1

41 2 4
                                    

10:30 PM


Oras na naman ng pagsasara ng toy shop ni Anya. Napailing siya matapos bilangin ang kinita niya sa buong araw.

“Hindi man lang ako nakaabot ng limangdaan sa buong maghapon.” Nababagot siyang isinara ang cash box. Hindi na siya naghapunan dahil wala rin siyang pambili maliban sa tigsingkwentang milktea na binili niya lang sa shop na katapat lang din ng shop niya na pinangalanan niyang “Playful Dreams Toy Merchandising.”

Ang kinita niyan sa araw na ito, ilalaan niya pa sa pagbabayad ng renta. Mabuti na lang at wala siyang empleyado sa kanyang shop. Running two years pa lang ang tindahan niya ng mga laruan pero nagbabadya na rin ang pagbagsak nito. Nagsimula ang pagkalugi dahil sa patong-patong na utang simula nang makahiram siya sa mga loan shark na mataas magpatubo. Daig pa niya ang na-scam at hindi pa rin siya makaahon magpahanggang ngayon.

Hindi pa nalalaman ng sarili niyang pamilya ang kinasasadlakan niyang sitwasyon. For sure, kapag nalaman iyon ng isa sa kanila, makakarinig na naman siya ng paninisi sa mga ito.

“Ano bang dapat kong gawin? Tatanggapin ko na lang ba na loser ako? Hihingi na lang ba ako ng tulong sa kanila?”

Anya turned the lights off as she planned to sleep already. Sa shop na rin siya mismo natutulog para hindi na magbayad ng house rental. Mas makakatipid naman kasi siya sa ganoong setup.

Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata pero napadako naman ang kanyang tingin sa gilid ng kama. Nakalagay sa estante ang music box na pinakamahalaga sa kanya. Ang disenyo nito ay may nakapaibabaw na couple at umiikot iyon kapag binubuksan ang music box. Mas nakakatulog siya tuwing napapakinggan ang tunog nito at nakikita ang pag-ikot ng nakapaibabaw na disenyo.

Hindi na matiyak ni Anya kung kailan nagsimula ang pagkahumaling niya sa mga laruan. Nagising na lang siya isang araw na tila binulungan siya ng kanyang sarili na mag-research sa iba't ibang uri ng mga laruan at kapag may libre siyang oras, pumupunta rin siya sa mga toy convention at toy related events.

Para sa kanya, hindi lang basta laruan na nagbibigay aliw sa mga bata ang laruan. Hindi lang ito basta materyal na bagay. Para sa kanya, isang kayamanan o asset ang mga laruan at kailangang ingatan na parang isang gadget. Wala ring pinipiling edad ang pangongolekta ng mga laruan. Kahit siguro umabot na siya sa edad na 60, toy collector pa rin siya at hindi na niya mababago iyon.

***

20 hours straight na nagtatrabaho naman pansamantala si Gelo sa mini fashion boutique ng kanyang kaibigang si Shantel. Siya na ang nagpresinta na tatapusin niya ang lahat ng pending task niya dahil sa susunod na araw ay binabalak niyang magbakasyon sa isang isla—for a while dahil binigyan siya ng temporary break ng manager ng BGYO, ang grupong kinabibilangan niya. Noon pa man lagi rin siyang naglalaan ng isa hanggang dalawang beses na pagkakataon para makapagbakasyon sa loob ng isang taon. This is also his way of relieving stress and being alone for a while.

May kompanyang pagmamay-ari ang kanyang mga magulang at siya sana ang balak na atasan para i-manage iyon. Pero matindi ang pagtanggi ni Gelo sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Hindi niya linya ang isang negosyo na may kinalaman sa pagpapaganda ng bahay at mas nahumaling siya sa music at pagsasayaw.

Dati naman, madalas na intrigahin siya ng iba niyang kakilala na magiging nobya niya si Shantel kaso alam ni Gelo na hanggang sa pagiging magkaibigan lang sila. At nang ikasal na si Shantel, tumigil na ang intriga tungkol sa kanila. Noon pa man, kahit madalas silang magkasama ni Shantel, hindi sumagi sa isip niya na magugustuhan niya ito. She’s 6 years older than him. May family issues kasi noon si Shantel kaya late itong nakapag-aral.

At ilang saglit pa, natigil tuloy sa pagiging abala si Gelo nang bumukas ang pinto sa maliit niyang opisina.

“Dito ka na matutulog? Sure ka na d'yan?” Nakangiting bumungad si Shantel at may dalang tasa ng kape.

Tipid na ngumiti si Gelo. “Oo. Tapos ko na ang ibang designs na s-in-uggest mong baguhin ko at inspired lahat ‘yon sa ideas mo. Tapos kailangan ko pang i-meet ang manager nung artistang kailangan kong i-assist sa photoshoot.”

“Sobrang supportive mo talagang kaibigan. Hulog ka ng langit,” nakangiting pakli ni Shantel.

“Umuwi ka na dahil hinihintay ka na ng anak mo, paniguradong hindi pa tulog ‘yon sa paghihintay sa'yo.” Tipid na ngumiti si Gelo sa kaibigan.

“Alam mo na ba kung saan ka magbabakasyon?” tanong ni Shantel.

Umiling kaagad si Gelo.

“May suggestion ako, doon ka na lang sa beach na pupuntahan ko, somewhere in Bataan. Hindi na kasi ako matutuloy. Humihirit ang anak ko na magpunta na lang daw kami sa zoo at amusement park. Nakapagbayad pa naman ako ng tatlong reservation, ipasalo ko na lang sana sa'yo.”

“Okay. Bayaran ko na kaagad.”

“Huwag na. Libre ko na lang dahil sa hardwork mo na tulungan ako sa boutique ko kahit sikat ka na. Dalawa nga yung na-reserve ko eh. Para sana sa asawa ko kaso ayun nga, hindi na kami matutuloy. Baka may pwede kang pagbigyan?”

“Sorry, wala. Alam mo naman na mag-isa lang ako kapag nagbabakasyon at kung pwede sana, walang makakakita sa'kin. Alam mo naman kung ano ang status ko at ng career ko. Hindi ako pwedeng magkamali,” pakli ni Gelo at muling tinuon ang mga mata sa computer.

“Gano'n ba? Ibibigay ko na lang sa friend ko. Kilala mo ba si Anya? Nakukuwento ko siya sa'yo.” Sumigla ang boses ni Shantel sa tanong na iyon.

Mabilis na pag-iling tuloy ang sagot ni Gelo. “Never heard of her. Sino ba siya?”

“Naging kaklase natin siya noong junior high. Kaso nag-transfer siya pero naging ka-close ko rin siya dahil sa kanya ako bumibili ng toys for Addie.” Si Addie ang nag-iisang anak ni Shantel na ngayon ay limang taong gulang na.

“I can't remember her.”

“Sabagay. Sa personality niyang introvert, bihira lang ang makakatanda sa kanya. At hindi ka naman namamansin ng ibang kaklase noon.” Napaismid lang si Shantel.

“Gano'n ba? Snobber kasi ako,” biro pa ni Gelo.

“Oo nga. Sige na. Uuwi na ako. Bye.”

“Bye.” Maluwag ang ngiting tugon ni Gelo sa kanyang kaibigan.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon