Tula 029: Ulan

6 0 0
                                    


Parang isang sisidlan,

Na ayaw pakawalan,

At pilit na pinipigilan,

Habang nakatingin sa kawalan.


Hindi alam kung ano ang pinagmumulan,

Pilit na iniisip kung ano ba ang dahilan,

Ito bay ay dahil sa pagmamahalan?

Na akala niya ay pangmatagalan?



Parang nakalulan,

Sumasabay sa agos ng kaniyang nararamdaman sa isang karimlan,

Pilit na tinututulan,

Sapagkat ayaw niyang makita ito ng iilan.



Babaylan,

Pwede mo bang simulan?

Luhang hindi niya na kayang pigilan,

Ikukubli na lamang ito sa nagbabadyang ulan.

Poems/Tula CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon