Chapter 2

2.2K 72 0
                                    

*Meet Him*

Tatlong van ang dala namin. Sa van ni Aeron kami sasakay, 8 person ang kasya sa van. Bale ang sasakay,Ako,Si Lili,Si Lala,Si Gigi,Kevin,Alestair,Aeron at si-- WAIT! Nasaan si..

"Guys! Nasan si Kauro?! Akala ko ba dito siya sasakay?" Tanong ko. Si kauro? Siya yung Fiancé ko ^_^ pagnakita niyo un! Gwapo un!

"A-ahh, Mimi, kasi~ nasa kabilang V-van si kauro.."-Kevin. Huh? Akala ko dito siya sasabay.. Pero..

"Ganun ba? Sige lilipat na lang ako! ^_^ saang Van ba?" Pwede naman ako kahit saan! Basta kasama ko siya!

"WAG!!"-Sabay sabay nilang sigaw. Teka? Bakit ayaw nila? May tinatago ba sila? Kanina si kevin nauutal habang sinasabi kung nasaan si kauro tapos ngayon ito?

"Huh? Bakit? Anung meron sa kabilang Van?" Nagtatakang tanong ko.

"Nandun sa kabilang van si Kauro kasi Nandun si Clarisse." Matabang na sabi ni Lala..

Kasama si Clarisse? Kung nagtataka kayo kung sino si clarisse. Siya ung babaeng gusto ni Kauro. Ang saya diba? Ako yung Fiancée niya tapos may gusto siyang iba. Well wala akong magagawa. Ganun talaga.
Kung ipipilit ko sa kabilang Van yung sarili ko maA-out of place lang ako dun.

"S-sige, tara na.." Nawalan ako bigla ng gana. May parang kung anong kumirot sa bandang dibdib ko..

Hanggang sa umalis na yung Van. Hayy~ mahaba-mahaba pa yung Byahe, mahigit 6Hours. Hindi naman kami mahihirapan kasi nakaVan naman kami.
Maingay dito sa loob ng Van namin kahit kami-kami lang.. Si Lili? Ayun, patuloy pa rin sa pangungulit kay Aeron kahit sinabihan na namin na 'wag magulo kasi nag-da-drive si Aeron, pero ang kulit kulit, kaya natatawa na lang kami. Si Lala? Ayun, tahimik! Tulog! Si Gigi naman at kevin, nakikipag kulitan din..
Ako? Naiiyak.

Masyado bang malungkot ang umpisa ng story ko kasi nasaktan agad ako? Simula pa lang naman ganito na eh.. Wala atang Chapter ng libro ko na hindi ako masasaktan.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana..
Lahat ng nakaraan ay bigla kong naalala..

*Flashback*
Magbestfriend kami ni Kauro back then. Palagi kaming magkasama. Close kaming dalawa kila Lili, pero kaming dalawa talaga ang magbestfriend.
Kauro's mother and my Father are bestfriend back then, tumatak sa isip namin ni kauro un kaya palagi kaming magkasama, halos walang makapaghiwalay saamin nun.
Hanggang sa naramdaman ko na lang sa sarili ko na gusto ko na pala siya, hindi ko magawang aminin sa kaniya. Kasi may gusto siyang iba, si Clarisse Montez. Ewan ko kung bakit at paano niya nagustuhan si Clarisse, samantalang panget ang ugali niya.
Si Clarisse ang laging nambubully saakin, ewan ko ba kung bakit ang laki ng galit niya saakin, pero hindi alam ni Kauro lahat ng ginagawa saakin ni Clarisse, ayoko kasing lalong magalit si Clarisse saakin.

Pero may isang desisyon na nakapagPabago ng pagkakaibigan namin.

"You'll be engage to kauro." My father said.

Yung salitang yan ang nakapag-pabago ng lahat.
Ayaw pumayag ni kauro sa desisyon nila Tita at daddy. Iniwasan ako ni kauro. Nawala ng parang bula ang pagkakaibigan namin.
Nang dahil din sa ginawa nila daddy ay hindi natuloy yung pagtatapat ng feelings ni kauro kay Clarisse.
Kaya lalong nagalit si Kauro saakin. Pero kahit ganun, hindi pa din nagbago yung feelings ko para kay Kauro. Mahal ko Siya. At sigurado ako.

*End of Flashback*

And dagdag info. Na din pala, walang ibang nakakaalam na Engaged kami ni kauro bukod sa families namin at kila Lili,Lala,Gigi,Alestair at kevin.

"Hey,Mimi, nakikinig ka ba?"Gigi.

"A-ah? Yeah.. Ahhm what's that again?" I asked. Kasi naman, ang dami ko na atang nasabi.

"Sabi ko, kung may ipabibili ka ba?" Gigi.

"Para saan?"

"Helloo~ nasa stopOver po tayo. At may bibilhin. Kaya kung may ipapabili ka, akin na. Pwede ding sumama ka na lang or wag ka nang magpabili at ituloy mo ang pagtunganga mo dyan." Wooi~ nanermon na siya~

"Sorry na.. Teka sama ako."

Pagkababa ko ng Van nakita ko agad si kauro! Kaya lumapit ako sa kaniya.

"Kauroo~" tawag ko sa kaniya habang nakangiti! Pero deadma -_-" lalapit pa sana ako ng biglang may kumapit sa kaniya. Si Clarisse ..

"Tara na.." Nagulat ako, kasi naman tong si Alestair, bigla bigla na lang mang-aakbay! Baliw talaga toh..

"Sige.." Nagpadala na lang ako sa kanya, nasasaktan ako.. Masakiit eh.

~

Hallo again! Sorry sa Matagal na UD!
Sana nandyan pa din kayo :)

~Purple

My Possesive Fiancé [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon