Kapag nagmahal ka, marami kang matututunan, marami kang mararanasan.
Matututo kang maging maTiyaga para sa taong mahal mo.
Matututo kang maging handa incase na may mangyari.
Matututo kang maging martyr para sa taong mahal mo na may mahal na iba.
Matututo kang maging manhid.
Matututo kang magparaya.
Matututo kang magpakumbaba.
Matututo kang magtiis.
Matututo kang manahimik.
Matututo ka sa maraming bagay, kahit na ayaw mo, wala kang magagawa.Ako si Miracle Elaine Mendez, just call me Mimi. Ang babaeng handang gawin ang lahat para sa lalaking mahal ko.
Lalaking malapit saakin kung titignan pero mahirap abutin."Anubayan Mimi! Tara na!"
"Oo nga Mimi! Halika na!"
"Antagal mo naman! Bilisan mo Mimi!"Eto na naman sila~
"Opo! Bababa na!"sigaw ko pa balik.Sila ang mga Bestfriend ko ^_^
Actually mga pinsan ko sila
Sina Alissa Celine Mendez,Just call her Lili ang babaeng ubod ng kulit! Pero sobrang bait!
Si Girlie Raquel Mendez, just call her Gigi, ang babaeng simple pero pilyo.
And last si Daniella Shane Mendez, just call her Lala, ang babaeng Ubod ng seryoso at sungit pero pagNantrip ? Hayy nakoo~ magtago ka na!"Para kang pagong!" Sabay sabay na salubong nilang tatlo saakin pagkababa ko.
"Sorryyy~" I said. Habang bitbit ang maleta ko pababa.
"Yan lang ang dala mo? Mahigit sampung oras ka naming kinulong sa kwarto mo! Tapos ayan lang!?"nanggagalaiti na Sigaw ni Lili.
Sorry naman. Ito lang kasi ang napili ko eh."A-ah kasi naman eh, wala na akong mapili, atsaka pwede na yang One week lang naman tayo dun noh." Sabi ko nang may pilit na ngite.
"Okay na yan Mimi, masyado lang kasing maarte itong si Lili kasi tatlong maleta ang dala nya. Tapos tayong tatlo nila Lala, tig-iisa lang." Paliwanag ni Gigi.
"Ewan ko sa inyo! Tara na nga! Nandyan na yung van ni Aeron My Labs!" Kinikilig na sambit ni Lili sabay takbo palabas. "Ae My Labs~ nandito na kami~ tara lets~" pahabol nito.
Sumunod naman kaming tatlo nang natatawa. Hayy~ kahit kailan talaga tong si Lili baliw na baliw sa Boyfriend niya DAW! Hahaha! Oo, self declared niya na Boyfriend niya si Aeron Dela Cruz, well wala namang pake si Aeron, pero subukan niyang saktan si Lili! Humanda siya! Back to the scene, well, kung tinatanong niyo kung saan kami papunta? Magbabakasyon kami sa Iba,Zambales. One week kami dun, with our Friends.
--
Hello :) kamusta? Salamat nga pala sa mga nag-antay ng story na ito. At sa mga nag-add sa reading list nila. Mahal ko kayoo~~Purple
BINABASA MO ANG
My Possesive Fiancé [On-Going]
Genç Kurgu'Ang tanggapin niya ako' yun lang ang gusto kong mangyari .... 'Ang mahalin niya ako' isang bagay na napaka impossible ... Pero gusto kong mangyari ...