pero pag-on mo naman ay mapapaungol ka na lang dahil sa lakas ng pressure ng tubig. Kaya no choice ko kundi halos maubos na yung rolyo ng tissue roon

Para na naman akong aatakihin sa puso dahil sa halo-halong emosyon na unti-unting nagsi-sink in sa utak ko. Pero ang malala ay yung panunumbalik nung nangyari kanina kung saan nasaksihan lang naman ni Felix yung pag-erna ko ng burgis.

LIVE! 

Hinding-hindi ko makakalimutan ang naging reaksyon nito ng tuluyang maamoy ang produkto ng aking katakawan. Maluha-luha si Felix habang pigil nito ang sariling masuka sa tapang ng amoy ng pinawalang kong biological weapon. Buti gumagana yung vent sa CR na to. Kundi parehas kaming parang nasa gas chamber pag nagkataon!!

Walang kaso yung erna eh. Kahit yung amoy. Pero ang makita ka ng face to face sa ganong sitwasyon nung taong nangbu-bully sayo buong school year ang nakakawalang tino ng pag-iisip. Siguradong kahit matigok ako ngayon at pagtatawanan ako nito hanggang kabilang buhay.

Sa Eulogy ko siguradong buong samabayan ay pagtatawanan rin ako ng walang kalaban laban habang nire-recount ni Felix ang exact moment na yun kanina as part of "something to remember me by" dialogue.

Lord why mee!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang kahihiyan. Talk about epic fail. Puta. Trending na trending to pag nagkataon. Buti nga me pagkaboplaks to at di ako kinunan ng Video sa very compromising na position ko na yun. Kundi then and there gigilitin ko talaga leeg ko gamit yung nail filer ko.

"Suarez, I swear to God pag hindi ka pa lumabas dyan gigibain ko tong pinto!" Pagbabanta ni Felix.

"EDI GIBAIN MO! HINDING HINDI AKO AALIS DITO KAHIT NA GULPIHIN MO PA AKO!" Napipikon ko ng singhal kay Felix. Kasabay noon ay napahagulgol na naman ako sa inis.
Wala na akong paki kung gulpihin nya ako. Sanay naman na ang katawan ko maging punching bag ng mga tropa nya eh. Ano pa bang difference ngayon?

Saglit na natahimik si Felix sa kabilang panig. Di ko alam kong andun pa yun. Basta ang tanging laman na lang isip ko ngayon ay kung paano ako makakaiwas sa grabeng kahihiyang aabutin ko oras na bumalik na sa normal bukas ang school.

"Hannibal, we need to go. Di tayo pwede magtagal dito. Need natin makahanap ng help." Si Felix ulit. At di ko alam kung guni-guni ko pang ba iyon pero bakit parang ang lambing ng boses nya sa pandinig ko?

Help? Para saan? Don't telll he's talking about yung baradong inidoro sa cubicle four.

Napasabunot na naman ako ng mga buhok ko.

Napakalandi at napakatakaw mo kasi!

Kastigo ko na naman sa sarili ko.

"Suarez isa...!"

Kahit kalmado ang tunog ng boses ni Felix. Alam na alam ko likaw ng bituka nitong kumag na to. Kaya over my drop dead gorgeous body akong lalabas dito!

"......dalawa!"

Okay so hindi sapat ang tapang ko. Pero naman kasi!!

"....Suarez pag umabot ng tatlo at di mo pa rin to binukusan wawasakin ko talaga tong pinto! Ano?! Tat--"

Dahil sa pressure na naramdaman ko ay wala akong naging choice kundi buksan yung pinto saka malalaki ang hakbang na tumapat kay Felix.

"Mangako ka sakin na walang makakaalam na kahit sino sa nakita mo kanina.." parang hibang kong sabi kay Felix. Dilat na dilat pa ang mga mata ko habang binibigkas ng may diin ang bawat salitang iyon.

LAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon