CHAPTER 4

8 0 0
                                    

Lumipas ang ilang taon at ngayon nasa 4th year High School na kami. Naging matatag ang section namin and mas lalo namin nakilala ang isa't isa.

Kami ni Platon? Okay kami kaso lumayo ako sa kanya simula nung mabalitaan ko na may girlfriend na sya.

Hindi ko din alam sa sarili ko bakit parang ang sakit saken nung nalaman ko yon. Siguro dahil close kami at hindi mapaghiwalay dati?

Si daddy naman akala ko magbabago na pero still galit pa din pala sa akin.

Si Kuya last year na nya at gagraduate na , matutulugan na nya si daddy sa business.

"We will be having our foundation day at inaasahan ko na sasali kayo sa mga club dahil dagdag points din ito. Nag iisip ako kung anong sasalihan ko na club. Siguro sa dance club na lang, gusto ko sana sa music club kaso for sure nandon si Platon dahil kasali sya sa banda. Ayoko na munang makasalamuha sya kahit sabihin pa nila na may palayo layo pa ako pero classmate ko naman.

Classmate kami pero hindi na kami nagpapansinsan. Hindi ko na sya pinapansin , doon sya sa girlfriend nya.

I sound bitter pero totoo lang kasi , bakit kapag nagka girlfriend na yung boy kailangan lumayo na ang friend na girl? Hindi naman lahat nang-aagaw ng boyfriend tsk.

Speaking of girlfriend, hindi ko pa nakikita na magkaroon ng girlfriend si kuya. I'm so excited na magkaroon sya para naman may matawag ako na ate.

Lumabas na ang lahat para mahanap ang club na sasalihan , lumabas na din ako para hanapin ang dance club.

"Airah pwede ba tayo mag usap?" Hinila ko ang braso ko sa hawak ni Platon. Bakit sya nanghahawak?

"Anong pag uusapan?"  Tumingin ako sa paligid dahil baka mamaya may nakikichismis.

"Okay ba tayo?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Oo naman , bakit hindi?" Napasabunot naman sya sa buhok.

"Oo? pero bakit isang buwan ka na hindi namamansin? Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali para hindi mo pansinin" anong sinasabi nya? Sya kaya yung hindi namamansin kaya hindi ko na din sya pinansin.

"Ikaw ang unang hindi namansin kaya bakit sa akin mo sinisisi?"

"Mamaya na kayo mag-away muka kayong magjowa pero kailangan nyo na umalis dito kasi mag ccut-off na yung mga club" umepal si Perez kaya nawala ang masamang tinginan namin.

"Mag usap pa tayo mamayang uwian" sabi nya bago umalis.

Sya pa talaga may gana mag walk out.

Hinanap ko na ang dance club at kamalas malasan katabi pa ng music club.

Lumapit ako sa lalaking nasa pintuan para magtanong.

"Hi can I join the dance club?" Lumingon sa akin ang lalaki and wow sobrang gwapo nya , siguro may lahi sya. Gwapo din naman si Platon , the heck bakit ko sila pinagkukumpara?

"H-Hello , diba ikaw si Airah Dela Fuente?" Bakit nya ako kilala?

"Oo ako nga , How did you know?"  He suddenly shake my hands.

"I'm Warren Tuazon, ako yung leader ng dance club and also the ssg president. Kilala kita kasi ikaw lagi ang pambato ng school when it comes sa quiz bee , dalawa tayo actually pero mukang hindi mo na ako matandaan" napahawak naman ako sa bibig dahil sa gulat.

"It's our pleasure na makasama ka sa grupo, hindi ko alam na ang isang matalinong tulad mo ay marunong din sa pagsasayaw" natawa naman ako sa sinabi nya.

Si Kuya ang pinaka magaling kapag usapang sayawan , sabi ni kuya si mommy daw ang magaling na dancer.

Nag fill up lang ako and nagkaroon ng saglit na meeting regarding sa program na magaganap. Banda ang opening tapos sunod naman kami.

Isang linggo na practice before the foundation day.

Sinabi ko kay kuya ang tungkol sa pagsali ko at natuwa sya sa nalaman.

__________________

Nagising ako sa katok ni manang dahil nagpagising ako sa kanya, nagbihis ako ng bkack sweat pants at white crop top sando na may design na babygirl.

Niready ko na din ang bag ko and water inside para hindi na ako bumili doon.

"Kuya I'm going na sa practice, pasabi na lang kay daddy. Bye iloveyou" kiniss ko si kuya at umalis na.

Tuwang tuwa pa ako ng makapasok sa school kasi syempre first day pero nawala yung ngiti ko ng makita ko ang banda ni Platon na nagpapractice sa may stage. Napatingin ang mga kabanda nya sa akin at nag apiran pa. Masama naman ang tingin nya sa suot ko. How dare him para titigan ng masama ang damit ko?!!

I flip my hair at naglakad na sa loob ng auditorium dahil doon kami magpapractice.

"Hello there pretty" kumaway naman ako sa pagbati ni warren.

Inexplain ang mga gagawin namin and nagulat ako ng kami ni warren ang napiling main dancer , magkakaroon kami ng intimate dancing. Patay ako kay kuya kapag nanonood sya. Versace on the Floor ang magiging song namin ni Warren at nagpractice na kami ng sayaw namin.

Ilang na ilang ako kay warren dahil hindi ako sanay sa mga haplos nya . Hahawakan nya ang pisngi ko , balikat , likod , kamay at bewang. Ang ending namin yung muntik kaming magkikiss pero ihaharang namin yung kamay para kunyare talagang nagkikiss.

Lumabas ako pagtapos ng practice para makalanghap ng sariwang hangin.

"Babygirl ha? " Tinaasan ko sya ng kilay at tinarayan.

"Grabe ka na rara , hindi na ikaw ang rara na nakilala ko" kunwari pa syang naiiyak.

"Tigilan mo ako Platon Santiago" sabi ko sa kanya.

"Bakit sa dance club ka sumali? Pwede naman sa mga booth ka na lang para less hassle" he was strumming sa guitar nya habang nakikipag usap sa akin. Multi tasking sya.

"Doon ka na nga magpractice" pagtaboy ko sa kanya kasi naiinis ako sa presence nya lalo na kapag naiisip ko na may girlfriend na sya.

Kung umamin kaya ako sa kanya noon, kami na kaya ngayon???

Nararamdaman ko na talaga to dati pero pinigilan ko kasi natatakot ako na baka ako lang yung nakakaramdamn nito and I was late now dahil may girlfriend na sya.

Binato nya sa akin yung jacket nya pero binato ko sa kanya pabalik.

"Susuotin mo yan o yayakapin kita hanggang sa mag uwian kayo" nag taasan ang balahibo ko sa kanya kaya inagaw ko pabalik ang jacket nya.

"Jerk tsk" bulong ko.

"That's for my eyes only so you need to hide it" may binubulong sya pero hindi ko marinig.

"Ha?" I ask because I can't understand anything.

"Hamburger" I rolled my eyes because for sure pambabara nya lang yon.

Platon Santiago is getting to my nerves arghh!!.

________________

I'm Inlove to an Angel (SOFT GIRLS SERIES #2)Where stories live. Discover now