Felix Bakat

586 15 1
                                    

"Rawrrrr! Rawrr! Rawrrrrr! Grrrrww!"

May mangilan ngilang nagtipon na zombie malapit sa bintana ng tinutuluyan kong silid na nagsisilbing infirmary sa Colony namin.

Nang mga oras na yun. Tatatlo lang kaming andito na pasyente. Pagdating kasi namin kanina galing sa Mall ay agad akong dinala ni Jared dito. Halos ayaw ko na ngang magpababa nung buhatin nya ako bridal style pagbaba namin ng sasakyan eh. Nakita ko pa si Alice na kinindatan ako dahil di naman lingid sa kaibingan kong iyon na malakas ang tama ko kay Jared.

At dahil ako ay ako. Muli na naman akong nagngangawa ng muling linisin ng resident nurse namin na si Kaloy ang mga sugat ko. Iyon yata dahilan kaya me mga apat na zombie na nagtitipon ngayon sa labas malapit sa bintana.

Kasalukuyan akong nakaupo sa nakabukas na bintana. Bagot na bagot ako. Di rin naman ako makakalakad ng matino sa mga susunod na araw so no choice ako kundi mag stay rito sa loob ng Compound.  At dahil ako nga ay ako. Ayun, pinagtripan ko na lang yung mga zombie sa labas. Saktong me mga halaman sa tapat ko kaya naman dumampot ako ng maliliit na bato sa mga paso bago ko isa-isang binagbabato yung mga zombie.

"Raaawwrr! Rawr!"

Nagpaikot-ikot yung isang zombie na natamaan ko bago ito suminghal sa katabing isa pa. Ang ending nagsinghalan sila.

Panay ang hagik-gik ko at pagpigil ng mapatawa ng malakas kasi naman. Parang tanga yung dalawa.

Bumato pa ulit ako ng isa pero this time, yung isang nakatulala lang sa isang tabi ang pinatamaan ko.

Muntik na akong mapabunghalit ng tawa ng bigla nitong dambahin yung katabi nitong nananahimik lang habang nakatitig sakin ang walang buhay nitong mga mata.

"You have a very dark and twisted sense of humor are you?"

Napatigil naman ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses ni Felix sa likuran ko.

Isang kulay itim na sando ang suot nito pang itaas at ang pangbaba naman ay malambot na cotton short na halos hapit na hapit na sa maskulado nitong binti. Nakacross pa sa dib-dib nito ang mga kamay.

Saglit akong natigilan at parang natulala. Paano ba naman, bakat na bakat yung buong tambok ng harapan nito sa suot na short. Parang aninag ko na nga yung outline ng hugis ng pagkalalake nya na nakapaling pakanan eh.

"Take a picture. It'll last longer.." sarkastiko nitong bato sakin ng mapansin nya sigurong nagtagal ang mga mata ko sa umbok ng harapan nya.

"Pwede naman, para may panakot ako sa daga sa kwarto ko." Paismid kong sagot dito.

Napatirik lang ang mga mata ni Felix saka sakin umismid. Maya-maya ay lumapit ito sa pwesto ko. Nakiusisa sa ginagawa ko. Sukat don ay lalong naghurumintado yung apat na zombie sa labas pagkakita kay Felix. Kitang kita ko pa ang sabay-sabay na pagsingal ng mga iyon sa direksyon namin.

"Wow! Di ko alam na sikat na sikat ka pala. Kaway ka naman sa mga fans mo!" Pang-aasar ko kay Felix.

"Tsk"

Di ako nito pinansin at patuloy lang na nakatingin sa mga zombing nanggagalaiti sa pagsinghal samin, pero kasabay noon ay naging alerto bigla ang mga brain cells ko. Bakit kamo?

Paano, naramdaman ko na lang sa isa kong hita na nakalaylay yung mismong dulo ng umbok sa harapan ng gago. Kinilabutan ako bigla sa pagguhit ng kakaibang init sa puson ko dahil parang nananadya pa ang kumag at unti-unting idiniin don ang harap nya.

Kahit di si Felix tumitingin sakin at kitang kita ko kung paano manlaki ang mga butas ng ilong nito na akala mo ay kinakapos ng hininga. At ewan ko lang kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang tigang lang ako. Naramdaman ko rin kasing parang kumislot yung etits nya na nakadikit sa hita ko eh.

LAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon