CHAPTER 1

7 0 0
                                    


It's been a week at magsisimula na ang pasok.

Knock Knock

"Aya kumilos ka na , sasabay ka sa akin" ang aga talaga lagi gumising ni Kuya.

Nag ayos na ako para pagbaba diretso sasakyan na lang. May kotse si Kuya at regalo ito ni Daddy nung nag birthday sya.

Pareho kami ni Kuya na mahilig mag-aral sabi nga nila kulang na lang salamin para matawag kami na nerd. Actually nagsasalamin kami ni Kuya kapag nagbabasa, hindi lang masyado sa school.

Nakaka excite pumasok at the same time nakakalungkot dahil wala akong kaibigan. They always call me Ms. Perfect dahil nasa akin na daw lahat but they are all wrong for thinking that way.

I have flaws too.

Bumaba na ako at sabay na kami kumain ni Kuya ng breakfast and as usual wala si Daddy dahil nasa office na sya.

"Magpasundo ka na lang sa driver mamayang pag-uwi dahil kakausapin pa kami ng coach after class" tumango naman ako and yes basketball player din si Kuya. Sporty din kami magkapatid katulad ni Daddy at Mommy.

I play volleyball ball and badminton at nilalaban din ako kapag may mga sport festival.

Pagtapos kumain dumiretso na kami sa kotse nya na kulay blue.

"Kuya , I want to have a car din" lagi ko sinasabi kay Kuya yan pero sasabihin nya lang NO.

"I already told you na bawal pa Aya dahil 13 ka pa lang and may driver naman tayo or ako to drive you " tumingin ako sa bintana bago sumagot kay Kuya. "Hindi naman habang buhay nandyan kayo , I need to learn din Kuya" umiling lang si Kuya kaya tumahimik na lang ako.

Dumating na kami sa School at pinauna na ako ni Kuya dahil dadalhin nya pa sa Parking Lot ng School ang kotse nya. Ang school namin ay Highschool to College kaya same  kami ni Kuya ng School.

I close my eyes and smile pagdating ko sa gate. Pinapakiramdaman ko ang sarili. Finally hindi lang ako lagi nasa bahay. I missed the smell of classroom and I missed the noisy students.  Kahit nakatayo ako sa gate wala naman bumabangga sa akin.

Napamulat ako ng may kumalabit sa akin.

"Miss, okay ka lang? Inaantok ka din ba katulad ko? Ang aga kasi ng pasok noh? Nakakainis talaga" nagulat ako sa lalaking to. Kinakausap nya ako kahit hindi naman kami magkakilala.

Matangkad sya sa akin pero magka year level kami dahil sa suot nya.

"Do I know you?" Napatakip naman sya sa bibig.

"Hala omg don't english me" nginitian ko na lang sya at iniwan sa kinatatayuan nya. Ang weird naman ng isang yon.

Hinanap ko na ang room ko and when I found it pumasok na ako and choose the back seat dahil ayaw ko na ginugulo kapag nag-aaral but sadly I need to use my eyeglasses para makita ang nasa board.

Nag bell na hudyat na magsisimula na ang klase. Wala kaming flag ceremony dahil need lang naman magpakilala ng mga teachers sa students and vice versa para maging familiar din ang lahat sa school at sa mga teachers.

Lumakas lalo ang ingay sa corridor dahil nagtatakbuhan sa kanya kanyang mga kwarto.

Ang ingay na din ng room dahil nagkekwentuhan na ang iba. Sana all may friends.

Magbabasa na lang ako ng libro hanggang hindi pa dumadating ang magiging adviser namin.

Maya maya tumahimik ang lahat kaya nagtaas ako ng tingin. Dumating na pala si Ma'am kaya pala ang babait ng mga classmates ko.

"Good Morning Class , I'm Janice Uy and I will be your adviser" nagpalakpakan naman ang lahat at nagsigawan. Mukang mabait ang magiging adviser namin. Singkit ang mga mata nya at batang bata pa. She's pretty and alam ko na makakasundo sya ng mga kaklase ko.

"Shh quiet na so dahil ito ang first day , I want you all to introduce yourself and let's start with you" turo nya sa unahan. Lagi naman ganito kapag first day wala naman nagbago kaya habang nagpapakilala ang iba nagreready na din ako ng speech sa utak ko.

"Hello Classmates, ako nga pala ang sinayang mo HAHAHA charot" nagtawanan naman ang lahat kasama si ma'am. I got curious so tinignan ko kung sino na ang nagsasalita and I was shocked kasi sya yung lalaki kanina sa gate.

"Seryoso na kasi wag kayo makulit, ma'am si ano nagpapatawa oh" turo nya sa lalaking nasa unahan ko.

"Perez stop it" saway naman ni ma'am sa lalaki. Binelat naman nung lalaking nagsasalita si Perez.

"Last na talaga, Ako nga pala si Platon Santiago at naniniwala sa kasabihan na pogi man ako sa inyong paningin pangit naman ang sumunod sa akin" nag bow pa sya parang crazy. Tawang tawa ang lahat  kahit si ma'am.

Naglalakad na sya palapit kay Perez na syang susunod pala sa kanya. Magkatabi sila sa harap ko na hindi ko namalayan na sya pala yon.

Hinampas sya ni Perez bago tumayo.

"Hello po pffttt Ako po si pftttt Ma'am si Santiago oh" para talagang mga baliw.

"Ako po si Mateo Perez you can call me teo or baby for short" sabay kindat sa mga babae , nagtilian naman ang lahat kaya sinaway ni ma'am. Kanina pa yan sila tumitili ng si Santiago ang nakatayo. Mukang magkaibigan ang dalawa at may mga itsura pa.

Sumunod na ang iba and syempre ako na ang last since ako lang naman nasa likod. Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap.

"Hello everyone, I'm Airah Dela Fuente.. I love to read books and eating chocolates made me happy since it's my favorite.

"Ganda mo talaga Airah"

"Oy akin yan , wag ka na huminga"

"Si Ms, Perfect pala yan eh"

"Tabihan natin yan kapag may quiz , talino nyan eh"

"Beh lakad mo ako sa kuya mo"

I heard a lot of comments and familiar ang isang boses sa akin.

"Dela Fuente? Are you related to Aron?" tanong ni ma'am.

"Yes po, he's my brother" ngumiti ako ng tipid.

"Wow , I heard a lot about you and your Kuya. I hope na madami ka matutunan sa klase. It's my pleasure to be your adviser"

"Thankyou ma'am" after that umupo na ako sa upuan ko.

Madami pa sinabi si ma'am about sa rules and regulations ng school and sa mga club na pwede salihan.

Kanina ko pa din napapansin na palingon lingon sa akin si Santiago.

"You can tour around para maging familiar kayo sa school , mahaba naman ang time ng vacant nyo. Again Welcome to our school and I hope you enjoy here" Lumabas na si ma'am pagtapos nya sabihin yon.

I decided not to eat na lang and continue reading my book.

"Tara Platon hanap tayo chix" rinig ko ang usapan nila Santiago at Perez.

"Tigilan mo ako Mateo , nasa harap ko na nga eh lalayo pa ba ako?"

"Hindi ka tataluhin nyan , ace mo muna mga quiz HAHAHHA" nakarinig pa ako ng paghampas.

"Loko mas matalino pa nga ata ako sayo eh"

"Tara na tanga" pagpipilit ni Perez

"Ayoko nga , ganda ng view dito eh"

Nacurious na ako sa sinasabi ni Santiago kaya tinitigan ko silang dalawa. Nagkatitigan kami ni Santiago pero sya na din ang umiwas at hinatak si Perez palabas.

Anong problema nya?





I'm Inlove to an Angel (SOFT GIRLS SERIES #2)Where stories live. Discover now