Matapos kausapin ni Anya ang ka-transact niya sa shop, eksakto namang na-lowbat ang phone niya. Nanghihinayang tuloy siyang inilapag iyon at sandaling napaisip.
"Sayang naman. I-i-stalk ko pa sana si Gelo. Nakakainis."
Nagpakawala siya ng buntong-hininga na tanda ng kanyang pagkabagot. Ngunit sa isang iglap, biglang ipininta niya ang ngiti sa kanyang labi. Hindi na niya yata makakalimutan ang magandang view ni Gelo sa dalampasigan— kung paano nakipagtagisan ang alon at ang madilim na ulap na naging dahilan ng pagningning nito sa kanyang paningin. Hangga't sa nakatulugan na niya ang pag-iisip tungkol sa gwapong lalaki.
Kinabukasan...
Inilibot ni Gelo ang mga mata sa labas ng beach house. Na-check niya ang oras, it's exactly 7 in the morning. Naisipan niya ma magrenta ng bangka para makapag-explore at balak niya sanang yayain si Anya. Kaso, mukhang hindi pa yata ito nagigising. Nagpamulsa siya at naglakad-lakad muna sa dalampasigan.
Meanwhile, Anya's heart seemed to explode when she went out of her room. Kitang-kita na naman niya mula sa balkonahe si Gelo na naglalakad-lakad at parang may malalim na iniisip.
"Kanina pa kaya siya gising?" she wondered.
She thought that Gelo might be a morning person. Sa kabilang banda, nakaramdam na naman siya ng hiya na i-approach ito. Pero, bahala na.
Unti-unti niyang nilapitan si Gelo at mabilis din itong tinawag.
"Gelo—"
Her voice synchronized with Gelo's movements as he turned his back on her.
"Good morning," he greeted her with a smile.
'Hay, naku. Kahit hindi mo na ako batiin, enough na 'yong ngiti mo,' was her internal monologue.
"Hello. Good morning din." Iyon lang ang isinatinig niya.
"Nag-almusal ka na?" tanong ni Gelo.
"Hindi pa. Actually, kakagising ko lang talaga. Wala lang akong plans for today," sagot naman ni Anya.
"Hindi mo tiningnan 'yong itinerary ni Shantel."
Anya raised her brows for a while. "Tiningnan ko naman. Kaso alam ko naman na hindi naman nasusunod ang itineraries. May mga bagay din naman na biglang mababago."
"Not on my watch," kampanteng sagot naman ni Gelo.
"So, ano bang gagawin dapat ngayon?" tanong naman ni Anya.
"Island hopping. Tara, puntahan natin 'yong sikat na cave sa Mariveles," paanyaya naman ni Gelo.
"Naku. Hindi yata maganda ang panahon ngayon. Parang uulan. Hindi pa sumisikat ang araw," Anya remarked.
"Sayang naman kung hindi natin itutuloy. Pero kung ayaw mo, ako na lang," kibit-balikat na tugon ni Gelo. He knew that Anya wasn't that comfortable to be with him. But at least, niyaya niya pa rin ito bilang tanda na lang ng pakikisama o companionship.
Gelo invited Anya to have breakfast. Hindi naman tumanggi si Anya. Sayang din naman kung mag-iinarte pa siya. Hello? Gelo na 'yan. Gwapo, mukhang snob sa umpisa pero hinuhuli rin naman nito ang attitude niya bilang respeto.
After that, nagrenta na nga si Gelo ng bangka para mag-Island hopping. Napakurap pa nga siya habang tinitingnan ang kabuuan ng bangkang sasakyan niya kasama si Anya. All he did earlier was shake his head.
Batid din ni Anya na hindi banayad ang pakiramdam ni Gelo sa mga sandaling iyon. Napatingala siya sa ulap na madilim na tila anumang oras, nagbabadya na ang ulan.
"Manong, sa tingin ko, hindi maganda mamangka ngayon. Nakakahiya man, pero hindi na kami tutuloy. Pero dahil naabala ka na namin, magbabayad pa rin ako," magalang na suhestyon ni Anya nang hindi man lang hinihingi ang approval ni Gelo na kanina pa tahimik sa kanyang tabi.
"Oo nga, ma'am, baka pag nasa lâot na tayo, saka pa bubuhos ang malakas na ulan. Baka hindi kayanin ng aking bangka," pagsang-ayon ng bangkero.
"Hindi, tutuloy tayo."
Nagulat ang bangkero pati na rin si Anya. Hindi nila akalaing magdi-disagree pa si Gelo.
Iglap na buntong-hininga ang naging sagot ni Anya. "O sige, ikaw na lang pala ang tumuloy. Dito na lang ako magsi-swimming."
Napansin lang ni Gelo ang pagkamot-ulo ng bangkero. Then, he finally came up to his senses. Tingin niya, tama lang din naman ang suggestion ni Anya.
"Ito po ang bayad ko sa serbisyo n'yong hindi na matutuloy pa. Mag-iingat kayo palagi," sabi ni Gelo sabay abot ng 300 pesos. Gumaya na rin si Anya at ngumiti sa bangkero.
Pumalaot na ang bangkero at saka lang nagkatinginan sina Gelo at Anya.
"Bakit mo nahulaan ang iniisip ko?" tanong niya na may tonong paninita.
"Hindi ako fortune teller. Pero kanina, napapansin ko na nanginginig ka. Feeling ko hindi ka okay. Hindi man obvious, pero observant akong tao. Siguro higit pa sa manghuhula ang kakayahang mayro'n ako. Pero tingin ko curse din siya. Imbis na dapat mas gugustuhin kong mapag-isa, hindi nangyayari dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na makialam paminsan-minsan. Nevermind, babalik na lang ako sa room ko, at kakain." Muli, nagpakawala ng aburidong buntong-hininga si Anya at nilagpasan si Gelo. Nahihiya siya sa nangyari. Tila nagpapakiramdaman lang pala silang dalawa kanina pa.
"Tama ka nga. Minsan hindi talaga masusunod ang itinerary," nakangising sambit ni Gelo nang sundan niya si Anya sa paglalakad nito.
"Hindi man natuloy, pero matutuloy pa rin. 'Yon ay kung magiging okay na ang pakiramdam mo," paniniguro ni Anya.
BINABASA MO ANG
Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]
FanfictionAng imahinasyon ni Anya ay laging puno ng mga nakapananabik na kwento; malikhain siya sa kanyang sariling paraan at naniniwala na hindi niya dapat sundin ang payo ng sinuman upang magtagumpay. Siya ay isang palaban; tumatangging hayaan ang sinuman n...