Tula 028: Tahanan

7 0 0
                                    


Sa isang lunan,

Tayo ay nagkita dahil sa ating tipanan,

Mga titig ko'y iyong tiningnan,

Ngiting hindi maitago nang ito'y aking tinugunan.


Ang iyong mga hakbang na papalapit sa'kin ang pinagtuunan, 

Mga bising mo'y kagyat na pumulupot kalaunan,

Pangungulila ay nawala sapagka't ito'y iyong pinunan,

Tibok nang iyong puso'y aking naramdaman sabay tayo'y nagtinginan.


Mga mata mo'y nagbigay rin ng katugunan,

Sa pangungulila na pilit kong ayaw na pagtuunan,

"Binibini, hindi ko man alam kung paano ito mapupunan,

Ngunit, sa paraang alam ko - ito'y aking pupunan."


Ngiting hindi maikubli sabay ako'y napaisip - hindi ko man alam ang ating paroroonan,

Hindi ko rin alam ang ating kahihinatnan,

Ito rin ay may hangganan, 

Ngunit ang alam ko lang, ikaw ang aking tahanan.

Poems/Tula CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon