17

11 0 1
                                    

Pagkatapos ng isang oras at kalahating minutong pagmamaneho, nakita ni Gelo ang nag-iisang bukas na tindahan sa ganitong oras. May naghihintay na babae sa harapan nito at gumaan ang pakiramdam niya ng makitang si Anya pala iyon.

"Bakit nandito ka pa? Bakit hindi natupad ang target mo na makarating agad sa terminal?" Tanong ni Gelo, eksaktong pagkababa niya ng sasakyan. Nakuha na niya ang atensyon ni Anya. As usual, nakabusangot lang ito at nagkunwaring hindi siya nakikita. "Probably, wala nang schedule. Gabi na kasi."

"Hinihintay ko lang na tumila ang ulan. At ikaw? Bakit mo naman ako sinundan?" balik-tanong naman ni Anya sa kanya nang hindi tumitingin sa kaakit-akit na mga mata ni Gelo. Nakakahiya naman kasing aminin na palpak siya sa pagkakataong ito pero sa kabilang banda naman, tila blessing pa na maituturing na nagkatagpo pa rin sila at hindi siya natiis ng binata.

"Hindi kita sinusundan, nagkataon lang na dito pala ang way pabalik, " pagsisinungaling naman ni Gelo.

"Ah. Sige. Kailangan ko nang umalis, mag-ingat ka." Si Anya ay nagsimulang maglakad palayo sa tindahan. Habang si Gelo naman ay bumalik sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan para lang sundan si Anya.

"Hoy, wala ka bang pakialam na ihatid kita sa terminal ng bus?" pag-aalalang tanong ni Gelo habang binubuksan ang bintana ng sasakyan kahit pa mabasa ang loob nito.

"Salamat na lang. Natatakot ako na gamitin mo lang dahilan ang kabaitan mo para mas lalo akong ma-guilty sa kasalanan ko," giit ni Anya. Wala siyang pakialam na magbabad sa malakas na ulan. Ngunit sa totoo lang, malamig na. Pakiramdam niya ay manhid na siya habang nilalamig at kailangan na niya ng masisilungan.

"May mga pumapatay sa lugar na ito—I mean dati noong World War II pero ngayon, mga kaluluwa na lang sila," pabirong hirit pa ni Gelo. "Ako pa rin ang mananagot para sa iyo dahil magkasama tayo. At isa pa, hindi naman kita ininsulto kanina. Nagsabi lang ako ng makatotohanang bagay. Pwede kang kasuhan ng libel sa akusasyon mo kaya nga kita inu-urge na makipagkasundo na lang since lumitaw na rin naman ang babaeng ipinagtanggol mo."

"Ngayon, gumagamit ka ng mga legal na isyu para lang mapilit ako? Oo wala akong masyadong alam sa batas, pero mas natatakot ako sa mga mas malawak ang alam sa batas dahil kaya nilang gamitin ang nalalaman nila para pumabor sa kanila ang sitwasyon. Pero salamat pa rin at sige na nga—magso-sorry na talaga ako!" Finally, nagparaya na rin si Anya sa kanyang pride at itinago ang ngiti.

To be honest, Gelo was quite intimidated by Anya's words. He came back to his senses afterwards. Napagtanto niyang hindi niya kailangang palampasin ang pangyayaring ito.

At sa wakas, ipinarada ni Gelo ang sasakyan para isakay si Anya.

"I was never easy on anyone. Pero kahit gano'n, sinisikap kong magmukhang mas approachable sa iyo." May bahid ng sinseridad sa boses niya.

Nang makarating na sila pabalik sa beach house, nagdesisyon silang mag-usap nang masinsinan. Nais nilang malutas ang mga hindi pagkakaunawaan at mabigyan ng linaw ang mga nangyari.

"Anya, gusto ko lang malaman mo na hindi ko intensyon na sabihan ka ng masakit na salita o magdulot ng kahit anong hindi maganda sa iyo," sabi ni Gelo. Siya na ang unang umamin ng pagkakamali.

Nakita ni Anya ang sinseridad sa mga mata ni Gelo at sino ba naman siya para maging mapagmataas sa taong tumulong din naman sa kanya at nadamay pa niya sa alanganin?

"Ako rin. Humihingi ako ng sorry. Kasi, nadamay ka pa. Alam ko may sakit ka pa nga that time pero pinuntahan mo pa rin ako sa presinto. Sobrang nahihiya talaga ako. Dapat talaga ako ang naunang mag-sorry, eh," pagpapakumbaba naman ni Anya at umiwas ng tingin.

"Gusto mo ba talagang makabawi?" tanong naman ni Gelo na may makahulugang ngiti sa labi.

"Paano ba?"

"Ipagluto mo na lang ako ng sopas," hirit naman ni Gelo.

"OMG? Kinain mo?" Parang nabuhayan ng pag-asa si Anya dahil doon. Ever since, hindi niya pa nararamdaman na ma-appreciate ng iba ang kanyang ginagawa. For her, this is not just an achievement but it's also a validation.

"Oo. Wala naman akong ibang makain that time. Wala akong sinayang, ininit-init ko na nga lang habang pabalik-balik ako sa presinto para lang ma-release ka," sincere na pag-amin naman ni Gelo.

"Okay. Masusunod, Idol Gelo!" masiglang sagot ni Anya na nagpagulat sa binata.

"Anya— alam mo na ang background ko?" tila kinakabahang tanong pa ni Gelo.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon