Breach

236 10 2
                                    

Present Time.

Matapos makalabas nila Felix at Jared sa infirmary. Agad, akong kumilos para kunin yung dalawang upuan na malapit sa lamesa na gamit ni Kaloy.

Iniharang ko iyon sa may pintuan ng pa slant, parang pangkalso ba tawag don? Ayun nga.

Nakamasid lang sa ginagawa ko yung dalawa pang pasyente na kasama ko sa loob. At syempre. Kahit papaano naman. Eh me puso pa rin ako. Alangan naman pagbuhatin ko yung matanda na isa pati yung isang lalake na naka benda yung braso. So no choice ang gurl nyo. Ako na lang ang nagtry na i-secure ang loob ng kwarto namin kahit pa hirap akong kumilos pa rin since kumikirot pa yung talampakan ko habang tulak tulak naman yung lamesang gamit din Kaloy para iharang sa pinto.

Nang matapos ako. Pakika-ika ulit akong naglakad papunta sa kama ko para magpahinga. Si Manang naman ay tumigil na sa pag-iyak nya kanina at ngayon ay hawak ang kanyang rosaryo habang panay panay ang usal ng dasal.

Tinapunan ko naman ng tingin yung isang lalake na malapit ang kama sa may pinto. Nakatingin pa rin kasi sya sa set up na ginawa ko na para bang duda sya na me magagawa yun in case na mapasok kami. Pano kasi. Pinaghilera ko lang yung upuan saka yung lamesa.

Too bad. Yan lang kaya ng powers ko koya.

Lumipas pa ang ilang sandali at medyo tahimik naman. Kaya ginawa ko pumunta ulit ako sa kaninang pwesto ko sa may bintana.

"Grarrrrww! Graarrwlll!"

Medyo kinabahan ako. Kasi yung apat lang kanina na pinagtripan kong zombie, ngayon parang unti-unti na dumadami.

Taena, nagtawag ata ng resbak yung apat.

Napapalunok ko na lang na naisa-isip.

Tiningnan ko ulit sila. At napansin ko na parang me dumagdag na naman. Parang lumulundo na yung mataas na hilera ng harang na naghihiway sa compound at sa building namin dahil nga sa sama-samang bigat nung mga zombie na patuloy na nagwawala dun sa kabilang side.

Nanikip bigla ang dib-dib ko ng mahagip ng mata ko yung dalawang bata na zombie na rin. Yung isa ay wala ng isang kamay, samantalang yung isang batang babae naman ay halos maputol na yung ulo dahil sa laki ng pagkakawak-wak sa leeg nito.

I'm sorry na nangyari sa inyo to..

Maluha-luha ko pang naisaisip habang nakatingin lang dun sa dalawa na panay panay rin ang singhal bago ko iniwas sa kanila yung tingin ko.

Tinapunan ko ulit ng tingin yung pinto namin.

Ewan. Pero di ako mapalagay.

Ramdam din siguro nung dalawa kong kasama yung anxiety ko kasi nagkatinginan kaming tatlo.

Walang nagsalita samin. Pero yung dalawa tumayo na. Samantalang ako ay lumapit ulit sa kanila. Para kaming mga telepath na di man nag- uusap pero nagkasundo na pagtulungan na iusog yung isa pang kama na katapat lang ng higaaan nung lalake kanina bilang pandagdag harang sa lamesang nalagay ko na.

Kahit papaano nakahinga na kami pare-parehas ng maluwag. Siguro naman sapat na yung mga hinarang namin para di kami mapasok dito. At bilang dag-dag security na rin. Sinenyasan ko yung dalawa na wag na lang mag ingay kung sakali.

Bumalik ako sa kama ko saka kinuha yung cellphone na nanenok ko sa isang mall na pinuntahan namin last month. Kinabit ko muna yung headphone bago ako namili sa mga in-app games na andun saka nag-umpisang maglaro. Pampalipas oras at pang distract na rin kung baga.

Malapit ko na sana mataasan yung high score ko sa game na yun kung di lang ako tinapik bigla ni Manang! Lag-lag panga akong nakatitig pa rin sa screen ng hawak kong phone.

LAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon