ADRIANE'S POV
"Whaaaaaaaaat?! You must be joking. Hindi ganun si Xavier. Hindi siya ang nakikipagkaibigan. Almost everybody in the school approaches him tapos siya na lang yung mag aaccept or decline ng friendship nila! Maraming nagkakandarapang maging kaibigan ni Xavier, ta's ikaw, for the record, ang unang inalok niya ng friendship, ta's idedecline mo ng ganun ganun lang?!" Kundi ba naman isa't kalahating tanga 'tong kapatid ko oh. Palibhasa matigas ang puso, kaya hindi na ginagamit ang utak. I admit, miski ako, pinangarap ko ring mapasok sa inner group ni Xavier.
"Excuse me? Bahala kayong maghabol sa kanya. What's so special about him? Ang pangit pangit niya. He's so bossy, airy and for Pete's sake, a pervert!" Makapervert naman 'to. Eh hindi nga siya nagpalit ng academic uniform kahapon eh, anong masisilip sa kaya kung nakapants at PE tshirt siya?
" Ah, basta. You should have said yes."
"KUYAAAAAAAAAA! >.Luh? Sinasapian po siya. Biglang naghahampas eh di naman inaano.
"Ano--Ouch-- Ano bang-- Aray! --Ano bang problem mo?!"
"Ikaw, umamin ka nga! Gusto mo ring makipag kaibigan dun sa mokong na yun no?"
"So what? Ano pake mo?" Sabay biglang natahimik siya. Tumigil na rin sa pambubugbog.
"Psh. Wala ka talaga. I've never heard of someone weaker than you. Mas matanda ka sa kanya but he influences you over? Tsktsk. Konting respeto sa sarili, kuya." Etong batang 'to, laging may sariling homily, pero infairness sa kanya ah? Mas matagal siyang magsermon kesa sa pari. -________-
"Do you even know who Xavier Cervantes is?" Baka kasi di niya alam?
"Yeah. By any means, he's the greatest bullying git I've ever encountered in my 16 years of existence."
"Psh. Wala naman akong mapapalang matinong sagot sa'yo. BytheWay, he's the owner's son." Ineexpect kong mafrustrate siya sa wrong choice na ginawa niya kahapon. Eh kaso, poker face pa rin ang bruha.
"And your point is?"
"My point is, I'll get all I want in that school if he'll be my friend!"
"Ah. You're seeking for power and fame. And the perks of being the owner's friend. What a childish reson." And she stepped out of the room. Suuus. Kelan pa naging masama ang maghangad ng ikakaganda ng takbo ng buhay ko?
CHEYENNE'S POV:
Walang kwenta. Walang kwenta talaga si Kuyaaaa! >.< Imbis na pinagsabihan akong umiwas na lang, pinagalitan pa'ko kasi di ko daw tinanggap yung offer. Tanga ba siya? I'm a girl. And guys in their school despised girls. Lalo na yung tulad ko. Panget na nga, lumalaban pa. Pero siyempre may joke. Hindi pala ako pangit. Ugali ko lang, aminado ako diyan. Maraming nagtataka sa'kin kung ba't ako naging ganito over the past few years. sa totoo lang, two years ago, I was living a perfect normal teenager life. Maraming problema sa school, yes.
But for love? Nah. Wala akong panahon diyan. Pero nawiwili rin akong pakinggan ang lovestory ng mga kaibigan ko nun. Mga kalog sila. Yes, maingay rin ako tulad ng isang normal teenager TWO YEARS ago.
But all of it changed in all of a sudden. TWO THINGS made me change for what I'd know would be better for me. Isa ng family matter at isang... Errr. Love matter? No, di pa ako naiinlove. Pero isang malaking LOVE MATTER na ang kinasangkutan ko. Gulo? Let me tell you my story.