7

14 1 1
                                    

GELO: Nandito na kami ni Anya sa Mariveles, kanya-kanya kami ng room.

SHANTEL Oh hi! Buti naman. Di mo ba siya sinungitan?

GELO: Nasungitan ko na. Hindi na talaga ako sana pupunta. Kaso naawa ako, parang gustong-gusto niyang pumunta sa lugar na ito.

SHANTEL: Oo gusto talaga ni Anya na makarating dyan. Bihira lang talaga 'yong magbakasyon. Eh ikaw nga buti ka pa kung saan-saan ka na nakakarating.

GELO: Hindi naman ako nakakapagbakasyon, 'di gaya ng ganito na wala akong gagawin— hindi ako sasayaw o kakanta. Salamat nga pala, for not telling her about my profession.

SHANTEL: Oh, 'di ba? Sabi ko sa'yo eh. Hindi ka talaga niya kilala. Aayaw-ayaw ka pa. Please 'wag ka magsungit masyado kay Anya. Medyo sensitive kasi siya.

GELO: Oh, why?

SHANTEL: Basta. Take care of her, sunduin ko pa si Addie. Bye.

Napabuga na lang ng hangin si Gelo. Minabuti niyang ayusin muna ang mga gamit niya sa inokupahang silid at naisip din niyang lumabas para enjoy-in man lang ang view ng dagat sa labas. Ang maganda lang sa lugar na ito, kaunti pa lang ang mga dumadayong turista kumpara sa kalapit nitong beach na naging viral sa internet. At least dito, mas mae-enjoy niya ang bakasyon at isandaang porsyento ang kasiguraduhan niya na walang kahit sinumang makakakilala sa kanya.

***

Meanwhile...

Bumuntong-hininga na lang si Anya at kinuha ang laruan sa kanyang bag, isang recycled plastic boat iyon na kinumpuni niya gamit ang mga sirang laruan. Kahit may-ari siya ng isang tindahan ng mga laruan na counterfeited sa ibang bansa, mas prefer niya na gumawa ng sarili niyang bersyon dahil sinusuportahan niya ang advocacy ng pagre-recycle para sa kalikasan. Nakuha pa niya ang iba sa mga sirang laruan sa kaibigan niya noon na nagtatrabaho sa customs at giant factory ng mamahaling laruan.

Namangha siya sa sarili niyang imbensyon. Excited na rin siyang palutangin ang laruang bangka sa dagat at kunan iyon ng litrato. Gusto niyang video-han iyon para i-post sa kanyang page at ibenta. Pagkalabas pa lang niya sa room ay tumawag na sa kanya ang nakababatang kapatid na si Arturo.

Nagsimulang sumabog si Anya. Alam na niya ang pakay ng kapatid. Huminga siya ng malalim bago magbitiw ng salita.

"Well, dapat sinabi mo sa akin nang mas maaga para hindi ako mataranta ng ganito. Naiintindihan ko naman pero naiinis pa rin ako. Anyway, ibababa ko na ang tawag na ito. Bye."

"Hindi pa ako tapos na magpaliwanag, ate," giit ni Arturo sa kabilang linya.

"Nasa bakasyon ako, okay? I-text mo na lang kung anong gusto mong sabihin."

Nakabusangot siya nang patayin ang kanyang cell phone. She's done with all persuasions from her brother to abandon her business.

Hindi niya namalayan na nasa likod niya lang pala si Gelo at hindi sinasadyang narinig niya ang lahat ng sinabi niya. Buti na lang, hindi niya nilagay sa loudspeaker ang phone niya. Halos mapatalon siya sa gulat nang lingunin niya binata.

"Nakikinig ka ba sa akin habang may kausap ako sa telepono?"

Napailing agad si Gelo. "Narinig ko ang mga sinabi mo pero hindi sinasadya. Lalabas na sana ako para magpahangin. At tsaka, hindi ako bastos na manghimasok sa privacy mo."

"Sige. As usual, hindi ko maamin ang totoong nangyari sa akin. Hindi tama ang timing pero hindi mahalaga ang bagay na narinig mo. Wala lang 'yon. Pero I think I deserved that since nagsinungaling din ako sa kanila. Akala nila okay lang ako sa mga naging desisyon ko." She faked her smile at pinunasan ang luha niya.

Pinagtitibay ni Anya ang kanyang sarili lalo na sa harap ng mga taong hindi naman siya kilala. Dahil ginusto naman niya ang tinahak niyang karera, hindi niya dapat ipakita na nanghihina rin siya kapag may dumarating na failures.

"Iba ang pagsisinungaling sa pagtatago ng sikreto," giit naman ni Gelo.

"Sa bagay, you have a point." Umiwas ng tingin si Anya at inunahan na si Gelo na pumunta sa tabing-dagat.

""Yan ba 'yong laruan na dala mo? Paano mo ginawa?" Gelo flashed a fascinating smile as he was still glancing at the toy that Anya holds.

"Madali lang, inaral ko. Pinanood ko sa YouTube." Nahihiyang umiwas ng tingin si Anya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"OMG Lord, bakit hindi n'yo man lang ako binigyan ng sign na observant pala ang lalaking ito?"

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon