Chapter 28

1.7K 46 8
                                    

(Ellie's POV)

Ano ba ang ibig sabihin ni Mamita that Zach was also a Victim? I tried reminiscing the past and all I remember was how I suffered. Hindi ako pinatulog kakaisip ng sinabi ni Mamita. 

"Mi! we're ready!" tawag sakin ni Chris habang nagbebreakfast sa baba.

"Okay I'm coming, make sure to brush your teeth first before we go" sagot ko nalang at nagmadali nading bumaba, ihahatid ko kasi sila sa malapit na day care center para hindi sila mabored habang nasa trabaho ako.

"Hindi ka na ba kakain?" tanong sakin ni Dad nang makasalubong niya ako sa hagdan. 

"Hindi na Dad tsaka may breakfast meeting naman ako ngayon kaya sa office na ako kakain" sagot ko but I lied para hindi na sya mag-alala pa.

After I dropped them off kasama si yaya ay dumiretso naman ako sa opisina. Maaga nga akong pumasok sa trabaho pero kung saan-saan naman gumagala ang pag-iisip ko.

Dahil kaka-launched nga lang ng aming bagong marketing strategy, I decided to observe how our costumers react sa aming bagong gimik while I'm incognito. Hindi din kasi aware ang iba tungkol sa posisyon ko dito dahil nga pansamantala lang ako dito.  While roaming around, I also almost forgot na may magmo-mall show din pala ngayon kaya mas maraming costumers. Nagikot-ikot din ako sa mga luxury shop to check them out at tamang-tama gusto ko rin bilhan ng matching necklace ang kambal kaya dumaan na ako sa isang jewelry store.

Habang namimili ako, aksidente kong nabangga ang isa sa mga costumers na palabas na sana ng shop. Agad ko  naman syang nilingon to apologize.

"I'm sorry sir," I said but I was surprised to see that it was someone I know. It's Daniel.

I was glad but suddenly I realize that we didn't end well kaya hindi ako sigurado kung dapat ba akong magalak. Kelan pa kaya siya nakauwi ng Pilipinas?

"Ellie? how come you're here?" he said at nakipagbeso pa. 

He seems delighted to see me kaya sinabayan ko narin yung mood niya. "Well, I had to because of Mamita, eh ikaw? still working in New Zealand?" tanong ko din. 

"Not at the moment, I had to handle things kasi dito sa Pinas," paliwanag pa nya. "How about some lunch or coffee?" pagyaya niya pa kaya hindi na ako tumanggi. 

Naghanap nalang kami ng isang restaurant sa mall at doon na kumain at nag-usap. 

"I'm glad that I bumped into you today, so kumusta ka na? How are your kids?" sunod-sunod niyang tanong. 

I wonder how he knew about the kids, I never posted anything about them, maybe P'Pim kept him updated kaya alam niya?

"We're fine, we're doing fine" I simply said and I remembered how things ended between us three years ago. While looking at him, mukhang okay na nga sya, sana nga.

"So ano na ang pinagkakaabalahan mo ngayon maliban sa trabaho?" tanong ko naman and I didn't expect that we still had a lot of catching up to do.

Habang nagkukwentuhan, his expression suddenly changes after looking at something from afar.

"Is that Zach that I'm seeing?" he asked at napalingon naman ako. Si Zach nga ang nakita niya with some of our employees.  

His mood suddenly got bad and I felt that I had to explain it to him.

"Nagkabalikan na ba kayo?" he coldly asked at agad ko naman tinanggi. 

"No! of course not! things happened and he's needed here, Dad needed him at wala naman akong magawa dun dahil hindi ko naman talaga forte ang ganitong business, Even I is still struggling from running my own hotel" paliwanag ko pero mukhang hindi sya satisfied sa paliwanag ko kaya sinabi ko na ang totoo. 

Married Overnight (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon