CHEYENNE'S POV
Saktong pagpasok ko ng school, nagring na yung bell. Psh. If I know, sinadya lang naman ni Kuyang malate ako para magkarecord agad. Ayaw niya kasi sa lahat, yung napaglalamangan ko siya, lalo na sa grades. Dadaan pa'kong shoe rack sa tabi ng locker room para ilagay yung school shoes ko dahil nga sa naka rubber shoes ako. Ang maganda dito sa school na'to, walang sarisarili. Lahat, first come first serve. Kaya sa shoe rack, wala namng label label pa ng pangalan. Basta ilagay mo siya sa isang free space, and it's done.
"Alisin mo sapatos mo dyan." Bigla na lang may sumulpot na lalai sa likod ko. Huh? Ako ba kausap niya? Siguro naman hindi. Okay, Nailagay ko na yung shoes ko, gora na'ko sa room. Di pa'ko gano'ng nakakalayo, nagsalita na naman yung lalaki.
"Bingi ka ba? Sabing alisin mo sapatos mo eh." Now seriously, ako yung sinasabihan niya? And excuse me, kala ko ba walang akin akin sa school na'to?
"And why would I do that?" Banat ko sa kanya. Ang bossy kasi ng pananalita niya eh! Nakakairita. Mabilis pa naman akong mapikon pag may nagsimula nang mang inis sa'kin.
"Because that's my place." He said, sabay turo pa dun sa kinalalagyan ng sapatos ko. Kanya? Kanya? Pakain ko sa kanya yan eh.
" I guess not. Bakit, asan ang pangalan mo? Meron ba? Wala naman eh. First come, first serve. Di mo ba alam yun? Psh, why am I even explaining myself? Ilalagay ko kung saan ko gusto ilagay ang gamit ko, akin yun eh. Ciao." Paalis na sana ako nung hinila niya braso ko. Oush lang ha? Di niya ba alam na babae yung hawak hawak niya?
"Pag sinabi kong tanggalin mo, matuto kang sumunod. Baguhan ka pa lang dito, at malamang sa malamang, di mo pa kilala kung sino ang nakakabangga mo." So what naman kung may makabangga ako? Kahit sino man siya, as long as alam kong ako yung tama, bakit ako yung magpapakumbaba, diba? Sa sobrang inis nung lalaki, kinuha niya yung sapatos ko na nakalagay dun sa rack. It should have been better kung hinagis niya na lang yun. Eh kaso, talagang ipinanganak yatang bastos, ipinatong sa ulo ko! >.< Naknampusa.. Kung di ko lang first day eh, nabugbog ko na 'to. Psh. "Kahit ngayon lang talaga, ibaba mo pride mo," Sabi ko sa sarili ko. Ayun, ako talo. Naghanap ng bagong shoe rack. -_______-
Pagdating ko sa room, akala ko may nag-aabang na teacher para tanungin kung ba't ako nalate, since nagring na naman yung bell. Kaso pagdating ko, kala ko lumabas na'ko ng school at dumeretso ng Payatas. Ang gulo sa room, kala mo sa unang tingin, slums.
May nagbabatuhan ng papel dito, may nagliligawan dun, may mga natutulog na pinagtritripan dito, at may sigaw ng sigaw dun. Pero pag pasok ko, panandalian silang tumigil sa mga pinag gagagawa nila para kilatisin yung bagong dating. And for Pete's sake, tatlo lang kaming babae dito sa room! Yun lang? O late lang talaga yung iba?
"Good morning class. Everybody put your unnecessary things away from you and your table.Hey, you are the new student, right?" Sabay duro sa'kin. Wala pakong nauupuan at nasa harap pa rin ako ng room.
"Yes, sir."
"Introduce yoourself."
"Hi, I'm Cheyenne Gomez, 15 years old. Nice to meet you all." Pero walang nakikinig sa'kin, miski yung teacher namin na may kausap sa labas ng room ngayon. Yung iba, tuloy sa daldalan, may mga sari-sariling mundo. Haaaaay. Magsusurvive ba'ko dito? -________-
"You may now take your seat, Ms.... errr. What's your surname again?"
"Gomez sir."