Habang naglalakad pauwi, hindi mapigilan ni Anya ang pag-iisip kay Gelo at sa mga mga mensahe sa journal na kanyang ibinigay. Umaasa siya na sana ay mabasa iyon ni Gelo at maintindihan nito ang mga nararamdaman niya.
Since Christmas is approaching, kailangan na niyang umuwi sa parents niya. Hanggang bagong taon na 'yon. She already saved enough money for her expenses. Kahit hindi siya magbukas ng toy shop, hindi na siya magwo-worry. Sayang nga lang ang potential customers na posibleng bumili sa kanya dahil sa season na ito.
Sa kabilang dako naman, isinagawa ng BGYO ang isang espesyal na online Christmas mini concert para sa aces. Sa gitna ng online concert, mas pinukaw ng mga kantang inawit ng BGYO ang damdamin ni Anya. Hindi niya maiwasang mag-ambisyon na sana ay makita man lang niya si Gelo sa araw ng Pasko kahit alam niyang imposible dahil sa busy schedules. Isa pa, hindi na rin sila nagkakapalitan ng mensahe.
Sa huli ng concert, may isa pang sorpresa si Gelo. Ibinaba niya ang gitara at humarap sa camera saka ipinakita ang mga natanggap nilang regalo kamakailan sa fanmeet.
"Merry Christmas to our lovely aces! Salamat sa walang sawang suporta ninyo. Ito'y espesyal na gabi para sa ating lahat. We are always working hard for all of you."
Habang si Anya naman, hindi na nag-hesitate na mag-iwan ng live message. Nag-type siya sa chat ng,
"Merry Christmas, Kapitan Gelo, JL, Akira, Nate, Mikki❣️ Thank you sa pagbahagi ng inyong musika at talento sa amin. Sana ay magpatuloy ang inyong tagumpay!"
Samantala, bumalik si Gelo sa pagtingin sa screen at nagsalita,
"Maraming salamat, Anya! Merry Christmas din sa 'yo! Ito'y para sa inyo, sa lahat ng aces. Stay safe and enjoy the holidays!"
Hindi alam ni Anya kung paano i-explain ang mga damdamin na sumalubong sa kanyang puso nang makita ang mensahe ni Gelo. At habang pinagmamasdan ang screen, tila ba may kakaibang kiliti na nagsilbing paalala sa kanya na may patutunguhan na ang ginawa niyang pag-amin. Out of all messages, sa kanya lang ang nabasa ni Gelo—o binasa nito. Ano pa bang ibig sabihin?
"Ambisyosa. Bawal mag-assume hangga't 'di nagsasabi na may gusto sa'yo 'yong tao," saway ni Anya sa kanyang sarili.
Ang Pasko ay dumating, at sa kabilang dako naman, si Gelo ay nagdiriwang din nito sa sarili niyang pamilya.
Nang mag-open si Gelo ng kanyang mga regalo, may isang bagay na sumunod na napansin. Isang well-wrapped package na may kasamang sulat ang kanyang napulot. Binuksan niya ito nang may kasamang ngiti, at doon ay nakita niyang isang journal ang laman. Sa pagkakaalala niya, si Shantel ang nag-abot no'n during fanmeet.
Sa pagbukas ni Gelo ng journal, agad siyang na-surprise. Nakita niya ang mga pahina na puno ng saloobin, kwento, at mga damdamin. Bahagya siyang nagtaka dahil sa pagkaka-recall niya, hindi naman mahilig si Shantel na gumawa ng kahit anong scrapbook o journals.
"Pwede naman niyang ibigay sa'kin nang personal. Ipinadaan pa talaga niya kay Shantel," nakangiting sambit pa ni Gelo. Hinawakan niya rin sa wakas ang journal nang may pag-iingat, at unti-unti niyang binasa ang mga linya na puno ng pag-amin ng nararamdaman ni Anya. Naramdaman niya ang tibok ng kanyang puso, at ang pag-amin na iyon ay nagdulot ng halong takot at saya.
Napagtanto ni Gelo na hindi pala niya kayang balewalain ang nararamdaman ni Anya. Sa kabila ng layo at ng kanilang mga sariling buhay, mayroon silang koneksyon na hindi maipaliwanag. Tila ba, ang Pasko ay nagdala ng lihim na mensahe, at ang journal na iyon ay naging daan upang magtagpo ang kanilang mga damdamin.
Hindi ito ang klaseng regalo na maaaring itapon o itago na lang sa tabi. Ito ay may malalim na kahulugan para sa kanya.
Sa isang iglap, nakakuha na rin si Gelo ng time na makagamit ng phone at mag-reply kay Anya sa chat, "Maraming salamat sa regalo. It means a lot to me. Sana magkita tayo sa tamang panahon. Merry Christmas, Anya."
November 15, 2022
Hello Gelo! And of course, to my journal na rin!
It's been a whirlwind of emotions these past few weeks. I can't help but pour my heart out about my feelings for Gelo. I know I've mentioned him before in my entries, but it's different this time. It's more than just being a fan. Nagging magkaibigan muna kami. Noong akala ko nga, masungit siya at mapanlait eh. Pero noong nagkasama kami sa isang beach na kami lang dalawa at hindi pa pamilyar sa isa't isa, nagkamali pala ako. Pinangunahan kasi ako ng assumptions ko na ma-ere siyang tao. Now, he's one of the most treasured people in my life, Ang dami niyang ginawang favor at tulong na hindi ko hiningi. Kaya tuloy, hindi ko maiwasang mag-assume.
Ano ba talaga tayo, Gelo?
The fan meet was incredible. Seeing Gelo up close, hearing his voice, and interacting with him were moments I'll treasure forever. I felt an unexplainable connection. It's the kind of feeling that makes me look forward to every interaction we have. Medyo masakit lang, kasi 'yong fanmeet experience lang ang pwede kong i-share sa social media. 'Yong naging trip namin sa Bataan, hindi. Ang tanga ko kasi, eh. Muntik pang ikasira ng career niya 'yong gulong pinasok ko dahil sa pangingialam ko sa ibang tao.
Gusto ko lang din palang isulat dito na Gelo's message, gestures, and kindness felt like a gift just for me. Maybe it's silly, but the way he smiled and said my name made my heart race. It's as if he's telling me something more, something deeper, beyond the fan-idol relationship. Oo nga pala, naging magkaibigan naman muna kami bago ako maging solid fan niya.
I can't ignore the fact that there's something special between us, even if we're separated by our careers and circumstances. I've been thinking about how to express my feelings to him, and I've even written a journal about it. I wish I could be more confident, but it's not easy.
I know I'm just one fan among many, but I can't help but hope that there's a chance for us to connect on a different level. I'll cherish the beautiful moments we've had, and I'll wait for the right time to share my feelings. Until then, I'll keep my heart open to the magic of Christmas and the magic of love.
Gusto ko lang sabihin na, "Gelo, thank you for existing sa buhay ng isang tulad ko na may existential crisis pa rin until now."
Love,
Anya.
BINABASA MO ANG
Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]
FanfictionAng imahinasyon ni Anya ay laging puno ng mga nakapananabik na kwento; malikhain siya sa kanyang sariling paraan at naniniwala na hindi niya dapat sundin ang payo ng sinuman upang magtagumpay. Siya ay isang palaban; tumatangging hayaan ang sinuman n...