Chapter 3

1.9K 73 2
                                    

(Clarisse Hera at the multimedia)

--Mimi's POV--

"Mimi,sorry.. Dapat talaga hindi na lang kita inistorbo sa pagka-tulaley mo kanina.." Gigi. Nandito na kami sa Van at tinuloy na ung byahe.

"Anu ka ba,Gi, okay lang un noh!"tumawa ako ng konti pero halatang may sakit akong nararamdaman deep inside, bakit kasi ganito kapag nasasaktan ka? Minsan hindi mo na maitago kapag nasasaktan ka na ng sobra.

"Kahit gaano mo pa pilit itago yang sakit na nararamdaman mo, hindi mo pa rin malilinlang ang sarili mo. Kasi naman nasasaktan ka na, kumakapit ka pa." Biglang sabi ni Lala. Kaya lahat kami napatingin sa kaniya.

"Huh??" Ako.
"Wala, sabi ko, magpahinga na lang kayo para pagdating duon, may lakas kayo." Paliwanag niya. Minsan talaga ang weird ng pinsan kong ito. Tahimik tapos biglang magsasalita. Pero totoo yung sinabi niya.

--
Nang makarating kami sa Kamungan Beach Resort sa Iba,Zambales ay pinapunta muna kaming lahat sa Lobby. 12:00noon na pala.

"Okay, so ganito ang gagawin natin, may 5rooms sa Taas ng Rest house na ito, sa bawat room ay pwede ang apat hanggang limang tao, pero depende sa inyo kung gusto niyong magsiksikan sa iisang room,Go lang! Basta kasya kayo." Paliwanag ni kuya Michael ang pinaka-matanda saamin. At ang may ari ng Beach resort na ito.

Lumapit saamin si Kevin."so, pano yan guys? Sama sama tayo sa iisang room, kasiya naman siguro ang Pito dun diba?"

"Pito? P-paano si Kauro?" Tanong ko.. Don't tell me, magkasama sila sa iisang kwarto no Clarisse!?
Angel side of my brain: NO WAY!
Devil side of my brain: YES WAY!

"Oh come on~ cu'z naman, para naman tayong bago ng bago sa Luma niyan eh. Natural kasama nila Clarisse un!" Sabat ni Gigi. Talaga tong babaeng toh! Hindi mo maasahan eh.

"Ahh.. Okay" hayyy~ buhay.

"Hayaan mo na muna siya Elaine, mag-Enjoy ka muna. Kung siya ang laging iisipin mo, hindi mo mae-enjoy itong Beach, sige ka." Biglang sabat ni Alestair.

"Oo nga mimi, hayaan mo muna siya!"
"Oo nga!" Pagsang-ayon nila.

"Sige" sabay ngiti ko sa kanila ^_^

Umakyat na kami para makapagpahinga. Yung tatlong lalake ay tuwang tuwa kasi may dalawang king size bed. Sila dun sa isa kami naman sa isa, pero mulhang masu-sofa ako ah? Tatlo lang lasi ata ang kasya sa kingsizeBed na ito.

"Dito na lang ako sa Sofa Lili ^_^" pagpresenta ko, hindi na kasi siya mapakali sa pwesto niya kasi masikip.

"Sure ka Mimi? Okay lang?" Paninigirado niya.

"Oo naman.^_<" sagot ko sabay kindat sa kaniya. Hahahaha nakakatuwa talaga si Lili.

"Girls,magpahinga muna kayo, mainit pa naman eh, hindi pa tayo makakapag Swimming, lalabas muna kaming mga boys." Bilin ni Aeron.

"Yes po, baby Ae~" agad namang sagot ni Lili.

"Mimi, dun ka muna sa kama, kung nahihirapan ka diyan." Alestair. Ang bait talaga nitong lalaking ito.

"Anu ka ba, okay na ko dito noh, ang laki kaya ng sofa na ito."sagot ko naman sa kaniya.

"Sige, sabi mo eh." Sabay labas nilang tatlo.

Alas kwatro ng hapon nung lumabas kami sa kwarto namin. Ganun din pala ang iba. At ang iba naman ay nasa dagat na daw para mag-swimming.

"Tara na girls! Swimming na tayo!" Yaya ni Lili.
"Tara na!" Pagsang-ayon naman ni Gigi.
"Sasama na din ako. Medyo boring dito eh."Lala.

Ayan, dyan sila nagkakasundo eh. Pinag lihi ba sila sa tubig nila tita?

"Mauna na kayo, hindi pa ako ready eh.." Sagot ko naman, actually paglabas namin ay nakabihis Na kami pan-swimming. Mga naka two piece sila with see through dresses,ang akin? Naka two piece din ako pero naka Short Shorts ako tapos mahabang T-Shirt. Hahaha.. Mautak ata ako.

"Ang kj mo kahit kailan! Ikaw itong may pinaka magandang katawan saamin tapos ang kj mo!" Pag-aalburoto ni Gigi. Itong babaeng ito, hindi mo talaga maiintindihan yung ugali eh. Simple lang siya pero kasi anoo.. Si Gigi ba yung matatawag nating Modernong Maria Clara? Hahaha.

"Susunod naman ako eh.." Ako.
"Hmpf!"silang tatlo. Sabay alis. Tignan mo toh. Hahaha.

Parang medyo nagugutom ako. Makapunta nga sa kusina.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko si Kauro. Umiinom ng tubig. Malapitan nga.
"Hi Kauro!" Bati ko sa kaniya with my Super Smile ^_^

"Mag-usap nga tayo." Cold na sabi niya.. Bakit? Para saan?

"S-sige.." Hindi ko alam, pero kusa na lang gumalaw ang paa ko at sumunod sa kaniya papunta sa likod nitong rest house.

"A-anung pag-uusapan natin?" Ako. Medyo nakakatakot kasi yung tingin niya.

"Could you stop bothering me!? Nakakairita ka na eh!" Napatikwas ako sa sigaw niya.

"B-but K-Kauro.."

"And STOP CALLING MY NAME EVERYTIME YOU SEES ME! Cause it's so irritating!" Sigaw niya ulit. At hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa pisngi ko.. Then a Flashback pop out on my mind...

*Flashback*
"I will never Hurt you, nor Leave you.. I will be your Knight! Cause I dont want seeing you like a crybaby.."Sabi ng batang kauro..

"Really? Is that a promise?" I said for assurance..

"Yes! I promise!" He said then he form his pinky finger to my front for the pinky swear, so I did.

*End of FlashBack*

"Thank you.." I said. Wala na.. Bumigay na yung luha kong matagal ko nang pinipigil.

"F-for W-what?" Biglang nagbago ang expression ng mukha niya ang kaninang galit at irita ngayon ay may awa na.. Lungkot.

"For making me strong. For making me stronger enough to endure all the pain. Ewan ko ba sa sarili ko, kung bakit sobrang kulit ko." Then I fake laugh and another tears fell to my cheeks.
"Kahit gaano mo pa ako sigawan, itulak palayo. Hindi ko magawang iwan ka. Because I will be the one who will do your promises.. *Sobbed* patutunayan ko at paninidigan ko ang pagiging bestfriend ko sayo.." Dahil mahal kita.. Gusto ko pa sanang idugtong pero hindi ko magawa..
With that.. Ako na ang umalis.

Hindi pa ako tapos Kauro. Hindi ako susuko sayo. Alam kong may natitira pa ring Miracle Elaine Mendez diyan sa puso mo. Gagawin ko ang lahat.

~
A/N
Medyo nahihirap na po ako. Hahaha. Nawawala kasi yung notebook ko na pinagsulatan ko. Pero tanda ko pa siya at kaya kong isulat.

Enjoy guys.

Comment please :)

My Possesive Fiancé [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon