CHAPTER 6

5 0 0
                                    


Hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakasunod sa mga kagrupo ko kaya napag desisyunan ko na lang na kumain mag isa. Naghanap ako ng food stall na masarap para sa mata ko and I found one.

Chocolate fountain!!!

Meron silang chocolate fountain tapos may mga marshmallow. Natakam agad ako kaya lumapit na ako.

"Hindi mo sinabi sa akin na ganon kalaswa ang sasayawin nyo."

Napatanga ako sa nagsalita at nagulat ng malaman na si Platon ang nasa harapan ko.

Ano nanaman bang problema ng isang to?

"Hindi ko alam na need ko pala magsabi sayo" gustong gusto ko na talaga tarayan ang isang to.

"Best friend mo ako dapat alam ko" nag pout pa nga.

"Kapag narinig ka ni perez ewan ko na lang sayo" iniwan ko na sya don at lumapit sa chocolate fountain.

Nakaka limang kain na ako ng lumapit nanaman si Platon.

"Gusto ko lang sabihin na ang galing mo sumayaw , napanganga na nga ako eh kaso lang nagulat ako na may pahawak hawak pa kayo sa isat isa at ang pangit ng ending nyo bakit kayo magkikiss!!"

Nagulat ako sa lumalabas sa bibig nya kaya naman tinalikudan ko na sya kahit gustong gusto ko pa kumain ng marshmallow.

Sumunod naman sya at kalabit ng kalabit sa akin.

"Uy uy rara bati na tayoo" walang tigil sya sa kakasunod at sa kakasabi ng magbati kami kaya sa sobrang irita tinanggap ko na lang.

"Oo na para matigil ka lang sa pagsunod at sa pag iingay" tumalon talon si platon kaya napa face palm ako. Kahit kelan talaga napaka kengkoy ng isang to.

Tumigil ito at pinaharap ako sa kanya.
"About pala sa sinasabi mo na girlfriend ko , wag ka maniwala sa mga marites ..fake news yon."

Sumaya ang puso ko sa narinig.

Hindi ko pa sya pinansin ng isang buwan para lang pala sa wala , bakit ba kasi ako nakikinig sa mga haka haka na yon.

_____________

Bumalik ang pagiging matalik na kaibigan namin ni Platon kaya masaya ako lagi na pumasok.

Iba talaga ang nagagawa ni Platon sa akin dahil para syang pills ko.

Happy Pills.

Lumipas ang mga taon grumaduate kami pareho ni Platon sa Business Administration. Naging matatag ang friendship namin kaya mas lalo akong naduwag na umamin sa kanya.

Siguro nga mas mabuting itago na lang kaysa masira ang matagal na naming pagkakaibigan.

Si daddy mahigpit at masungit pa din sa akin , kahit anong gawin ko feeling ko useless ako and not worth it pero laging nandyan si platon para pasayahin ako.

Nasa america si kuya at doon minamanage ang ibang hotels namin dahil nagkaproblema habang ako naman dito sa main branch namin sa pilipinas ang hawak ko.

I want to build my own hotel dahil gusto ko ipakita kay daddy na kaya ko din pero sa ngayon tutulong muna ako sa business nya.

Pinasok ko na din si Platon sa hotel dahil kailangan nya ng pera lalo na ngayon na inatake ang mama nya.

Nagulat nga ako nung una kung bakit hindi pinursue ni Platon ang pag awit nya gayon naman na magaling sya sa larangan na yon.

"Miss president ang lalim naman ng iniisip mo , pwede na ako mag dive sa sobrang lalim" sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Masama ka ba bisitahin?" sagot naman nya. "Tara na kain tayo , hindi ka pa daw kumakain e" sumama na lang ako sa kanya dahil hindi nanaman titigil sa pag iingay si platon.

Pinagtitinginan kami pagpasok namin sa cafeteria, lahat naman ng tao sa building sanay na makita kaming dalawa.

Nag assume pa nga sila na in a relationship kami ni platon but it's not.

Umupo ako sa bakanteng upuan habang si platon ang nakapila.
He knows what I like to eat so hindi na ako nagsabi ng order ko.

"Balita ko may dinedate ka daw?" Bungad nya sa akin pag upo nya.

"Business partner yon tsaka we talk about business, anong date pinagsasabi mo?" Tinarayan ko sya.

"Sabi sa department eh bakit ang taray mo" hindi ko na lang sya pinansin at kumain na lang.

Tinititigan naman nya ako habang kumakain kaya naiilang ako. Hindi pa din talaga ako sanay sa mga titig nya.

*Phone ring

Tinignan nya ang cellphone ko na nasa lamesa ganon din ako.

Si Kuya ang nagtext.

Hahawakan ko na sana ang cellphone pero bigla syang nagsalita.

"Eat first makakapag antay naman ata yang nagtext sayo" sinunod ko na lang ang gusto nya.

Kung makikita kami ngayon mapapagkamalan talaga kami haynako.

Binilisan ko na lang kumain at nagreply na kay kuya.

"Akyat na ako , hinahanap ako ng head sa department" tumango lang ako at hindi na nag abala na tignan sya dahil nag uusap kami ni kuya.

Narinig ko pa ang pagdadabog nya.

"Tignan mo ugali ng lalaking to" kapag hindi pinapansin akala mo inaaway.

Airah didn't notice that someone is looking at her while she's talking to her kuya.

"You will be mine soon and no one can't ruin my plan honey" after that he left.

Bago umakyat si platon napansin nya sa labas si perez , ang best friend nya dati na ngayon hindi nya alam kung nasaan na.

"Si Perez ba yon o namamalikmata lang ako?" He shrugged and continue to go upstairs.

He opened his messenger and may message ang manager ng bar na kinakantahan nya.

May naghahanap sayo, kausapin ka daw mamaya kapag duty mo.

Nagtataka sya kung sino ang gusto kumausap sa kanya.

"Ma'am pinapatawag mo daw ako?" Sa muka pa lang ng head nya mukang ang boss ang nagpapatawag sa kanya.

Ang tatay ni Airah.

Pumasok sya sa loob at nakita nya na nakaupo ito sa swivel chair ng kanilang head.

"Good afternoon sir"

"Bad afternoon to you"

"Pinatawag nyo daw po ako?"

Tumayo ang tatay ni airah at lumapit sa kanya.

"I heard na close kayo ng anak ko , Layuan mo ang anak ko kung ayaw mo mapatanggal sa kumpanya ko. Hindi kayo magka level hijo keep that in mind" he tap platon shoulder and leave.

Napasambunot si platon sa buhok.

He's frustrated

Matagal na nya gusto si Airah pero hindi nya magawang ligawan dahil alam nyang prinsesa ito samantalang sya alipin lang.

Kailangan may maipagmamalaki muna para hindi sya mapahiya sa tatay nito.

Matagal nya ng gusto umamin pero dinadaga sya lalo na magkaiba ang status nila sa buhay.

Nagpunta si Platon sa bar na pinagtatrabahuan nya at nagulat sya dahil may naka discover sa kanya. Balak nilang kunin sya bilang singer at may chance gumawa ng sarili niyang kanta.

Sa isip nya isa itong dream come true.

I'm Inlove to an Angel (SOFT GIRLS SERIES #2)Where stories live. Discover now