Weird Things About Felix

120 1 0
                                    

"FELIX!"

Bigla akong napabalikwas sabay kapit ng mahigpit sa kumot na di ko namalayang nakalapat pala sakin.

Ang bilis ng tahip ng dibdib ko. Para akong kakapusin ng hininga. Ramdam ko ang pagdaloy ng patak ng pawis sa magkabilang sintido ko kahit na pakiramdam ko ay malamig naman ang paligid.

"Buti naman at gising ka na..."

Bigla akong napabaling sa kaliwa ko ng marinig ko ang pamilyar at baritonong boses ng katabi.

"Felix?"

Parang di ako makapaniwalang nagtanong pa.

Di si Felix sumagot. Matiim lang tong nakatitig sakin ng may ilang saglit. Pansin kong panay ang lunok nito at maiging inililibot ang tingin sa kabuuhan ng mukha ko. Di rin nakaligtas sa mga paningin ko ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito maging ang magkabilang dulo ng tenga. Parang sinasadya rin nitong di magtagal na magtagpo ang mga mata namin.

Weird

Napakunot noo ako sa inaakto neto.

Bakit parang me mali? Now that I think about it. Paanong nangyari na kaharap ko sya? Ang huling naalala ko, na-corner kami sa van at....at...

"You're having a...bad dream." Parang nasamid pang turan ni Felix saka mabilis na iniwas ang mga mata sakin. Mas lalo pang tumingkad ang pamumula ng mga tenga neto.

Panaginip?

Napakunot noo kong tanong sa sarili.

Marahil ay bakas ang pagkalito sa mukha ko dahil marahan munang tumuwid sa kanyang pagkakaupo si Felix saka lumunok ng makailang ulit bago sinagot ang tanong ko.

"...After kitang buhatin...hmmm...you passed out. Dinala agad kita sa emergency room for observation kasi inaapoy ka rin ng lagnat pagdating natin dito sa bunker. With the amount of blood nga naman na nasa katawan mo from the infected and your open wounds sa paa. Akala namin nahawa ka na rin and will eventually.....turn.." Sa puntong iyon ay medyo napayuko si Felix.

"But thank goodness after the second day....you got better. Ang naging cause ng mataas mong lagnat is because of your wound. Kaya pinalipat ka na ni General Ruiz dito sa ward...that was four days ago."

Pagkasabi noon ay saka umangat ang ulo ni Felix at diretsong napatingin sakin.

Napa-awang ang mga bibig ko sa sinabi ni Felix. Saka anong sinasabi nito pana...ginip?

Oh my God!

Bigla nanlaki ang mga mata ko when realization dawned to me.

You mean to say panaginip lang yung....yung...yung nangyari between him and Felix sa van?!

SHIT!!!!

OMG. OMG .OMG!

Parang nabasa ulit ni  Felix ang nasa isip ko pagkat bigla nyang iniiwas muli ang mga mata nya sakin sabay lunok ng sunod-sunod.

PUTANG INA! ALAM NYA!

"You were...very...loud..kanina" Medyo humina na ang boses ni Felix matapos sabihin yun.

Dios ko! Nakakahiya! I want to die right now! This instant! This moment! Bumuka sana yung sahig and lamunin ako! Anything! Wag ko lang marecall lahat ng kahihiyang pinag-gagagawa ko so far!

Nagpapanic na ako inside. Pero wala saming dalawa ang nagsasalita kaya naman nakakabinging katahimikan ang pumagitna saming dalawa ni Felix. Ng saglit kong tapunan ng tingin ang gawi neto. Kahit saglit, alam kong nakita ko na napangiti ito.

LAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon